What's new

Closed Bakit?

Status
Not open for further replies.

juxtaposition

Addict
Joined
Dec 20, 2014
Posts
71
Reaction
32
Points
89
Bakit?

Mga dukha't mayayaman,
Bakit magkaiba ng kapalaran?
Mga dukha'y lalong nagagapos,
Mayayama'y umuunlad ng lubos.

Maykapangyariha'y nagiging ganid sa pera
Inaalipin ang mga dukhang walang kaya
Hustisya sa lipunan ay nababayaran
Kaawa-awang mahihirap, walang kalaban-kalaban.

Nagpapahiwatig lamang ba ito
Na hindi pantay-pantay ang tao sa mundo?
May mga taong nanlalamang ng kapwa
Hindi kuntento sa kung anong meron sila.

Kapalaran ng maykaya at mahirap
Dulot nga ba ng pagsisikap?
Pananampalataya ng mga naghihikahos,
"Wag mabahala't may awa ang Diyos!"

-Juxtaposition

images.jpeg
 

Attachments

Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top