What's new

Closed Batang Ama.

Status
Not open for further replies.

chumeme15

Eternal Poster
share ko lang po sana sa inyo...last year nag post ako dito about sa isang bagay na gagawin ko sana...pero dahil sa inyo nalinawan ako at sa tulong ng mahal nating panginoon di ko nagawa ang bagay na yon

So yun nalaman na nila na buntis ang asawa ko noon 3 months, nagkaron na ng pamamanhikan at nagplano ng kasal ..nag post ako non dito june tapos nalaman nila 3 months na sa buwan ng August at itinakda agad ang kasal namin ng Oct 26 2019.

Natapos ang kasal at nagsama kami sa isang bubong ng asawa kung buntis kasama ang pamilya nya, Dalawa nyang magulang at tatlong kapatid. Yung sumunod na asawa ko na kapatid na babae, laging mainit ang ulo samin , may sarili kaming kwarto, tapos lagi kaming inaasikaso ng ina ng asawa ko dahil buntis nga sya. Nagtatrabaho lang ako noon sa Jollibee working student dahil 3rd College ako na Bse major in Eng ..tapos ang asawa ko lisensyadong teacher.

Dahil nakatira ako sa kanila, Wala akong ka close na taga sa kanila ,pati mga kapatid nya ..mga tambay sa kanila at tropa ng mga kapatid ng asawa ko layo sakin .yun para bang walang pakelam sakin, parang wala lang ako, pero ginampanam ko ang pagiging ama sa anak ko ...

Dumating yung araw na nag ka sagutan ang asawa ko at kapatid nyang babae na sumunod sa kanya., Tamad kasi sa bahay nasermonan ng asawa ko ,tapos biglang sumigaw na "Ikaw kasi ang aga mong lumandi di ka muna bumawi kina mama bago ka lumandi" at yun nag ka gulo na , nang gigigil ako pero pinigilan ko sarili ko. " Gusto nyo lahat ng tao dito mahihirapan dahil sa inyo" dahil nag iihaw ihaw po kami tinutulungan kami ng ina nila pang gatas at dape.

Kaya pala ganon maka asta kapisan namin yung kapatid nya kasi ganon parang pabigat kami , di naman kami pabigat kasi tumutulong pa kami sa pang araw araw at bills sa bahay.,. ngayon gradwaiting na po ako konti nalang. Na sstress lang po ako kasi sa mga nakapaligid na tao ...parang mababa ang tingin sakin , pakiramdam ko kasalanan ko lahat..dahil laki sa hirap ang pamilya ng asawa ko na gusto ng guminhawa ang buhay pag nakapag tapos ang mga anak nila...asawa ko at mga kapatid nya..parang sinisisi ako sa mga pang yayari

22 y/old na po ako - Gradwaiting
24 y/old ang asawa ko- lesinsyadong teacher
 
tiis lang ser. sa status niyo now ay hindi pa kayo makakapagsolo. even if makagraduate ka, its better na maging stable muna. ang mahalaga ay magaling kang makisama at wala silang masasabi sayo.
 
Grabe salamat po sa inyo ....Itong Phcorner.net na forum na ito parang isang kaibigan na..all in nandito na..madaming tumutulong lalo na sa mga ganitong threads...napaka lalim po ng mga advice nyo..talagang papasok sa isip ko..salamat po sa advice nyo ...since 2016 then now naasahan ko kayo sa mga ganyang bagay..salamat po
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top