What's new

Bakit may mga lalaking naiilang parin sa bakla ?

Nabastos narin ako ng ilang beses depende rin kasi sa tao yan. Yun na yun eh naiilang lng talaga ako hanggat maaari ayokong may makasama ng matagal na bading. Kung paano nyo kami pinag iisipan ng masama ganun din tingin namin sa inyo. Tanggapin nyo na lng ang katotohanan na ganyan na pakikitungo sa inyo lalot dito sa ating bansa karamihan mga namumuhay bilang mga "kristiyano" daw idagdag pa dyan ang Media kadalasan ng napapanood namin mag jojoke manlalait para makapagpasaya mga ka member ninyo.
 
I understand people na maaaring "takot" o "naiilang" due to past traumatic experiences although sana maintindihan din nila eventually na hindi naman lahat e babastusin o ituturing sila kapareho ng na-experience nila sa isang o ilang tao. Tsaka weird naman diba na alam nila mismo yung pakiramdam mabastos/makuytya tapos gagawin din nila?

Yung iba naman halos parang na-influence lang din sila ng ginagalawang paligid nila. Hindi sila gano'n ka-edukado regarding gender sensitivity matters or issues kaya close-minded.

Para sa akin, kung pakiramdam mo na-ooffend ka na or nasasaktan ka na, please learn to speak up. Karapatan mo 'yon bilang tao. Ilagay mo sila sa tamang lugar nila para next time hindi na nila ulitin at matauhan sila. Minsan kasi hindi naman narerealize ng tao na mali sila kung hindi directly i-popoint out sa kanila.

Don't be scared to point out na hindi na sila nakakatuwa or hindi ka naman interesado sa kanila romantically/sxually. It's better to lose people like that in life at mag-quit sa gano'ng circle. Kung wala ka namang masamang ginagawa sa kanila, 'wag kang matakot. Learn to speak up for yourself po kahit mahirap kasi may mga makikilala/matatagpuan ka naman at one point sa buhay mo na mga taong gaya ko na tanggap ka/kayo for who you truly are at handa ka/kayong ipaglaban (as long as wala kayong ginagawang masama sa iba). :)
 
Gaya din yan na may mga baklang hindi makatanggap ng iba.... kanya kanyang trip but it doesn't mean one is better than the other kaya respect nlng ... hindi mo mapplease lahat, hindi mo kelangan iplease lahat.....Kung ayaw nila sayo, karapatan nila yan, ngayon kung ipipilit mo pa din sarili mo sa kanila, may karapatan din nmn sila tumangi o mairita... Hindi yan nangangahulugan homophobic sila o transphobic, iba lang tlga trip nila....kaya focus ka nlng dun sa kung saan tanggap ka.

Funny thing is, yan mga tao na gusto mong maplease or tangapin ka pero ayaw sayo, nirereject din yan sila ng iba at ganyan tlga ang buhay may mga taong magrereject sayo at meron din tatanggap sayo.
 
Last edited:
Gaya din yan na may mga baklang hindi makatanggap ng iba.... kanya kanyang trip but it doesn't mean one is better than the other kaya respect nlng ... hindi mo mapplease lahat, hindi mo kelangan iplease lahat. Kung ayaw Nila sayo, karapatan nila yan, ngayon kung ipipilit mo pa din sarili mo sa kanila, may karapatan din nmn sila mairita...di yan nangangahulugan, homophobic sila, o transphobic, iba lang tlga trip nila....
Totoo to. I can understand sa mga lalaki kong tropa na ilag sila sa mfa baklang maharot at bastos. :)
 
dati ok sa akin mga bakla, may tropa pa nga ako eh. Pero binastos ako nun college ng isang baklang barbero kaya naiilang na ako.
 
Basta tropa o kaibigan walang ilangan. Kapag naman hindi kaibigan o tropa depende sa approach/behaviour nila sa lalaki.
 
may kaklase ako dati na hindi naman masyadong nakakailang, siguro naging katropa din namin yun, tsaka marami dito samin yan, minsan nung may nakaalam ng lugar ko ansabi nila "di ba yun yung maraming bakla?"😂 hindi ko nakikita pagkakaiba ng kilos ng babae at lalake pero may mga iba lang talaga na grabe kumilos na kahit naman babae di ginagawa yun kaya siguro nakakailang.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top