Bakit o Paano Ba Nagiging Ateista ang Isang Tao? Sa Kabaligtaran, Bakit may mga taong Naniniwala sa Diyos? Ano ang Opinyon Mo?

Mind Palace

Elite
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,136
Reaction
321
Alam kong may kani-kaniya tayong pinaniniwalaan, at bilang mga indibiduwal, napakahalaga na respetuhin kung ano ang pasiya ng isang tao pagdating sa lifestyle na gusto niyang gawin at sa kung anong paniniwala ang gusto niyang paniwalaan. Pero, naisip mo na ba? Ano kaya ang mga dahilan kung bakit ang isang tao ay nagiging isang ateista? Sa kabaligtaran, ano naman kaya ang dahilan kung bakit naniniwala ang mga tao na mayroong Diyos?

Huwag sana nating hatulan ang iba batay lamang sa kung ano ang kanilang pinaniniwalaan. Matuto na respetuhin ang ibang paniniwala. Sa thread na ito, puwede ninyong ibigay ang inyong opinyon kung ano ang personal ninyong mga sagot sa mga tanong na nasa itaas. Muli, respeto lang sa bawat isa.

Maraming salamat sa inyong pagbabasa ng thread na ito!
 
Ang paniwala ko ts, may isang intelligent designer o engineer ang lahat ng bagay na umiiral, kasi kung iisipin mo lahat ng bagay may purpose may layunin, lahat yon para sa kapakinabangan ng tao ,kasi matay kung iisipin hindi kayang mag produce ng mga perpekto at may layunin ang isang aksidente o pagsabog
Salamat sa pagbabahagi ng iyong paniniwala. :)
 
Ang mga atheist/agnostic madalas napupunta doon dahil sa science
Majority ng mga scientist ay non religious or less religious
Syempre may religious din tulad ng sikat na astronomers ng Vatican

Ang religious naman usually dahil from birth yun na rin yung sa parents
Meron ding non religious tapos naghahanap ng "purpose" kaya nagiging religious

Meron ding conversions syempre pero yan ang mga general na pattern

Kung titignan natin sa history, nag e expand ang science
Ang religions nawawala or nag aadjust

For example wala na yung mga Greek/Roman gods, sila GIlgamesh, Thor, Ra/Pharaoh, etc. etc.
(Bathala/Malakas at Maganda kasama ba?)
Yung Catholic inacknowledge na tama si Galileo (after 300 years yata)
Si Pope Francis mas lax na sa evolution at sa gays
Mga Mormon pwede na mag Coke noong 2012
Mga doomsday religions adjust lagi ng date (ay later pa pala, hindi pa ngayong year)

Ang science kasi scorched earth ang policy, pag talagang mali, tapon (lobotomy, shock therapy, etc.)
Sa religion, either imposible yan kasi sarado or sobrang gradual mangyari or mag adjust
 
Nice thoughts .. Salamat po sa pagbabahagi ..
 
el_jay16

Enthusiast
Sa mga bansang namamayagpag pagdating sa ekonomiya ay tila binabalewala na ang kanilang maylikha na lumalang sa kanila. Kung kaya pagdating ng mabigat na suliranin ay nauuwi na lang ito sa pagkitil ng kanilang buhay. Mabuti pa sa ating bansa ay may kinikilalang Diyos. Mas mataas ang bilang ng suicidal incident sa mga bansa ito kumpara sa ating lupang sinilangan, ang Pilipinas.
 
Salamat sa pagbabahagi ng iyong opinyon
 
Brandonheat25

Established
Kung talagang puspos ng awa ang diyos bakit pa niya hinahayaang magkaroon ng digmaan kung kaya niya namang pigilan maraming inosenteng buhay ang nawawala o kinikitil ng waalang kalaban laban at kung kilan ba talaga ang pagbabalik nya gayong matagal na panahon ng gawa ang bibliya ilang bilyong taun narin ang daigdig kilan ba talaga yong sinasabi nilang MALAPIT NA ANG PAGBABALIK NYA..
Ibig sabihin po ba nito anti christ na ako gayong lagi kung tanung yan sa sarili ko lalo na kung nakakarinig,nakakapanod ako ng mga balitang may mga nawawalang buhay,,

Sorry po kung malayo yan sa tanung nyo..
Salamat po sa magbabasa at makakabasa..
 
Erwun

Established
Mas naniniwala pa kay Darwin mga Atheist na ang tao daw nagmula sa unggoy.
Screenshot_20211202-072358_UC Turbo.jpg

Kalokohan of the century

Pinagdugtong buto ng unggoy sa tao para palabasin na evolution ang dahilan na from unggoy to tao.
 
Attachments

Erwun

Established
Basta ako naniniwala ako na may Diyos.Mahirap na kung kelan araw na ng paghuhukom ng Diyos tsaka pa lang tayo magsisi.Tayo ang gumagawa ng ihahatol sa atin ng Diyos at yun lang ang kanyang pagbabasehan ang atin mga ginawa dito sa Mundo mabuti o masama sa kapwa tao.
 
wala, title lng binasa eh haha, "fake-apeman by Charles D." lng ung binasa.
Hahaha. Yap.. ibang charles at ape pala ang tinutukoy 😂😂😂

Though its a good example din on how science works… merong certains norms na nasusunod for certain periods of time tapos iimbestigahan, pag aaralan whether its still up to standards or not.. pag hindi then reject na… sa science kasi ung narrative ang nagbabago based on the facts na napprove… sa “iba” kasi ung facts ang tini-twist or binibend to fit their own narrative

Basta ako naniniwala ako na may Diyos.Mahirap na kung kelan araw na ng paghuhukom ng Diyos tsaka pa lang tayo magsisi.Tayo ang gumagawa ng ihahatol sa atin ng Diyos at yun lang ang kanyang pagbabasehan ang atin mga ginawa dito sa Mundo mabuti o masama sa kapwa tao.
So naniniwala ka sa diyos dahil sa posibleng paghuhukom?? Gagawa ka ng mabuti dahil sa paghuhukom ni god??
 
Last edited:
naniniwala ka sa diyos dahil sa posibleng paghuhukom?? Gagawa ka ng mabuti dahil sa paghuhukom ni god??
Ito rin ang isa sa mga maling kaisipan ng mga tao kung kaya nila gustong gawin ang mabuti sa iba o kaya naglilingkod lang sila sa Diyos dahil ayaw nilang mahatulan sila na masama sa paghuhukom.

Maling-mali ang ganiyang kaisipan pagdating sa paglilingkod sa Diyos!

Ang resulta, nagkakaroon din ng maling kaisipan ang ibang mga tao sa mga taong naglilingkod daw sa Diyos. Why?

Naiisip nila na kaya lang pala naglilingkod sa Diyos at gumagawa ng mabuti ang ibang mga tao dahil natatakot sila na mapuksa kapag dumating na ang araw ng paghatol ng Diyos.

Maling-mali talaga!

Hindi nila nauunawaan ang simpleng katotohanan na ito,

1 Juan 5:3
Sapagkat ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang pagtupad sa kanyang mga utos. Hindi naman napakahirap sundin ang kanyang mga utos.

Dapat na ang maging pangunahing dahilan kung bakit ang isang tao ay naglilingkod sa Diyos ay dahil mahal niya Siya, hindi dahil sa takot siyang mapuksa kapag dumating ang paghatol ng Diyos.

Isang maling motibo at kaisipan ang maglingkod sa Diyos dahil sa takot na mapuksa o mapunta sa impiyerno na itinuturo ng napakaraming relihiyon sa ngayon. Maling-mali!

Ang paglilingkod sa Diyos ay nakasalig sa pag-ibig at tamang pagkatakot. Pagkatakot na hindi siya mapalugdan, hindi yung takot na mapuksa sa hinaharap.

Kaya hindi ko rin masisi ang iba kung bakit may mali silang pagtingin sa mga relihiyon at sa Bibliya eh. Bakit?

Dahil sa maling mga pangangatuwiran ng mga tao tungkol sa Diyos at sa Bibliya.
 
Top