What's new

Poems Basta Tropa Ko Siya

LoVe_D

Active 1s ago
Contributor
Joined
Dec 22, 2018
Posts
11,977
Solutions
162
Reaction
45,956
Points
8,447
Basta Tropa Ko Siya

May nakilala akong tropa
Hindi ko alam ang kanyang itsura
Hindi ko alam ang kanyang edad
Hindi ko alam ang kanyang kasarian

Pero napapasaya niya ako
Hindi ko alam kung ano ang dahilan
Hindi ko alam kung kailan ko siya nakilala
Hindi ko alam kung bakit kami nag-uusap

Swak siya sa mga trip ko sa buhay
Minsan nag-aasaran at kulitan
Minsan nagtatawan at lokohan
Minsan nagtutulungan at nagsusuportahan

Meron ka bang tropang ganyan?
Yung nakilala mo lang ng biglaan
Pero nahihirapan kang s'yang iwanan
Kasi nasanay kang lagi s'yang nandiyan

Pinapahalagahan n'yo ang isa't-isa
Pero hindi naman talaga kayo nagkikita
Minsan napapaisip ka. Ang astig diba?
Isipin mo na lang, siya ay binigay ni God sa'yo para sumaya ka.
 

Similar threads

Back
Top