What's new

Bataan Nuclear Power Plant

Opinyon niyo mga lods? Me nabasa along article before na mas mahal kung i-rerenovate/re-structure ang current Plant gawa nga ng sobrang luma na ito at mas magandang magtayo nalang ng bago. Tingin niyo?
5EAF7398-1E44-409A-99F0-63C98D9BF7FC.jpeg
 

Attachments

Mahal talaga pag pinaayos yan e kaya ayaw pabuksan yan kasi kinahoy na yung reactor ng naturang power plant binenta na at pinag kakitaan na ....
 
Haha mapapaisip talaga ang mga tao 'e di ba proyekto ni marcos to matagal na' tapos boom i konek - pinagkait lang ng mga oligarchs ang magaan sanang buhay nila.

Kapag magkaroon nga ng power plant sana mahigpit ang seguridad sapagkat siguradong mag iistage na naman ang mga oligarchs para bumalik ang mga tao sa kanila.

Dapat bago rin kasi para walang marason na dahil sa kalumaan kaya maraming aayosin at palya.
 
Hindi ganoon kadaling sabihin na mag-resume ang isang untested at puno ng problemang nuclear plant, pero kung dadaan sa tamang proseso ay bakit hindi. Di rin natin alam pa kung ilang billion dollars o euro ang uubusin niyan kahit upgrade or new dahil nga obsolete na yung equipment nyan maging yung integririty ng building facility and auxiliaries to operate according to latest safety protocol standards Pati nuclear reactor nyan ay baka nasa end of life na kung sakali.Yung kumpare/batch mate ko ang isa sa nag-maintain nyan mula 90's pa, at yung last visit ko noong araw kumpara ngayon ay di ako sigurado kung yan ay papasa sa safety inspection ngayon though it still looks intact. Though pini-phaseout na yang nuclear plant ng ilang bansa, isa pa rin itong viable source ng renewable energy ngayon. Matagal na taon, say 7 - 8 yrs.ang construction ng isang bagong plant, kaya siguro pinag-aaralan pa kung pwedeng i-operate pa yang existing BNPP sa mas maikling panahon. Pondo, technology and resources, safety standards at approval to operate ang kailangan nyan to make it happen.
Basta may mga bonafide consultants na mag-assist sa atin ng maayos, ay di hamak na aandar yan. Nasa kakayahan na lang ng mag-maintain/mag-operate nyan after that yung seguridad ng facility sa publiko. May risk talaga, like what happened in Chernobyl and other parts of the world. Kahit anong factory ay meron. Kaya yung integrity at sustainability ng facility ay dapat tuloy-tuloy to keep it safe and good as new at all times. Maraming din options din ang gobyerno like trying the latest technology of modular nuclear reactor types na 1/100 times ang liit at mas safe gamitin kaysa yung traditional types of reactors. Doon muna sa smallscale na kaya natin bago sa mas malaki. Idea ko lang po ito.
 
Pinakamura kasi yang nuclear energy. Mas uunlad tayo. Sa Japan napakaraming nuclear energy pero kaya nila i maintain.
 
Back
Top