What's new

Bakit walang mashadong may gusto kay Sen.Ping for President?

Chanhonam

Enthusiast
Joined
Jan 7, 2022
Posts
126
Reaction
28
Hello po.. gusto ko lang po humingi ng tulong to finalize ung decision namin for the upcoming election. So far sa pagkilatis ng mga kandidato, mejo Lacson-Sotto ung nakakalamang samin.. Pansin ko lang wala mashadong botante na pabor sa kanya.. meron po kayang mas malalim na dahilan dun na di namin nakikita/alam? Pinipilit namin tingnan ng walang bias ung mga candidate and so far sila po ung nakikita namin na pinaka-okay for the position eh..

We appreciate your inputs and please walang hate post and seryoso po sana.. just want to ask opinion from others within this forum. Thank you!

-@admins, If this is inappropriate, please feel free to take it down.
 

iSpLak

Addict
Ping has been in the position for a very long time already. I believe he has done several valuable contributions to our country and most of them never made it to the news, social media, etc. He is underrated because his presence online is not as strong as the other candidates. Ping has a strong background when it comes to politics but his charisma is not, so sad to say most people do not consider him as presidential bet.

I'd vote for who i believe would really make a difference. Follow your heart. Any one of them can start a change but we wouldn't know what they can do unless we give them a chance to be our next PRESIDENT. 😉
 

cosmic wanderer

Established
Wala talaga pagasa mga small political party o independent candidates, two party system lang kasi yung kayang piliin nang mga pinoy same sa US.

For me, wala syang "It" factor na kayang bagohin ang buong systema. Kaylangan natin nang leader na kaya "unite" ang mga groupo nang politicians to get the job done. So far marami syang mga ka-away sa Senado at Congress, wala rin mangyayari kung hindi nya hawak ang senate at congressional majority.
 
Last edited:

dee-u

Elite
Sila rin ang napipisil ko as of today. I think medyo kulang kasi sila ng campaign strategy, o medyo late silang kumilos. Yung iba kasi ay taon ang ginugol para mapabango ang pangalan, hindi man nadungisan ang pangalan niya ay kulang yun para maging pamilyar yung pangalan niya sa mga tao. Malinis kasi siyang trumabaho at yung mga ibang kandidato ay nag-eemploy ng mga iba't-ibang strategies (madumi man o malinis) para ma-mind-condition na sila ang piliin sa darating na halalan. I think medyo immature pa rin hanggang ngayon ang voting population as a whole, karamihan ay mababaw lang ang dahilan para piliin ang isang kandidato.
 
Last edited:
The reality is, election is somehow a popularity contest. Kung sino ang madalas na nakikita at naririnig ng mga tao o kung sino ang mas maingay na pangalan iyon ang tumatatak sa isip natin. Tulad na lang sa mga tumatakbong celebrity o yung kahit pano ay kilala na ng mga tao, mas malaki ang chance nila kumpara sa hindi ganong kilala ang pangalan kahit pa mas fit sila sa posisyon. Kaya naman ang mga kandidato, gumagastos talaga sa ads, like sa media, internet, mga visual or printed materials, rallies, caravans, etc. para lang mas makilala, mapagusapan at dumami ang exposure. Kung mapapansin natin, hindi ganun kadami o kalakas ang exposure or publicity ni Ping kumpara sa ibang kandidato kaya kahit maganda ang credentials nya ay hindi sya gaanong napapansin at siguro, dahil rin sa hindi ganon kalakas ang charisma nya sa tao.
 

Chanhonam

Enthusiast
Marami pong salamat sa mga feedback nyo! Talagang campaign period ngyon and I think marami nga talaga naaapektuhan ng "bandwagon effect". Cguro imbis na maiboto ung gusto talaga nila, mejo gusto din nila na ung iboboto nila ay yung mananalo. Isa pa siguro ung "enemy of my enemy is my friend" - since alanganin si Ping, dun na lang ako sa side na may mas malakas na chance AGAINST dun sa ayaw ko.. kung anti-BBM ka, kay Leni ka; kung anti-Leni ka, BBM ka.

Di ko na po kayo na quote lahat pero I appreciate every opinion! :love: God Bless the Philippines!
 
Para sa akin, Okay naman si Senator Ping Lacson lalo na kung in terms of credentials and service kaya lang to answer your question kung bakit hindi ko siya iboboto ay dahil masyado siyang Authoritarian. Parang kasi kapag siya ang naupo ay baka mas may chance pa magkaMartial Law dahil sa sobrang niyang strikto. Wala naman akong sinabi na mali ang pagiging strikto bagkus ay mas nakakabuti pa nga yun sa ating mga Pinoy dahil alam naman natin na maraming pasaway sa bansa natin pero gaya ng kasabihan kapag sobra ay nakakasama.
 

plhbg1

Elite
lacson or isko din ako, sila dalawa ang nakitaan ko ng talino, but napakalaki talaga ng weight ng "being on mainstream" as a criteria

nung 2016 nag miriam or duterte din ako pero si miriam naging final ko kasi mas nanaig ang kanyang talino, but again nasa bottom talaga yung mga bet ko

kaya kung gusto niyo maging neutral dun kayo sa bottom mag vote dami talino doon at saka kapag public employee ka dapat neutral ka kasi yung pinaka hate mo pwedeng maging boss mo
 

Chanhonam

Enthusiast
lacson or isko din ako, sila dalawa ang nakitaan ko ng talino, but napakalaki talaga ng weight ng "being on mainstream" as a criteria

nung 2016 nag miriam or duterte din ako pero si miriam naging final ko kasi mas nanaig ang kanyang talino, but again nasa bottom talaga yung mga bet ko

kaya kung gusto niyo maging neutral dun kayo sa bottom mag vote dami talino doon at saka kapag public employee ka dapat neutral ka kasi yung pinaka hate mo pwedeng maging boss mo
miriam or duterte din ako last election pero mas duterte ung napili ko kasi ung feeling ko talaga dati malaki ang magagawang pagbabago ni du30.. mejo nalihis na lang din or mabigat talaga ang challenge lalo na inabutan ng pandemya which is unprecedented.

thank you po sa input!

Para sa akin, Okay naman si Senator Ping Lacson lalo na kung in terms of credentials and service kaya lang to answer your question kung bakit hindi ko siya iboboto ay dahil masyado siyang Authoritarian. Parang kasi kapag siya ang naupo ay baka mas may chance pa magkaMartial Law dahil sa sobrang niyang strikto. Wala naman akong sinabi na mali ang pagiging strikto bagkus ay mas nakakabuti pa nga yun sa ating mga Pinoy dahil alam naman natin na maraming pasaway sa bansa natin pero gaya ng kasabihan kapag sobra ay nakakasama.
kung sabagay nga po.. dati nga ang parang slogan or basag pa sa kanya "kamay-na-bato".. di ko sya binoto nun kasi nga nakakatakot ang dating.. sabi naman nila wag ka matakot kung walang ginagawang mali.. pero anjan din ung mga pulis na pwede kang isetup or taniman..

haaaay... lapit na mag May 9.. sana naman kung sino man manalo, dun sa talagang malinaw ang hangarin sa bansa.. di lang sa presidente, sa lahat ng posisyon at maging sa mismong mga mamayan...
 
Last edited:

M30W

Established
Si ping kulang sa pasikat kaya wala masyado may gusto. Pero sa totoo lang, sya isa sa choice ko iboto
Okay sana plataporma ni isko kaso mukhang ibebenta tayo nito sa mga businessman pagnanalo.

Smuggler kase ng cemento. Tapos mamatay tao.kung di lang nya sinira pangalan nya ,baka president na sya ngaun.
Okay lang pumapatay basta kriminal naman ang pinapatay. Sa totoo lang, di na dapat binebeybi yang mga ganyan.
 
Last edited:
Actually sa lahat ng natakbo si Ping yung lang qualified, yung the rest unqualified pa kung tutuusin, kung babasihan mo yung trackrecord mga pilit lang sa hinog pa. Unlike nung mga nakaraang mga Presidential election halos lahat ng candidate hinog na, except kay Poe syempre at Escudero (vp) the last time around.
 

qwertymark

Established
Kaparehas ng sa pag-apply ng trabaho, merong qualification standards, actually pasok naman sya sa qualifications kaso pagdating sa interview na magtetest ng character ng applicant doon sya medyo tagilid e.

Para sakin, kulang sya sa compassion sa mga Pilipino na pagsisilbihan nya parang by the book lang kumbaga. Yung papasok lang ng 8-5 sa office at gagawa lang ng trabaho nya kung anong nasa Job description pero the rest like pakikipagkapwa tao and pagtulong sa ikakabuti ng kumpanya na outside sa Job description nya wala na.
 

phc-Hudas

Established
Isa talaga sya sa qualified sa posisyon. Malaki ang nagawa nya sa PNP nung sya ang chief. Madami din syang nagawa as senador.

Hindi sya ang pinili ko kasi sa tingin ko mas kelangan natin ng fresh na idea at mas advance ang solusyon.
 
Top