What's new

Closed Ban facebook in the Philippines?

Status
Not open for further replies.
Hindi ko naman sinasabi, pero kung sakali mang ipa-ban ni Pangulong Duterte ang facebook sa Pilipinas ay sasang-ayon ba kayo? Merong good points at bad points kung sakali mang ma-ban ito sa atin. Mawawala na ang trolling o liliit ang mundo ng mga trolls. Sisipag na ang mga tao. Makakapagfocus na sa ibang bagay ang mga gumagamit nito. Pero kung mawawala ito ay malaki ang mababawas sa communication natin, maaapektuhan ang mga iba na gumagamit lang ng messenger/fb para sa kanilang mga transactions (study/business/etc.).

Hopefully, hindi ito magiging DDS vs Dilawan na diskusyon, tignan lang natin ang merit at demerit ng pag-ban ng facebook sa Pilipinas kung sakali man.
 
Last edited:
Ok lang po sakin kahit ma banned ang facebook, kasi hindi naman po ako mahilig mag facebook and karamihan po sa nakikita ko pag open ko ng facebook ko are mga post na pagyayabang. Example: nag pa skin care sa mamahaling clinic yung friend ko then naka video pa para ipost sa facebook and guess what pati price nilagay pa kung magkano binayad niya. Hays mga walang kwentang post.
 
nope. pano nalang mga kamaganak sa ibang bansa? at si FB is napaka friendly user na kahit na mga matatanda ay madaling pagaralan ito.
 
Ako din di na gaano nag fb .mas madaLas Kasi ako maumay sa mga waLang kwentang post.kawawa nman mga online business man/woman Kung nagkataon maban dito sa pinas .waLa na sila income na makukuha .GG pres du30
 
Pabor ako sa pag ban ni Pduts sa fb, di lang naman fb ang social media, marami pa jan alternative.
 
I'm against it, andami nating freelancers na tool si FB para kumita ng pera.
Almost 90% ng foreign clients may FB business page.


Well, may VPNs naman, and usually kailangan same time zone ng client yung kelangan ni freelancer, so okay lang pala din na ma-ban 😆 dami daming ways para ma-bypass yun and magkaron parin ng access.
 
Last edited:
Ok lng yun Facebook wag lng salihin ang messenger, di lng nmn puro kabebehan machchat mu don eh, pano na yung mga ofw or mga nasa malayong lugar.
 
Tama, yung mga nagsimula ng online businesses, lalo na nung magkaron ng pandemic and sa online business nalang umaasa ng kita. Lalo nang naghirap 😅
 
Hindi ako pabor na i-ban ang Facebook pero dapat ayusin ng FB yung pag-manage nila. Obvious naman kasi ang pagiging biased ng FB against sa mga pro-government pages. Kahit sa US din mas mahigpit sila sa mga pro-Trump at Conservative pages.

Kung may misinformation, dapat sagutin ng correct information. Hindi kung yung tingin mong may misinformation eh bubusalan mo yung bibig at itake-down ang page. Iyon ang galawang diktador at pasista.
 
Huwag lang sanang i ban, siguru proper handling lang..Mas OK nad din sigurong pina alam ng Admin ang concerns nila para atleast ma call ang attention ng FB. Sana lang they will do something about it.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top