What's new

Closed Bes, mahirap kumita ng pera...

Status
Not open for further replies.

Cee Jay

🧿 𝕾𝖔𝖚𝖑 𝕮𝖆𝖑𝖎𝖇𝖗𝖊 🧿
Contributor
Joined
Feb 22, 2015
Posts
14,583
Solutions
2,185
Reaction
25,939
Points
8,269
Realization In Terms Of Money/Salary

Okay, given na minimum wager tayo (kasama na rin ang mga freelancers, etc.) that's Php 521 a day, so Php 10,420. Less mo pa ang pamasahe, pangkain, contribution, bills, siguro matetake home mo na lang ay nasa 6K.

So sa 6K na yun, divided by 20 days, 300 pesos per day, divided by 8 hours, 37.50 pesos.

So kumikita tayo ng 37.50 kada oras. Isara na natin ng 38.

Tapos magpapalibre ka ng chicken with spaghetti na worth 85 pesos. Halos dalawa't kalahating oras ko yang pinagpaguran sa opisina.

Or kaya magpapalibre ka ng starbucks drink na worth 160 pesos. Imagine... kape mo lang apat at kalahating oras ko nang pinagpaguran. Stress sa work, stress sa kawork, sa boss, personal problems, at iba pa.

Kaya naisip ko, napakahalaga pala talaga ng pera sa nagtatrabaho na. Kasi literal na dugo't pawis.

Kaya kung kakain tayo, KKB.
Kung sabay tayo sa isang sasakyan, hati-hati.
Kung sasabihin mong "abonohan mo muna" dapat bayaran mo rin after.

On the other hand, kung gusto mong gumastos ng gumastos, sige lang... Pero sana huwag ka nang mag-aya pa. Sarilinin mo na lang ang luho mo. Hindi yong yayayain mo lahat. Tapos kapag hindi sasama, sasabihan mo ng "kill joy". Kill-joy? Drawing? Others? Woe! Hindi ako kill-joy! Sadyang nagtitipid lang talaga ako. Hindi kasi ako maluho. Gusto kong mag-ipon ng pera para ma-secure ko ang future ko. Kakatapos lang ng team building, may plano ka na naman para sa lahat. Nyemas! Kung gusto mong mag-waldas ng pera, go! I-push mo yan!! Di ka naman babawalan eeh. Huwag ka lang mandamay. Ikaw na lang.. Huwag mo nang i-declare. Sasabihin mong "ang hindi sasama ay mababaog"... Nyemas ka!! Iniinis mo ako! Nakakabwiset ka.

Bes, sa totoo lang... mahirap kumita ng pera.
 
Last edited:
Hahaha tama. Ako din pag may gustong bilin iniisip ko muna kung ilang oras ko kailangan pagtrabahuhan. So ayun madalas di ko nalang binibili hahaha.
 
nasa tao na yan kung pano nila gastusin pera nila nasa huli naman ang pagsisisi halos lahat sa panahon ngayon kung gumastos di naaayon sa kinikita nila minsan nakakaasar kaya gusto nila taasan ang sahod given na yung mataas ang bilihin pero sa totoo lang sapat nayun kailangan lang alisin yung hindi necessity eto lang naman talaga verdict dyan kaya nasasabing kulang dahil andame nilang gusto hindi makuntento i ayon ang lifestyle sa kinikita ang hirap kumita ng pera kaya dapat umayos tayo sa paggastos nito
 
True ako nga sinabihan ng nanay na ''Ano ako nag tatae ng pera'' Hahaha

Iba naman ang nasasabi ko.. Sabi ko, "Ano ako? ATM?"

Tapos sasagot naman ang lintik.. "Hindi ka ATM, ikaw mismo yong Bangko."

Kakagigil, diba?
 
Hahaha tama. Ako din pag may gustong bilin iniisip ko muna kung ilang oras ko kailangan pagtrabahuhan. So ayun madalas di ko nalang binibili hahaha.

Kaya ako, bihira akong gumastos.. Tapos may mga taong ganyan. Magyayaya pa. Sasabihing ang hindi sasama ay mababaog. Loko ng mokong! Sarap upakan.
 
nasa tao na yan kung pano nila gastusin pera nila nasa huli naman ang pagsisisi halos lahat sa panahon ngayon kung gumastos di naaayon sa kinikita nila minsan nakakaasar kaya gusto nila taasan ang sahod given na yung mataas ang bilihin pero sa totoo lang sapat nayun kailangan lang alisin yung hindi necessity eto lang naman talaga verdict dyan kaya nasasabing kulang dahil andame nilang gusto hindi makuntento i ayon ang lifestyle sa kinikita ang hirap kumita ng pera kaya dapat umayos tayo sa paggastos nito

True! Pero sana kung maluho sya, huwag na sana syang mandamay. Kakabuwiset lang yong ugali nya.
 
Maganda ung pagbreak down mo per day ng rate at least nakikita natin tlagang mahirap kitain ang pera. Sa isang oras mo sa office ang tagal tagal na.

Ako nahihiya ako madalas pg sinasabi "libre kita" sanay ako kse sarili ko sagot ko. Pero pag ininsist lang tlaga like ng kapatid ko or parents ko na mapilit minsan umoo nlng ako kse baka magtampo naman.

Pero pag ngmamall kami tapos maraming sasama like mother in law ko at brother or sisters in law in the end ako pala ang taya yikes ang bigat sa bulsa mehn! Mapapakamot ka na lang sa ulo kse ang bibilin ko sa mall tissue lang at wipes haha!

Pero sa huli 100% pa pala presyo ng wipes at tissue need ko ilabas panlibre sa kanila. LOL
 
Yan yun darkside nang ugali nating mga pinoy, oo malambing tayo at malambot yung puso sa ating mga pamilya. Nagtrabaho ako sa labas, iba tlga yung patakaran nang mga banyaga(European at Australian), kapag gusto nila magsaya o mag celebrate sa bahay lang tapos yung foods ambag lahat walang lamang.. Yung mall culture kasi nakuha lang yan natin sa Americans na hindi rin wais pagdating sa kanilang pera, pati yung fast food na overpriced...
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top