What's new

Closed Bakit Tayo Dapat Umasa sa Bibliya Para sa Patnubay?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
“Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


ANO ang inaasahan mong papatnubay sa iyong buhay? Sa ngayon, pagkarami-raming payo ang makukuha sa halos lahat ng paksang maiisip mo. Sa kabila nito, marami ang umaasa sa sinaunang mga akda ng Bibliya para sa patnubay.


Gayunman, minamaliit ng karamihan ng mga tao ang Bibliya, lalo na sa panahong ito na napakadaling kumuha ng impormasyon at makabago na ang teknolohiya. Sumasang-ayon ang ilang tinitingalang edukador at siyentipiko na hindi na mahalaga ang Bibliya. Tama kaya sila? Kung isasaalang-alang ang maraming mapagkukunan ng patnubay na napakalaganap sa ngayon, bakit dapat pang umasa ang sinuman sa Bibliya?


Isang Aklat ng Katotohanan


Minsan, nagpapahinga si Jesu-Kristo sa isang balon at nakikipag-usap sa isang babaing Samaritana. Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ang Diyos ay Espiritu, at yaong mga sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ipinakikita ng pananalitang ito na may anyo ng pagsamba na katanggap-tanggap sa Diyos. Upang makasamba tayo sa katotohanan, dapat na kasuwato ito ng mga isiniwalat ng Diyos hinggil sa kaniyang sarili sa Bibliya. Nasa Salita ng Diyos ang katotohanan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Gayunman, maraming relihiyon ang nag-aangking naniniwala sa Bibliya, at waring magkakaiba ang itinuturo ng bawat isa. Dahil dito, marami ang nalilito kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya. Si Jesus ba ang Diyos o siya ang Anak ng Diyos? May kabilang-buhay ba o wala? Ang impiyerno ba ay talagang isang lugar kung saan pinahihirapan ang mga tao pagkamatay? Totoo bang persona si Satanas? Ano ang kahulugan ng pagiging Kristiyano? Talaga bang mahalaga sa Diyos ang ginagawa at iniisip natin? Puwede bang magsama nang di-kasal ang dalawang tao basta’t talagang nagmamahalan sila? Mali bang uminom ng alak?You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Inaangkin ng iba’t ibang relihiyon na katotohanan ang itinuturo nila tungkol sa mga bagay na ito. Subalit kadalasan nang nagkakasalungatan ang relihiyosong mga doktrina. Hindi maaaring katotohanan ang lahat ng iyon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Kung gayon, paano mo masusumpungan ang katotohanan tungkol sa Diyos at ang anyo ng pagsamba na nakalulugod sa kaniya? Ipagpalagay nang kailangan kang operahan upang lunasan ang isang malubhang sakit. Ano ang gagawin mo? Hangga’t maaari, sisikapin mong hanapin ang pinakamagaling na siruhano para sa gayong uri ng operasyon. Aalamin mo ang kaniyang mga kredensiyal at karanasan, pupuntahan mo siya, at kakausapin. Sa wakas, matapos kang makumbinsi sa mga katibayan na siya nga ang pinakamagaling na siruhano, magtitiwala ka sa kaniya at magpapaopera. Baka iba ang opinyon ng ilan. Subalit matibay na ngayon ang pagtitiwala mo sa siruhanong ito.


Sa katulad na paraan, kung matapat at lubusan mong susuriin ang makukuhang mga ebidensiya, malilinang mo ang pagtitiwala sa Diyos at sa Bibliya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa paghanap ng mga sagot sa mga tanong hinggil sa uri ng pagsamba na katanggap-tanggap sa Diyos, may mapagpipilian ka. Maaari mong suriin ang nagkakasalungatang turo at opinyon ng mga tao, o maaari mong isaalang-alang ang pangmalas ng Bibliya.


Tumpak at Praktikal


Kung maingat mong susuriin ang Bibliya, makasusumpong ka ng maraming patotoo na “ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang.”You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Halimbawa, ang Bibliya ay punô ng detalyadong mga hula. Pinatutunayan ng kasaysayan na natupad ang mga ito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bagaman hindi aklat-aralin sa siyensiya ang Bibliya, tumpak ito pagdating sa siyensiya. Naglalaman ito ng mga katotohanan hinggil sa kalikasan at kalusugan na isinulat libu-libong taon bago pa marating ng mga siyentipiko ang gayunding mga konklusyon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Bukod diyan, tinutulungan tayo ng Bibliya na gumawa ng matatalinong desisyon. Napakarami nitong praktikal na payo hinggil sa buhay pampamilya, pisikal at emosyonal na kalusugan, hanapbuhay, at iba pang pang-araw-araw na mga gawain. Sinasabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Si Jehova ay nagbibigay ng karunungan; sa kaniyang bibig ay nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan. At para sa mga matuwid ay mag-iimbak siya ng praktikal na karunungan.” Kung aasa tayo sa Bibliya para sa patnubay, masasanay mo ang iyong mga kakayahan sa pang-unawa na “makilala kapuwa ang tama at ang mali.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Tinutulungan din tayo ng Salita ng Diyos na maunawaan ang layunin ng buhay. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ipinaliliwanag nito ang kahulugan ng mga kalagayan sa daigdig. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ipinakikita ng Diyos sa atin sa pamamagitan nito kung paano niya aalisin ang kasamaan sa lupa at bibigyan ng sakdal na kalusugan at walang-hanggang buhay ang sangkatauhan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Naranasan mismo ng milyun-milyon katao na ang Bibliya ay talaga ngang mapananaligan at mapagkakatiwalaang pinagmumulan ng praktikal na karunungan.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top