What's new

Trivia Bakit Nagiging Magagalitin ang mga Tao?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
HINDI madaling maunawaan ang mga sanhi ng galit. Kahit ang mga siyentipiko ay aminado na hindi gaanong naiintindihan ng mga tao ang galit. Gayunman, naniniwala ang karamihan sa mga propesyonal sa kalusugan ng isip na lahat tayo ay nagre-react sa ilang partikular na “mitsa ng galit.”

Maaaring maging sanhi ng galit ang isang bagay na nakadidismaya o nakaiinis sa isa. Kadalasan na, ito ay nauugnay sa di-makatarungan o di-patas na pagtrato. Posibleng magalit tayo kapag nadarama natin na tayo’y hinahamak, maaaring dahil ininsulto tayo o binale-wala. Puwede rin tayong mapukaw sa galit kapag iniisip nating sinisira ang ating reputasyon o hindi nirerespeto ang ating awtoridad.

Siyempre pa, ang mga “mitsa ng galit” ay iba’t iba depende sa indibiduwal. Depende rin ito sa edad at kasarian ng isa at maging sa kaniyang kultura. At iba-iba rin ang reaksiyon ng mga tao sa mga sanhing ito ng galit. Ang ilan ay bihirang magalit at agad na napalalampas ang pagkakamali, samantalang ang iba naman ay madaling magalit at nagkikimkim ng galit sa loob ng ilang araw, linggo, buwan, o mas mahaba pa.

Napakaraming puwedeng maging sanhi ng galit sa paligid natin. Bukod diyan, mas nagiging sensitibo ang mga tao sa mga sanhing ito. Bakit? Ang isang dahilan ay ang pagiging makasarili at kawalan ng malasakit sa iba na laganap sa panahon natin. Sinasabi ng Bibliya: ‘Sa mga huling araw ang mga tao ay magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mapagmapuri sa sarili, palalo, matigas ang ulo, mapagmalaki.’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi ba’t ganiyang-ganiyan ang ugali ng marami sa ngayon?

Oo, kapag hindi nasunod ang gusto ng mga taong makasarili, kadalasan nang nagagalit sila. May iba pang mga dahilan kung bakit lumulubha ang problema tungkol sa pagiging magagalitin. Talakayin natin ang ilan.

Ang Nakikita sa Magulang

Malaki ang impluwensiya ng mga magulang sa personalidad ng isang tao mula sa pagkabata hanggang sa pagkatin-edyer. Ayon nga sa sikologong si Harry L. Mills: “Sa murang edad pa lang, natututo nang magpakita ng galit ang mga tao dahil ginagaya nila kung ano ang nakikita nilang ginagawa ng iba.”

Kung ang isang bata ay lumalaking kasama ng mga taong magagalitin—na ikinagagalit kahit maliliit na bagay lang—para na rin siyang sinasanay na harapin ang mga problema sa pamamagitan ng galit. Maikukumpara ang sitwasyon ng batang iyon sa isang halaman na dinidilig ng kontaminadong tubig. Lálakí nga ang halaman pero maaari itong mabansot, at baka permanente na itong mapinsala. Ang galit ay gaya rin ng kontaminadong tubig, at ang mga batang may magagaliting kasambahay ay malamang na maging magagalitin din paglaki nila.

Nagsisikipang Lunsod

Noong taóng 1800, mga 3 porsiyento ng populasyon ng daigdig ang nakatira sa mga lunsod. Pero noong 2008, ang bilang na iyan ay tumalon sa 50 porsiyento, at sa 2050, inaasahang aabot ito sa 70 porsiyento. Habang mas maraming tao ang nagsisiksikan sa masisikip na lunsod, malamang na maging mas magagalitin din ang mga tao. Halimbawa, ang Mexico City ang isa sa pinakamalaki at pinakamasikip na lunsod sa daigdig. Ang isang pangunahing sanhi ng stress doon ay ang trapik. Palibhasa’y mga 18 milyon katao ang nakatira sa Mexico City at may anim na milyong sasakyan doon, “malamang na [ito] ang pinakatensiyonadong kabisera sa daigdig,” ang ulat ng isang peryodista. “Napakasikip ng trapik doon kaya napakadaling uminit ang ulo ng mga tao.”

May iba pang pinagmumulan ng stress sa masisikip na lunsod, gaya ng polusyon sa ingay at hangin, problema sa pabahay, awayan dahil sa pagkakaiba ng kultura, at paglago ng krimen. Miyentras lumalala ang sitwasyon, ang mga tao ay mas madaling madismaya, magalit, at mawalan ng pasensiya.

Pagbagsak ng Ekonomiya

Ang pagbagsak ng ekonomiya ng daigdig ay nagdulot ng stress at kabalisahan sa maraming tao. Ang pinagsamang report ng International Monetary Fund at ng International Labor Organization (ILO) ng United Nations noong 2010 ay nagsabi: “Tinatayang mahigit sa 210 milyon katao sa buong daigdig ang walang trabaho.” Nakalulungkot, ang karamihan sa mga natanggal sa trabaho ay walang ibang mapagkukunan ng pinansiyal na tulong.

May problema rin kahit ang mga taong may trabaho. Ayon sa ILO, ang stress na nauugnay sa trabaho ay isang “pangglobong epidemya.” “Ang mga tao ay takót mawalan ng trabaho at nag-iisip agad ng negatibo,” ang sabi ni Lorne Curtis, isang management consultant sa Ontario, Canada. Sinabi pa niya na dahil dito, “defensive sila at mas may tendensiyang makipagtalo sa kanilang superbisor o sa ibang empleado.”

Diskriminasyon at Kawalang-Katarungan

Ipagpalagay nang sumali ka sa isang karera. Ano kaya ang madarama mo kung matuklasan mong ikaw lang ang pinatatakbo nang may kadena sa paa? Ganiyan ang nadarama ng milyun-milyon kapag dumaranas sila ng diskriminasyon dahil sa kanilang lahi o iba pang dahilan. Nagagalit ang mga tao kapag nililimitahan ang oportunidad nilang makakuha ng trabaho, edukasyon, pabahay, at iba pang mahahalagang pangangailangan.

May iba pang uri ng kawalang-katarungan na nakapanlulumo at nagdudulot ng matinding kirot ng damdamin. Nakalulungkot, ang karamihan sa atin ay nabiktima na ng kawalang-katarungan. Mahigit 3,000 taon na ang nakalilipas, ang matalinong haring si Solomon ay nagsabi: “Narito! ang mga luha niyaong mga sinisiil, ngunit wala silang mang-aaliw.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kapag laganap ang kawalang-katarungan at walang naglalaan ng kaaliwan, madaling tumubo ang galit sa puso ng isa.

Ang Industriya ng Libangan

Mahigit sanlibong pag-aaral na ang ginawa para malaman ang epekto sa mga bata ng karahasan sa telebisyon at sa iba pang uri ng media. Si James P. Steyer, ang nagtatag ng Common Sense Media, ay nagsabi: “Ang isang henerasyon na paulit-ulit na nahahantad sa karahasang matindi at parang totoong-totoo ay lumalaking sanay sa karahasan, manhid sa kalupitan, at walang gaanong habag.”

Totoo, ang karamihan sa mga kabataan na laging nakapanonood ng mararahas na eksena sa telebisyon ay hindi naman nagiging pusakal na kriminal. Pero madalas ipakita sa media na okey lang na magpakita ng matinding galit sa pagharap sa mga problema. Dahil diyan, isang bagong henerasyon na manhid sa karahasan ang lumitaw.

Impluwensiya ng Masasamang Espiritu

Ipinakikita ng Bibliya na isang di-nakikitang espiritu ang dahilan kung bakit laganap ngayon sa daigdig ang nakapipinsalang galit. Paano nangyari iyon? Sa pasimula ng kasaysayan ng tao, isang rebeldeng anghel ang lumaban sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Ang masamang espiritung iyon ay tinawag na Satanas, na sa Hebreo ay nangangahulugang “Mananalansang,” o “Kalaban.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nang maglaon, hinikayat ni Satanas na sumali sa rebelyon ang iba pang mga anghel.

Ang masuwaying mga anghel na iyon, na tinatawag na mga demonyo o masasamang espiritu, ay itinapon na sa kapaligiran ng lupa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) At mayroon silang “malaking galit” dahil alam nila na kaunting panahon na lang ang natitira sa kanila. Kaya kahit hindi natin sila nakikita, nadarama natin ang epekto ng mga ginagawa nila. Paano?

Sinasamantala ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo ang ating mga kahinaan para impluwensiyahan tayong makibahagi sa “mga alitan, hidwaan, paninibugho, mga silakbo ng galit, mga pagtatalo, mga pagkakabaha-bahagi, . . . mga inggitan, . . . at mga bagay na tulad ng mga ito.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Labanan ang Tendensiyang Magalit

Kung isasaalang-alang natin ang lahat ng nabanggit na problema, panggigipit, at kabalisahan, maiintindihan natin kung bakit nadidismaya ang mga tao sa pagharap sa kanilang mga pananagutan sa araw-araw.
 

Similar threads

Back
Top