What's new

Closed Batang Ama.

Status
Not open for further replies.

chumeme15

Eternal Poster
share ko lang po sana sa inyo...last year nag post ako dito about sa isang bagay na gagawin ko sana...pero dahil sa inyo nalinawan ako at sa tulong ng mahal nating panginoon di ko nagawa ang bagay na yon

So yun nalaman na nila na buntis ang asawa ko noon 3 months, nagkaron na ng pamamanhikan at nagplano ng kasal ..nag post ako non dito june tapos nalaman nila 3 months na sa buwan ng August at itinakda agad ang kasal namin ng Oct 26 2019.

Natapos ang kasal at nagsama kami sa isang bubong ng asawa kung buntis kasama ang pamilya nya, Dalawa nyang magulang at tatlong kapatid. Yung sumunod na asawa ko na kapatid na babae, laging mainit ang ulo samin , may sarili kaming kwarto, tapos lagi kaming inaasikaso ng ina ng asawa ko dahil buntis nga sya. Nagtatrabaho lang ako noon sa Jollibee working student dahil 3rd College ako na Bse major in Eng ..tapos ang asawa ko lisensyadong teacher.

Dahil nakatira ako sa kanila, Wala akong ka close na taga sa kanila ,pati mga kapatid nya ..mga tambay sa kanila at tropa ng mga kapatid ng asawa ko layo sakin .yun para bang walang pakelam sakin, parang wala lang ako, pero ginampanam ko ang pagiging ama sa anak ko ...

Dumating yung araw na nag ka sagutan ang asawa ko at kapatid nyang babae na sumunod sa kanya., Tamad kasi sa bahay nasermonan ng asawa ko ,tapos biglang sumigaw na "Ikaw kasi ang aga mong lumandi di ka muna bumawi kina mama bago ka lumandi" at yun nag ka gulo na , nang gigigil ako pero pinigilan ko sarili ko. " Gusto nyo lahat ng tao dito mahihirapan dahil sa inyo" dahil nag iihaw ihaw po kami tinutulungan kami ng ina nila pang gatas at dape.

Kaya pala ganon maka asta kapisan namin yung kapatid nya kasi ganon parang pabigat kami , di naman kami pabigat kasi tumutulong pa kami sa pang araw araw at bills sa bahay.,. ngayon gradwaiting na po ako konti nalang. Na sstress lang po ako kasi sa mga nakapaligid na tao ...parang mababa ang tingin sakin , pakiramdam ko kasalanan ko lahat..dahil laki sa hirap ang pamilya ng asawa ko na gusto ng guminhawa ang buhay pag nakapag tapos ang mga anak nila...asawa ko at mga kapatid nya..parang sinisisi ako sa mga pang yayari

22 y/old na po ako - Gradwaiting
24 y/old ang asawa ko- lesinsyadong teacher
 
Lahat naman ng tao nagkakamali paps wala namang perpekto konting sipag lang at tiyaga makakayanan niyo din yan matatangap ka din nila bigyan mo lang ng oras nabigla lang sila sa mga nangyari Magsumikap ka lang paps kayod lang ng kayod at makakamit niyo rin pangarap niyo sa buhay wag mo na isipin yung mga bagay na nakakasama para sa inyo 😊
 
Magandang gawin mo, gawin mong yang inspirasyon para lalo ka pang magsumikap at abutin yung mga pangarap mo para sa pamilya mo. Pakita mo sa kanila lalo na dun sa kapatid nya na hindi sa maling tao napunta ang ate nya.
 
Don't let the stress(wife side brother, sisters etc..) bother you. Pre as long na ginagampanan mo ang tungkulin bilang ama sa anak at asaw mo ok na yun, bagkus gawin mong inspirasyon ang pamilya mo. Yaan mo lang pag naka graduate ka and nakahanap ng work bumukod kayo pero yung mga tumulong sa inyo ay wag niyong kakalimutan especially biyenan mo.
 
opo ..napaka bait ng byenan ko..wala po akong masabi ,talagang turing na isang tunay na anak na po ang turing sakin...marunong makisama...sadyang na dedepress lang po ako sa mga naka paligid sakin .....
 
Saludo ako sa 'yo bossing. Basta mag-sumikap ka lang. Buti nga yung byenan mo, nauunawaan at tinutulungan kayo. Iyung ang mas mahalaga kasi sila pa din ang may karapatan sa bahay na yun.

May iba byenan na kapag nawalan ka ng pera o trabaho, mabaho ka na sa kanila, yung dating pakikitungo sa yo mababago lahat. Ganyan yung byenan ko. Kaya mainam pa din yung in-laws mo.
 
Maiinis talaga mga kapatid niyan sayo lalo na kung panganay asawa mo. Yung inaasahan nilang tutulong sa kanila para maka-ahon or sa pagaaral nila e nabuntis pa at maagang nag pamilya. Dapat naiintindihan mo din yung galit or inis na nadadama nila towards you and your wife. Alam mo naman kasi typical filipino fam na pinag-aral para "makatulong".

Idle paden kita TS kasi kung iba yan hit and run yan. Magsumikap nalang TS madaming bagay naman ang nadadaan sa patience and hard work☺️
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top