What's new

'BEST FRIEND'

Scarlett OHara

꧁𝕯𝖊𝖆𝖙𝖍𝖘 𝕰𝖒𝖇𝖗𝖆𝖈𝖊 ꧂
Contributor
Joined
Nov 29, 2021
Posts
28,419
Solutions
537
Reaction
41,915
Points
19,174
Bes kumusta ka na?
Sana okay ka
Alam mo miss na kita ng sobra
Gustong-gusto na kitang Makita
Pero ang layo mo ng sobra
Miss na kita, na miss mo rin kaya ako?
Tulad ng pagka miss ko sayo?
Naalala mo rin kaya ako?
Tulad ng pag-alala ko sayo
Patawad kung hindi man ako naging perpekto
Patawad kung nagkulang man ako
Nagkulang bilang kaibigan mo
Sana maibalik yung dating tayo
Yung dating masaya na parang walang problema
Yung dati na kung saan lagi tayo magkasama
Magkasama pa puntang kantina
Na miss ko na yun ng sobra
Miss ko na rin yung bonding nating dalawa
Naalala ko pa nga sabay tayo tuwing uwian
Magpapahangin sa may dalampasigan
Miss ko na rin yung kwentuhan
Asaran at nauuwi minsan sa pikonan
Minsan nga hindi nagpapansinan
Sa bandang huli nagkakaayos naman
Ganyan kasi tayong magkaibigan
Alam mo nasaktan ako nung unti unti ka ng nagbago
Yung iniiwasan mo na ako
Ramdam ko tuloy hindi ako ang kailangan mo
Gusto kong itanong sayo nagkulang ba ako?
Hindi ko akalain na aabot tayo sa punto
Sa punto kung saan marami ng nagbago
Sa punto kung saan magkakahiwalay tayo
Alam mo nasasaktan ako pagkasama mo siya
Hindi ko lang pinapahalata kasi alam kong masaya ka sa piling niya
Alam ko iba na ang may ari ng atensyon mo
Masakit kasi hindi na ako
Hindi na ako ang gusto mong makasama
Makasama sa pagtawa
Akala ko hindi mo ako iiwan
Tulad ng pag iwan sa dati kong kaibigan
Pero bakit ganun?
Tuluyan mo akong iniwan
Bakit mo ako iniwan
Umalis ka ng walang paalam
Sana hindi na lang Kita nakilala
Sana hindi na lang tayo magkita
Nakita ko ang saya sa iyong mga mata
Saya na hindi ko nakita nung tayo pa
Bes naalala mo pa na ang iyong mga pangako?
Pangakong magkaibigan tayo hanggang dulo
Pagkakaibigan na walang hanggan
Pero bakit nagkaroon ng katapusan
Sana hindi ka na lang nangako
Iiwan mo rin pala ako sa dulo
Gusto ko sanang tapusin ang tulang ito
Tulad ng pagatapos mo sa tayo
Bes gusto kong magpasalamat sayo
Salamat kasi dumating ka sa buhay ko
 
na try ko din yan 3yrs ago...but i surrender during reaching out convo ako kusa nag sabi na tigilan na lang kasi almost 2yrs nakami break and biglang bumalik para e fix sana pero nakakapagod LDR kung halos wala man lang mailaang time... understanding ako sa relationship either LDR or Actual pero when it comes to time atlest spend time manlang
Best friend ba yang tinutukoy mo? Sorry to hear that. Hindi ako marunong magpayo sa ganyan
 
a
Best friend ba yang tinutukoy mo? Sorry to hear that. Hindi ako marunong magpayo sa ganyan
ay mali hahaha nakapag kwento pa tuloy hahaha

nakarelate din ako dyan kaya binahagi ko din

may kino compose kasi na another hahaha
 

Similar threads

Back
Top