What's new

BEST HEAVEN and WORST HELL

Binigyan pala tayo ng Diyos ng freewill, so lumalabas may kalayaan din ang tao to choose to do good or to do evil. Freewill di ba, free choice. Like free choice to commit a crime or not, "Pinatay ko yung tao dahil yun ang gusto ko kasi binigyan naman ako ng Diyos ng freewill". Ganun ba yun? Lumalabas kasalanan pa ng Diyos kung bakit nagcommit ng crime yung tao dahil gaya ng sabi mo binigyan tayo ng Diyos ng freewill. Nagiging masama tuloy ang Diyos sa paningin ng iba dahil sa freewill na yan. May freewill sila pero dapat lahat ng gagawin kalugod-lugod sa Kanya? E di hindi matatawag na freewill yan. Kasi lahat ng kalugod-lugod sa Diyos ay paggawa ng kabutihan lang, hindi pwedeng gumawa ng masama. Bakit pa tayo binigyan ng utos ng Diyos gaya ng ibigin ang kapwa, ibigin ang kaaway, mag-ibigan lahat kung may kalayaan din pala tayong gumawa ng mabuti at masama sa kapwa natin as part of our freewill na binigay ng Diyos sa atin. Kaya ang masasabi ko, to choose to do good or to do evil, hindi tayo binigyan ng Diyos ng freewill dyan. Ang kalooban ng Diyos ay gumawa ng mabuti sa kapwa natin at hindi gumawa ng masama. To do good lang kaya ang tawag diyan "God's will" at hindi freewill.
Hindi ang diyos ang lalapit sa tao, Ang tao lalapit sa diyos, Kaya ko sinabi may free will tayo nasa atin na kung gagawin natin yung kalooban niya o hindi, Hindi niya gusto mapariwara ang buhay ng tao kaya nga diba bumaba siya dito para iligtas tayo kasi ang tao ay makasalanan binigyan niya tayo ng kaligtasan kapalit yung sakripisyo na dinanas nya sa krus ng kalbaryo.
 
Free will mo parin yun, Kasi paano yun god's will tapos si tao naman gawa parin ng masama, Walang sense yung word na God's will kung si ganito hindi naman niya tinutulungan sarili niya, Tutulungan ang tao pero dapat tulungan nya rin sarili niya.
 
Free will mo parin yun, Kasi paano yun god's will tapos si tao naman gawa parin ng masama, Walang sense yung word na God's will kung si ganito hindi naman niya tinutulungan sarili niya, Tutulungan ang tao pero dapat tulungan nya rin sarili niya.
Nope, hindi freewill ng tao kung bakit siya gumagawa pa rin ng masama. Ang tawag dyan devil's will. Kalooban ng diablo yun. Dahil kalooban ng diablo na patuloy magkasala ang tao para hindi maligtas. Alam naman nating lahat kung bakit nakakagawa ng masama ang isang tao at dahil yun sa diablo at hindi dahil sa freewill.
 
Nope hindi will ng Diablo yun Will mo yun, Inudyokan ka lang pero nasa saiyo na kung susunod ka, Kasi yun yung will mo at Hindi lang iisa ang choice mo.
 
[XX='U r e k, c: 278052, m: 573400'][/XX]
Nope ulit. Hindi mo will yun. Will nga ng diablo yun. Sabi nga sa tinurong dasal sa atin ni Cristo, "at huwag mo kaming ihatid sa tukso". Kung walang manunukso sa atin, makakagawa ba tayo ng kasalanan sa Diyos? Hindi. Alam ko at alam mo rin sa sarili mo na ang diablo ang tumutukso sa tao para gumawa ng masama na labag sa kalooban ng Diyos. Sana naunawaan mo na.
 
Siguro iniisip mo ay ganun boring pala, Sinabi ko na rin yung ala ala mo pagdating mo sa heaven burado na mga kinagawian mo, Mga kayamanan mo pero isa lang matatandaan mo ang kamag anak at pamilya mo wala ng iba, Hindi mo na maiisip yung mga ganoong bagay kagaya ng ay wala palang games dun panu yan? hindi ako pwede maggala? Pwede ka naman maglibot libot dun sa heaven, Pwede ka magpuri sa kanya habang naglalakad kumanta ng awitin na kalugod lugod sa kanya, Yung pananaw ng tao iba sa pananaw ng nasa langit.
So basically nga all i can do sa heaven version mo is maglibot with my family while giving phrases to god... Wala na as in?? Un lang ba offer ng heaven nyo?? So parang im in church 24/7??

Matanong lang paps... Ikaw ba personal opinion mo lang, ung life mo dito sa earth kaya mo idevote now sa ganon?? Na wala ka gagawing iba except magpuri sa god, occasionally maglilibot ka doing nothing pero nagpupuri pa din?
 
Sa tingin ko yung heaven at hell (kung meron man) ay magkakaiba sa bawat Isa sa atin. Halimbawa ang pinakakinakatakutan mo ay pagiging mag-isa, so mag-isa ka lang sa hell mo. At syempre iisipin mo masasanay ka din naman, well sa hell mo as time passes by mas lumalala yung response mo sa kinakatakutan mo. Same sa heaven, kung ano ang pinakahinahangad ng puso mo, ay yun ang heaven mo. Pero sa akin wala akong pake kung san man ako mapunta at may chance na hindi totoo yang heaven at hell hehehe :D Basta live life to the fullest mga ma'am at sir.
 
uploader74 😆 Kailangan mo talaga idislike mga Comment ko dito ?tanggapin mo pre ang katotohanan kung ayaw mo manahimik ka na lang :) Tadtarin din kita ng dislike para parehas tayo report
 
Open topic kami ni ts dito its either paniwalaan mo o hindi wag mo lang ididislike kasi nababawasan yung points ko , Highblood mo ko ah 😂
 

Similar threads

Back
Top