What's new

Trivia Bakit kaya nilikha pa ng Diyos ang mga lamok?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,537
Reaction
7,196
Points
2,914
May nagtanong:

Bakit kaya nilikha pa ng Diyos ang mga lamok? Ano ba ang pakinabang ng mga lamok???
Actually kahit hindi natin alam ang sagot makatitiyak tayo na lahat ng nilalang ng Diyos ay sakdal at may pakinabang. Never magkamali ang Diyos sa mga ginawa Niya. - Deuteronomio 32:4
Pero ating alamin kung ano nga ba ang Ilan sa mga porpuses ng lamok sa mundo.

Una. Ang lamok ay isang importanteng source ng biomass sa food chain — kung saan nagsisilbi itong pagkain para sa mga isda, mga ibon, mga paniki at mga palaka.l, mga hayop na may malaking role sa environment. Kung walang lamok.. magkaka problema ang mga hayop na iyon.

Pangalawa. Konting species lang ng lamok ang kumakain ng dugo .. actually mas maraming lamok ang tinaguriang important pollinators na tumutulong sa paglago ng mga halaman, gaya sila ng mga paru-paro , bubuyog at iba pa

Pangatlo. Naging mahalagang source of food ng mga tao ang lamok especially yung maraming mga tribo sa Africa (napanood ko pa Sila sa TikTok) kung saan ginagawa nilang "biscuits o meat burgers" ang mga lamok para may makain Sila at hindi magutom.
Hmm iyan lang Yung alam ko pero tiyak na napakarami pa nilang pakinabang kung ating pag aaralan..
Pero lamok nga ba ang dapat sisihin sa mga pagkakasakit???

Tandaan natin na malaking salik din ang kapabayaan, polusyon at iba pang gawain ng mga tao kaya hindi na nagiging balance ang ecosystem kaya minsan maraming lamok sa Lugar natin.

Isa pa hindi ang mga hayop o mga iba pang nilalang ang dahilan kung bakit lumaganap Ang sakit, pagdurusa at kamatayan . Tayong mga tao ang dahilan ng lahat especially Ang Ating unang mga magulang Sina Adan at Eva

Roma 5:12
"Kaya sa pamamagitan ng isang tao, ang kasalanan ay pumasok sa sangkatauhan at dahil sa kasalanan ay pumasok ang kamatayan, kaya naman ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao, dahil silang lahat ay nagkasala"

Huwag mag-alala darating ang panahon na wala nang mga insekto o mga hayop ang magiging dahilan ng pagkakasakit o kamatayan pa man. Mangyari Yun sa hinaharap. - Isaias 11:6-10, Apocalipsis 21:4

312937493_439372971658662_2066847204259577293_n.jpg
 

Attachments

Lol, nilikha ang lamok para pagkain ng mga gagambang bahay at mga kauri nila, tas ang gagamba naman kakainin ng butiki, tas ang butiki kakainin ng manok, tas ang manok kakainin ng tao , lol lahat ng yan mga food chain at ang harmony ng mga nilalang na may buhay , lahat yan ay para sa pakinabangan ng tao, ganun lang yon ka simple ts

Trivia ts: ang may pinakamaraming napatay sa kasaysayan higit pa sa world war 1 at world war 2 at kay Khan at lahat ng creatures, mas marami napatay ang lamok
 
Last edited:
para mabalance yung food chain, small insects eats mosquito, small insects will be eaten by bigger insects, and so on.
 
mosquitos belong to Endopterygota ancestor as its evolution path, it is an evolutionary product instead of a creation
 
Lol, nilikha ang lamok para pagkain ng mga gagambang bahay at mga kauri nila, tas ang gagamba naman kakainin ng butiki, tas ang butiki kakainin ng manok, tas ang manok kakainin ng tao , lol lahat ng yan mga food chain at ang harmony ng mga nilalang na may buhay , lahat yan ay para sa pakinabangan ng tao, ganun lang yon ka simple ts

Trivia ts: ang may pinakamaraming napatay sa kasaysayan higit pa sa world war 1 at world war 2 at kay Khan at lahat ng creatures, mas marami napatay ang lamok
World War 2 pinaka grabe,over 70 million people ang napatay.
 

Similar threads

Back
Top