What's new

Closed (Balik tanaw) dagdagan nyo isang stanza

Status
Not open for further replies.

Falln

Forum Veteran
Joined
Mar 16, 2016
Posts
1,883
Reaction
280
Points
742
Baka may madagdag kayo kahit isang stanza pa sana thank you.


Balik Tanaw

naalala nyo to?, mga panahong
tayo ay nasa paaralan
pag humingi ng papel ang isa,
yung iba, tiyak, hihingi rin mga yan
at ang pasahan ng sagot at kung pano kumopya ay kanya-kanyang paraan

asarang walang patid kapag si crush ang napadaan sa ibang klase dadayo pa yan,
pero sa takdang aralin natin bakit laging wala nang oras na malaan?
kokopya na lang sa iba, babaguhin ng konti para 'di halatang gaya lang

at pag ka naman, wala pa si ma'am, pagkukumpulan naman kalakaran
magkukwentuhan kung saan ang galaan. mula seryoso hanggang magkatawanan
masusungit na guro ay babansagan ng kung anong tayo lang nakakaalam

sarap balikan ng mga nagdaan, panahong tanging problema'y pagpasa lang
kung pwede lang pumasok ulit para maibalik mga dating nararamdaman
saya na tila wala nang hanggan, kung saan nabuo ating barkadahan
 
Last edited:
naalala ko noon asaran nila'y tayong dalawa, walang hangganan hanggang maguwian
ngiti mo'y kakaiba, na sakin ay para bang nagbibigay ng kakaibang saya
ngunit kapag ika'y tumingin na, hindi ko na maipaliwanag pa ang sayang nadarama
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top