What's new

Bakit maraming tao ang walang pananampalataya?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
Ang pananampalataya ay isang bunga ng espiritu ng Diyos, at malugod na ibinibigay ng Diyos ang kaniyang espiritu sa mga naghahanap nito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya ang mga taong walang pananampalataya ay hindi naghahangad ng espiritung ito, o kung hinahanap man nila ito ay dahil sa masamang layunin o kaya’y kanilang nilalabanan ang pagkilos nito sa kanilang buhay. Maraming bagay ang nakakaimpluwensiya dito:

Kakulangan ng tumpak na kaalaman sa Bibliya: Ang Bibliya ay produkto ng espiritu ng Diyos, palibhasa ito’y kinasihan ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang pagkabigong mag-aral nito ay humahadlang sa pagpapalago ng tunay na pananampalataya. Bagaman ang mga miyembro ng mga iglesiya ay may Bibliya, kung ang naituro sa kanila ay mga kaisipan ng tao sa halip na ang Salita ng Diyos, hindi talaga sila magkakaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos at sa kaniyang mga layunin. Sa paglutas ng mga suliranin sa buhay, nahihilig silang umasa sa sarili nilang mga palagay at niyaong sa ibang tao.—Ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Nawawalan ng tiwala sa relihiyon: Marami ang nawawalan ng tiwala dahil sa pagpapaimbabaw ng mga iglesiya sa Sangkakristiyanuhan na nangag-aangking nagtuturo ng Salita ng Diyos subali’t hindi namumuhay na kasuwato ng sinasabi nito. Ang iba’y mga dating tagasunod ng isang di-Kristiyanong relihiyon, subali’t nakita nila ang masasamang bunga ng maling mga gawain nito o kaya’y natuklasan na ang kanilang mga paniwala ay hindi talaga nakatulong sa kanila upang harapin ang mga suliranin sa buhay. Palibhasa’y walang tumpak na kaalaman tungkol sa tunay na Diyos, ang gayong mga tao ay umiiwas sa lahat ng bagay na nauugnay sa relihiyon.—Ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Hindi nauunawaan kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang masama: Karamihan ng tao ay hindi nakakaunawa kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang masama kaya sinisisi nila siya dahil sa lahat ng masasamang bagay na nangyayari. Hindi nila natatalos na ang hilig ng tao sa paggawa ng masama ay hindi dahil sa kalooban ng Diyos kundi dahil sa kasalanan ni Adan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Maaaring hindi nila nalalaman na umiiral si Satanas na Diyablo at na siya’y may impluwensiya sa mga suliranin ng daigdig, kaya ibinibintang nila sa Diyos ang mga kalikuan na ginagawa ni Satanas. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung may bahagya man silang kaalaman hinggil sa mga bagay na ito, nadadama nilang mabagal kumilos ang Diyos, sapagka’t hindi nila nauunawaan ang suliranin ng pansansinukob na pamamahala at hindi nila nasasakyan ang bagay na ang pagtitiis ng Diyos magpahanggang sa ngayon ay nagbibigay sa kanila ng di-na-sana nararapat na pagkakataon upang maligtas. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Isa pa, hindi nila lubusang nauunawaan na ang Diyos ay nagtakda ng panahon upang lipulin magpakailanman ang lahat ng gumagawa ng masama.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang kanilang mga buhay ay pinangingibabawan ng mga hilig at mga saloobing makalaman: Karaniwan na, ang mga tao na walang matibay na pananampalataya ay nabubuyo sa pagtataguyod ng ibang mga kapakanan. Ang iba ay nagsasabi na naniniwala sila sa Bibliya subali’t maaaring hindi naman nila ito lubusang napag-aaralan o kaya’y hindi nila nabubulay-bulay nang may pagpapahalaga ang kanilang nababasa, ang mga dahilan na nasa likuran ng kanilang nababasa, at kung papaano ito kumakapit sa araw-araw na buhay. (Ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..) Sa ilang mga pagkakataon hindi nila napatibay ang kanilang pananampalataya, at sa halip, ay pinahintulutan ang hangarin ukol sa di-matuwid na mga bagay na mangibabaw sa hilig ng kanilang puso anupa’t tuluyan na silang napalayo sa Diyos at sa kaniyang mga daan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Back
Top