What's new

Bakit Pa nga ba Hahanapin ang Katotohanan?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
MARAMING relihiyosong organisasyon ang nag-aangking taglay nila ang katotohanan, at kanilang sabik na iniaalok ito sa iba. Gayunman, sa gitna nila ay nag-aalok sila ng napakaraming nakalilitong “katotohanan.” Ito ba’y isa lamang katibayan na lahat ng katotohanan ay relatibo, na walang ganap na mga katotohanan? Hindi.

Sa kaniyang aklat na The Art of Thinking, ipinahahayag ni Propesor V. R. Ruggiero ang kaniyang pagtataká na maging ang matatalinong tao kung minsan ay nagsasabi na ang katotohanan ay relatibo. Siya’y nangangatuwiran: “Kung ang lahat ay gumagawa ng kaniyang sariling katotohanan, kung gayon ay walang idea ng isang tao ang makahihigit kaysa sa iba. Ang lahat ay dapat na magkakapantay. At kung ang lahat ng mga idea ay magkakapantay, ano pa ang dahilan ng pagsasaliksik sa alinmang paksa? Bakit pa maghuhukay sa lupa para sa mga sagot sa arkeolohikal na mga tanong? Bakit pa sisiyasatin ang mga dahilan ng kaigtingan sa Gitnang Silangan? Bakit pa hahanapin ang lunas para sa kanser? Bakit pa gagalugarin ang galaksi? Ang mga gawaing ito ay makatuwiran tangi lamang kung ang ilang sagot ay nakahihigit sa iba, kung ang katotohanan ay isang bagay na hiwalay at hindi naaapektuhan ng pangmalas ng indibiduwal.”

Ang totoo, wala isa man ang talagang naniniwala na walang katotohanan. Pagdating sa pisikal na mga katunayan, gaya ng medisina, matematika, o ang mga batas ng pisika, maging ang pinakamatapat na tagapagtaguyod ng relativism ay maniniwala na ang ilang bagay ay totoo. Sino sa atin ang mangangahas na sumakay sa isang eroplano kung hindi natin inisip na ganap na totoo ang mga batas ng aerodynamics? Ang mga mapatutunayang katotohanan ay talagang umiiral; ang mga ito’y nakapalibot sa atin, at ipinagkakatiwala natin ang ating buhay sa mga ito.

Ang Kabayaran ng Relativism

Gayunman, ang mga kamalian ng relativism ay lalo nang kitang-kita sa mga bagay hinggil sa moral, yamang dito nagawa ng gayong kaisipan ang pinakamalaking pinsala. Ipinahayag ng The Encyclopedia Americana ang ganitong punto: “Totoong pinag-alinlanganan kung baga maaaring makamit ng tao ang kaalaman, o kilalang katotohanan . . . Gayunman, tiyak naman na kailanma’t tinatanggihan ang magkakambal na ideolohiya ng katotohanan at kaalaman bilang pangarap o nakasasamâ, nabubulok ang lipunan ng tao.”

Marahil napansin mo ang gayong pagkabulok. Halimbawa, madalang na ngayong panghawakan bilang mga katotohanan ang moral na mga turo ng Bibliya, na maliwanag na nagsasabing mali ang seksuwal na imoralidad. Ang situation ethics—“magpasiya kung ano ang tama sa iyo”—ay isang palasak na opinyon. Maaari bang sabihin ng sinuman na ang pagkabulok ng lipunan ay hindi bunga ng ganitong maka-relatibong pangmalas? Tunay na ang pambuong-daigdig na epidemya ng nakahahawang mga sakit sa sekso, wasak na mga tahanan, at pagdadalang-tao ng mga kabataan ay nagpapatotoo sa ganang sarili.

Ano nga ba ang Katotohanan?

Kaya ating iwan ang malabong tubig ng relativism at sandaling suriin kung ano ang inilalarawan ng Bibliya bilang ang dalisay na tubig ng katotohanan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa Bibliya, ang “katotohanan” ay hindi sa paanuman katulad ng mahirap unawain, di-malirip na kaisipan na tampulan ng pagdedebate ng mga pilosopo.

Nang sabihin ni Jesus na ang buo niyang layunin sa buhay ay ang magsalita tungkol sa katotohanan, tinutukoy niya ang isang bagay na ilang siglo nang pinahalagahan ng tapat na mga Judio. Sa kanilang banal na mga sulat, matagal nang nabasa ng mga Judio ang tungkol sa “katotohanan” bilang isang bagay na totoo, hindi pala-palagay. Sa Bibliya, ang “katotohanan” ay salin ng Hebreong salita na “ʼemethʹ,” na nagpapahiwatig ng kung ano ang matatag, totoo, at, marahil higit sa lahat, maaasahan.

May mabuting dahilan ang mga Judio upang malasin sa gayong paraan ang katotohanan. Tinawag nila ang kanilang Diyos, si Jehova, na “ang Diyos ng katotohanan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ito’y dahil sa ang lahat ng sinabi ni Jehova na kaniyang gagawin, ay ginawa niya. Kapag siya’y nangangako, tinutupad niya ang mga yaon. Kapag siya’y kumasi ng mga hula, yao’y nangatutupad. Kapag siya’y bumigkas ng pangwakas na mga hatol, lahat ay naisasagawa. Milyun-milyong Israelita ang naging mga saksing nakakita sa mga katunayang ito. Ang mga ito’y iniulat ng kinasihang mga manunulat ng Bibliya bilang hindi mapag-aalinlanganang mga katotohanan ng kasaysayan. Dî-tulad ng ibang aklat na itinuring na banal, ang Bibliya ay hindi nakasandig sa kapuwa alamat o katha. Ito’y matatag na nakasalig sa mapatutunayang mga katotohanan—makasaysayan, arkeolohikal, makasiyentipiko, at mga katunayang panlipunan. Hindi nga kataka-taka na sabihin ng salmista tungkol kay Jehova: “Ang iyong batas ay katotohanan. . . . Lahat ng iyong kautusan ay katotohanan. . . . Ang kabuuan ng iyong salita ay katotohanan”!—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Inulit ni Jesu-Kristo ang mga salita ng awit na iyon nang sabihin niya sa panalangin kay Jehova: “Ang iyong salita ay katotohanan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Alam ni Jesus na lahat ng sinabi ng kaniyang Ama ay ganap na matibay at maaasahan. Gayundin, si Jesus ay “punô ng . . . katotohanan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Natutuhan ng kaniyang mga alagad bilang mga saksing nakakita, at nagtala para sa lahat ng angkan, na ang lahat ng sinabi niya ay maaasahan, ang katotohanan.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Gayunpaman, nang sabihin ni Jesus kay Pilato na naparito siya sa lupa upang magpatotoo sa katotohanan, nasa isip niya ang isang partikular na katotohanan. Sinabi ni Jesus ang gayong pananalita bilang tugon sa tanong ni Pilato: “Ikaw ba ay hari?” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang Kaharian ng Diyos, at ang papel ni Jesus bilang Hari nito, ang siyang pinakatema, ang buod, ng turo ni Jesus nang siya’y nasa lupa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Na ang Kahariang ito ang magpapabanal sa pangalan ni Jehova, magbabangong-puri sa kaniyang soberanya, at magsasauli sa walang-hanggan at maligayang buhay ng tapat na sangkatauhan ang siyang “katotohanan” na inaasahan ng lahat ng tunay na Kristiyano. Yamang napakahalaga ng papel ni Jesus sa katuparan ng lahat ng pangako ng Diyos, at yamang lahat ng mga hula ng Diyos ay nagiging “Amen,” o totoo, dahilan sa kaniya, masasabi nga ni Jesus na: “Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang pagkilala sa katotohanang ito bilang lubos na maaasahan ay totoong makahulugan para sa mga Kristiyano ngayon. Ibig sabihin nito ay na ang kanilang pananampalataya sa Diyos at ang kanilang pag-asa sa kaniyang mga pangako ay nakasalig sa mga katotohanan, sa mga katunayan.

Ang Katotohanan Ayon sa Gawa

Hindi kataka-taka, iniuugnay ng Bibliya ang katotohanan sa pagkilos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Para sa mga Judiong may-takot sa Diyos, ang katotohanan ay hindi isang paksa sa pamimilosopo; ito’y isang landasin ng buhay. Ang Hebreong salita para sa “katotohanan” ay maaari ring mangahulugan ng “katapatan” at ginamit upang ilarawan ang isa na mapagkakatiwalaan sa kaniyang mga salita. Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na magkaroon ng gayunding pangmalas sa katotohanan. Kaniyang matinding tinuligsa ang pagpapaimbabaw ng mga Fariseo, ang malaking agwat sa pagitan ng kanilang mapagmatuwid-sa-sariling mga salita at ang kanilang balakyot na mga gawa. At siya’y nagbigay ng halimbawa sa pamumuhay nang ayon sa mga katotohanang itinuro niya.

Kaya gayundin ang nararapat sa lahat ng mga tagasunod ni Kristo. Para sa kanila, ang katotohanan ng Salita ng Diyos, ang nakapagpapasiglang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa ilalim ng pamamahala ni Jesu-Kristo, ay higit, totoong higit, kaysa sa basta kaalaman lamang. Pinakikilos sila ng katotohanang iyon upang gumawa, itinutulak sila upang mamuhay nang kaayon niyaon at ibahagi iyon sa iba. (Ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..) Para sa unang-siglong kongregasyong Kristiyano, ang landasin ng buhay na kanilang sinunod bilang mga tagasunod ni Kristo ay kung minsan kilala lamang bilang “ang katotohanan” o “ang daan ng katotohanan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Isang Kayamanang Sulit Anuman ang Kabayaran

Totoo, ang pagtanggap sa mga katotohanan ng Salita ng Diyos ay humihiling ng isang kabayaran. Una, ang pag-alam lamang sa katotohanan ay maaaring maging isang nakalilitong karanasan. Ganito ang sabi ng The Encyclopedia Americana: “Ang katotohanan ay kadalasang di-kalugud-lugod, sapagkat nabibigo nitong suhayan ang kawalang-katarungan o alamat.” Ang pagkakita na nailantad bilang huwad ang ating mga paniniwala ay nakasisira ng loob, lalo na kung tayo’y naturuan ng mga pinagkakatiwalaang relihiyosong lider. Maaaring ihalintulad ng ilan ang karanasang ito sa pagkatuklas na ang pinagkakatiwalaang mga magulang ay lihim na mga kriminal pala. Subalit hindi ba mas mabuti na malaman ang katotohanan ng relihiyon kaysa sa mabuhay sa maling akala? Hindi ba maigi na malaman ang totoo kaysa maimpluwensiyahan ng mga kasinungalingan?You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.—Ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ikalawa, ang pamumuhay kaayon ng relihiyosong katotohanan ay maaaring magbunga ng di-pagtanggap ng ilan na dati nating mga kaibigan. Sa isang daigdig na napakarami ang “nagpalit ng katotohanan ng Diyos sa kasinungalingan,” yaong mga nanghahawakan nang mahigpit sa katotohanan ng Salita ng Diyos ay waring kakatwa at kung minsan ay nilalayuan at di-nauunawaan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ngunit ang katotohanan ay sulit sa kabila ng dalawang halagang ito. Ang pagkaalam ng katotohanan ay nagpapalaya sa atin buhat sa mga kasinungalingan, pagkalito, at mga pamahiin. At kung mamumuhay tayo kaayon nito, pinatitibay tayo ng katotohanan na mabata ang mga kahirapan. Totoong maaasahan at tunay ang mga katotohanan ng Diyos, at talagang pinasisigla tayo nito taglay ang pag-asa, anupat pinangyayari nitong makatayo tayong matatag sa ilalim ng anumang pagsubok. Hindi kataka-taka na inihalintulad ni apostol Pablo ang katotohanan sa isang malapad, matibay na sinturong balat, o bigkis, na isinusuot ng mga kawal sa digmaan!—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang kawikaan sa Bibliya ay nagsasabi: “Bumili ka ng katotohanan mismo at huwag mo itong ipagbili—karunungan at disiplina at unawa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang ipagwalang-bahala ito bilang relatibo o hindi umiiral ay mangangahulugan ng di-pagkaranas sa pinakakapana-panabik at nakasisiyang paghahanap na iniaalok ng buhay. Ang pagkasumpong nito ay mangangahulugang pagkasumpong ng pag-asa; ang pagkaalam at pag-ibig dito ay mangangahulugang pagkaalam at pag-ibig sa Maylikha ng sansinukob at sa kaniyang bugtong na Anak; ang pamumuhay kaayon nito ay nangangahulugang pamumuhay na may layunin at kapayapaan ng isip, ngayon at magpakailanman.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

[Mga talababa]

May mahigit na 70 dako sa mga salaysay ng Ebanghelyo ang nag-uulat na si Jesus ay gumagamit ng isang di-karaniwang kapahayagan upang idiin ang pagiging totoo ng kaniyang mga salita. Madalas niyang sabihin ang “Amen” (“Katotohanang,” NW) upang iharap ang isang pangungusap. Ang katumbas na salitang Hebreo ay nangangahulugang “tiyak, totoo.” Ganito ang sabi ng The New International Dictionary of New Testament Theology: “Inuuri ni Jesus ang kaniyang mga salita bilang tiyak at maaasahan sa pamamagitan ng paghaharap sa mga ito taglay ang amen. Siya’y nanindigan sa mga ito at siya at ang kaniyang mga tagapakinig ay nanghawakan sa mga yaon. Ang mga yao’y kapahayagan ng kaniyang kamáhálan at awtoridad.”
Ang Griegong salita para sa “katotohanan,” a·leʹthei·a, ay nanggaling sa salita na nangangahulugang “hindi nakukubli,” kaya ang katotohanan ay karaniwang nagsasangkot ng paghahayag sa bagay na dating nakatago.—Ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Nagbabago Kaya Kailanman ang Katotohanan?

ANG gayong nakapupukaw-pansing tanong ay ibinangon ni V. R. Ruggiero sa kaniyang aklat na The Art of Thinking. Ang kaniyang sagot ay hindi. Siya’y nagpaliwanag: “Kung minsan wari ngang gayon, ngunit sa malapitang pagsusuri masusumpungan na ito’y hindi gayon.”

“Isaalang-alang,” sabi niya, “ang usapin hinggil sa may-akda ng unang aklat ng Bibliya, ang aklat ng Genesis. Naniwala ang mga Kristiyano at mga Judio noong nakalipas na mga siglo na ang aklat ay may iisang may-akda. Nang maglaon ang pangmalas na ito ay hinamon, at nang magkagayo’y napalitan ng paniwala na mga limang katao ang sumulat sa Genesis. Pagkatapos, noong 1981, inilathala ang mga resulta ng 5-taóng pagsusuri sa wika ng Genesis, na nagsasaad na may 82 porsiyentong posibilidad ng iisang may-akda, gaya ng dating inakala.

“Ang katotohanan ba tungkol sa may-akda ng Genesis ay nagbago? Hindi. Ang paniniwala lamang natin ang nagbago. . . . Ang katotohanan ay hindi mababago ng ating kaalaman o ng ating kawalang-alam.”



Pagpipitagan sa Katotohanan

“ANG pagpipitagan sa katotohanan ay hindi lamang ang waring negatibong saloobin ng ating kapanahunan na nagsisikap na ‘ilantad’ ang lahat, sa paniniwala na walang sinuman at walang anuman ang maaaring tunay na makapag-aangking nagtataglay ng katotohanan. Ito ay ang saloobin na may kagalakang pagtitiwala na ang katotohanan ay maaari talagang masumpungan, lakip ng isang mapagpakumbabang pagpapasakop sa katotohanan kailanman at saanman ito ay lumitaw. Ang gayong pagkabukas-isip sa katotohanan ay kahilingan sa mga sumasamba sa Diyos ng katotohanan; samantalang ang nararapat na pagpipitagan sa katotohanan ay tumitiyak ng katapatan sa mga pakikitungo ng isang tao sa kaniyang kapuwa-tao, kapuwa sa salita at sa gawa. Ito ang saloobin, na nakita natin, kung saan kapuwa ang L[umang] T[ipan] at ang B[agong] T[ipan] ay nagpapatotoo.”—The New International Dictionary of New Testament Theology, Tomo 3, pahina 901.
 

Similar threads

Back
Top