Mga kapatid alam niyo ilusyon po yan eh..ilusyon yan ng mata ng tao na ginagamit ng demonyo..
Biblically speaking wala naman nilikha ang Dios na tikbalang, yang mga duwende, at yang manananggal..
Ang mga demonyo kasi, si satanas nakakapag anyo yan ng kung ano-ano..kung ano yung naiisip ng tao na anyo..pwedeng mag anyong hayop ang demonyo, mga espiritu kasi yan kaya pwedeng makapag anyo ng iba't-iba.. kagaya nun sa panahon ni Adam, diba nagpakilala siyang isang ahas?..
Ngayon, pwedeng mag anyong dwende o tikbalang o manananggal yung demonyo kasi nalikha na ng isip ng tao mga yun eh..mag aanyong palaka pa nga yan.. basahin natin ang desisais trese ng apocalipsis..
At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka:
Apocalipsis 16:13
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yan, mag aanyong palaka.. tuloy natin sa katorse..
Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.
Apocalipsis 16:14
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yan mga hari ang target niyan, minsan mag aanyong palaka..
Kaya huwag po tayong maniniwala na mayroong talagang manananggal, na mayroong ganung nilikha..
Mga ilusyon po yan ng demonyo, ilusyon ng mata ng tao.. kasi ang mata po ng tao nadadaya talaga ng demonyo yan eh.. makakakita ka ng something non existent, pero nakikita mo.. something not real being, pero nakikita ng mata..
Ang totoo po ay ang mga masasamang espiritu, hindi yung kung ano-anong tinatawag nilang lamang-lupa, wala nun sa biblia.. pwedeng pumasok yang masasamang espiritu sa tao sa puso ng tao.. basahin natin ang Lucas sa otso dos..
At ang ilang babae na pinagaling sa masasamang espiritu at sa mga sakit, si Maria, na tinatawag na Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio ang nagsilabas,
Lucas 8:2
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
Yan po pitong demonyo ang lumabas kay maria magdalena nun magbalik loob siya sa Dios.. yan po ang totoo..
Samahan nawa kayo ng Dios..
To God be the glory!
Salamat po sa Dios..