What's new

Tutorial Basic Tips on How To Uncrush Your Crush

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,930
Solutions
6
Reaction
66,339
Points
16,615
Para mga may crush na gustong mag-move on sa crushes nila.
For those who want to get over to her/his crush.

P.S.
Di po ito applicable sa mga may crushes na: artista/celebrity/out-of-your-league, fictional character & alien.



1.Umiwas sa kanya personally – Huwag mo siyang hanapin. Huwag mo siyang tignan every 5 seconds Huwag ka sa kanya tumingin.

~Kung classmate, workmate, o kung-ano-pa-mang-mate, please lang huwag mo siyang tignan. Hangga’t maaari iwasan mong magkaroon kayo ng contact. If magkaka–usap kayo, don’t look directly to the eyes! Don’t reply as well I-seen mo lang. Aminin mo man o hindi kaya mo siya crush ay dahil sa pisikal niyang anyo.

2. Burahin mo ang lahat ng nagpapaalala sa iyo sa kanya –
~Burahin mo ang number niya na pinagtanong mo pa sa kakilala. (Minsan naman, memorize mo pa eh). Burahin mo ang mga pictures/videos niya: stolen shots, screen shots at downloaded. Burahin mo ang convo niyo: text & chat. (Screen shot mo na lang yung pinaka-una or sweetest para souvenir. Archive mo messages niya, hide mo posts niya (mas better kung ia-unfollow mo siya). Aba minsan lang maka-text o chat si crush.Palitan mo yang wallpaper mo.

3. Tigil–tigilan mo na ang pagtingin at pagvisit sa social media accounts niya.

~Tigilan mo din ang paglike at pagcomment! Kaya siya laging nasa newsfeed mo eh. Tapos ano, masasaktan ka kapag may kasama siyang iba sa IG? Kapag nila-like niya ang post ng iba tapos sayo hindi. Kapag may status niya na may pinatatamaan na hindi naman ikaw. Kapag nagrereply siya sa comment ng iba tapos sayo wala. Ganito lang ‘yan eh. Kahit hindi mo siya pansinin, hindi niya mapapansin. Kahit hindi mo ilike/comment, hindi niya mapapansin.

4. Never mention the name – Make it the ‘you-know-who’.

~Huwag mong banggitin ang pangalan niya. Sabihin mo na lang: ano, epal, tsonggo, etc. Madali lang ‘yan, ‘wag nyo na rin siyang itopic at ipag-usapan para hindi mo siya maisip at maalala.

5. Make something for his/her for the last time – Para sa goodbye kuno mo.

~Create something na para sa kanya. Write a story/poem, compose a song, bake a cake, sing a song, and many more. Madami kang paglalabasan ng feelings. Hindi mo kailangan na maibigay or ipaalam sa kanya ‘yan. Basta mailabas mo lang ang nararamdaman mo. Gawin mo siyang kontrabida, extra or ex mo sa story mo. Effective to promise, maeenhance mo pa ang talent mo.(Tried & tested ko na to dito)talagang nawala sila lahat ,kakagawa ko ng poem🥴

6. Try something different – Explore and discover

~Para itong ‘make yourself busy’. Para sa akin kasi nakakapagod maging busy. Di mo naman ikakaganda yun! Haggard ka pa. Kaya try something different na lang. Cut your hair shorter than usual or style it differently, eat something you don’t like, go somewhere you don’t know, etc. If stress-eater ka, pilitin mong wag kumain! Mag-exercise ka na lang, goos for the body pa. Basta for this one, try the opposite of your nakasanayan. Makakasanayan mo ding wala siya sa sistema mo. Kung sa left side of the road ka palaging naglalakad, ngayon dapat sa kanan naman.

7. Make a mantra – ulit-ulitin mong banggitin sa isip mo.

~Motivation not distraction.I keep telling myself this whenever I saw him, wherever I heard his name. Gawa ka din para sa sarili mo, ikaw lang naman makakarinig niyan.

8. Listen to heart-breaking songs – Find a song that sins your heart out.

~May kanta talaga na parang sinulat para sa iyo. Try mong pakinggan ng paulit–ulit. Gawin mong alarm. Paalala yan ng pagiging you know na.

9. Never Assume – Law of Accountancy.

~Do not assume, unless stated. Ikaw lang din ang masasaktan sa huli.

10. TRUST Him - just keep praying.

~Magtiwala ka lang kay God. Ano man ang rason kung bakit hindi ka para sa kanya ay siguradong maganda yun. May taong mas deserving para sa iyo. Patience is a virtue. Waiting is real.


Minsan mas maiging linawin mo na lang ang malabong usapan nyo. Alam ko na minsan aasa ka talaga… Akala mo may something, nothing pala. Sadyang friendly (pwe, baka flirty) or mabait lang talaga siya. ‘Di porket nilike niya ng posts mo, like ka na nya. Di porket nagrereplu siya, interesado na siya. Maraming reasons para maging masaya at kiligin ka. Nood ka ng asiandramas,korean nobela kikiligin ka pa lol. Bata ka pa naman, makikilala mo rin ang nakalaan para sa iyo… sa tamang panahon. Aral muna bago landi. Trabaho muna para sa sweldo, Hindi mo ikakamatay ang heart break. Kumain ka lang ng kumain at least happy at busog ka lagi🙃




excerpt & paraphrase from Mutya
 
Last edited:
11. Admit your mistake
mahirap kasi mag uncrush kung siya ang sisisihin mo kung bakit ka hindi masaya. Ung tipong "dapat kasi crush nlng din nya ako pra masaya na ako". Admit it na kasalanan mo from the beginning na nag crush ka ng maling tao.
 

Similar threads

Back
Top