What's new

Closed benefits ng ampalaya sa katawan ng tao.

Status
Not open for further replies.

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Joined
Aug 21, 2017
Posts
104,956
Solutions
1
Reaction
53,216
Points
27,061
Age
28
1593684329958.png


Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:

  • Dahon. Ang dahon ay kadalasang kinakatasan o kaya ay nilalaga upang ipang-gamot.
  • Bunga. Ang katas ng berdeng bunga ng ampalaya ay karaniwang ginagamit na panggamot sa maraming uri ng karamdaman. Maaari itong durugin at gawing inumin o kaya ay kainin mismo ang bunga bilang gulay.
  • Ugat. Ang ugat ay kadalasang pinakukuluan at pinapainom din upang ipanggamot.

Ayon sa mga pag-aaral at nakagawian ng ilan, ang ilan sa mga sakit na maaaring malunasan sa pamamagitan ng paggamit sa halamang ampalaya ay ang sumusunod:

1. Pananakit sa katawan. Ang pag-inom sa katas ng dahon ampalaya ay sinasabing may epektong analgesic o nakapagpapawala ng pananakit sa katawan.

2. Pamamaga o pamamanas. May kakayahan din daw ang katas ng dahon ng ampalaya na alisin ang pamamanas o pamamaga sa katawan.

3. Diabetes. Ang katas mula sa dahon at bunga ng ampalaya ay may malaking tulong daw sa pagsasaayos ng lebel ng asukal sa katawan lalo na sa mga may sakit na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Ang bunga rin ay tumutulong sa pagpapalakas ng produksyon ng insulin sa pancreas o lapay.

4. Ulcer. Nakatutulong din daw sa mas mabilis na pagpapagaling ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang pag-inom ng katas ng dahon ng ampalaya.

5. Sobrang timbang. Sinasabing ang katas mula sa bunga ng ampalaya ay makatutulong daw sa pagbabawas ng sobrang timbang at bilbil sa katawan.

6. Dengue. Ang katas ng dahon ng ampalaya ay maaaring makapagpabuti sa pakiramdam ng taong may sakit na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

7. Impeksyon ng fungi. May ilang pag-aaral ang nagsasabing may epekto ang pag-inom at pagpahid ng katas ng ampalaya sa bahagi ng katawan na apektado ng impeksyon ng fungi.

8. Pagtatae o disinterya. Ang pinaglagaan ng dahon ng ampalaya ay karaniwang ginagamit bilang gamot sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. o disinterya.

9. Pagtatagihawat. Ang pinaglagaan ng ugat ng ampalaya o kaya ay pinaglagaan ng dahon ng ampalaya ay makatutulong daw sa pagbabawas ng tagihawat sa katawan.

10. Impeksyon ng bulate. Ang katas ng mismong prutas ay makatutulong upang tanggalin ang mga bulateng naninirahan sa sikmura.


I HOPE YOU LEARN SOMETHING NEW.
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top