What's new

Bakit ikaw pa!

kholene27

Enthusiast
Established
Joined
Jul 28, 2021
Posts
54
Reaction
62
Points
60
Age
33
Hi Im Duke!

At ito ang aking kwento

ahm! 2nd year HS nung una ko syang makita at makilala at talagang sa unang sulyap palang nabighani mo na ako sa taglay mong kagandahan pinatibok mo ang puso ko na parang nakakita ako ng anghel sa kagandahan mo well hindi ka lang basta maganda sobrang bait mo pa, ikaw ang unang babaeng nagtanong sa akin nung araw na yun. unang tingin ko palang sayo masasabi kong walang lalake na hindi magkakagusto sayo.
Hindi man tayo naging ganoong ka-close ng buong school year na yun, binigyan naman ako ng panginoon ng isa pang pagkakataon ng nag-3rd yr HS nagkataon na naging mag-kaklase tayong muli, naging mas maganda at pagsasama natin non kasi tayong dalawa lang ang magkakilala at hindi naghiwalay.

Mid year nung naglakas loob akong umamin sayo kung anon ang tunay na nararamdaman ko, hindi mo ako binigo ang sabi mo pa nga "ikaw lang ang inaantay ko eh" pumayag ka na ligawan kita at sa loob ng 2 months na panliligaw ko sayo ay hindi mo naman ako binigo ♥

Hanggang sa tayo'y gumraduate ng HS at magkolehiyo ay tayo padin, iisang unibersidad lang ang pinasukan naten yum lang mag-kaiba ang kurso naten,
kumuha ka ng Civil Engineer habang ako naman ay Architect.

Masasabi kong naging succesful tayo kasi sabay tayong gumraduate at napasok sa magandang kumpanya,
walang naging problema sa relasyon natin, maging ang mga pamilya naten ay naging magkaclose, madalas nga na ang biro pa sakin ng mga magulang mo
"pakasalan na kita, para bigyan sila ng isang dosenang apo :) " alam mo yung relasyon natin na sobrang perfect kasi hindi tayo nag-aaway at palagi tayong nagkakasundo sa mga bagay.

Dumating ang 10 Yrs Anniversary natin at First time hiniling na ang regalo mo sakin ay ang iyong sarili.
sinabi mo naman sakin na "hindi kapa handa at hindi pa tamang panahon, sabay biro na pakasalan mo muna ako, kasi ginagawa lang yun ng mga taong kasal na"
imbis na magalit ako o magtampo. lalo pa akong nagsikap kasi napatunayan ko na ang babaeng minamahal ko ay hindi basta-basta..

Nagsumikap ako at Nagkaroon ng magandang trabaho hanggang sa makaipon para yayain kang magpakasal,
at hindi ka nagdalawang isip at sumagot ng "OO" walang hanggang kasiyahan ang aking naradama sa mga oras na iyong nung nalaman ko na ako ang gusto mong makasama habang buhay.

1 year of Preparation ang napagdesisyunan naten pero 5 months palang nakumpleto na natin ang lahat.

Bagama't 7 month pa naman ang hinihintay natin nagdesisyon kang magresign sa trabaho para maiprappare ang iyong sarili.
ako naman ay kinailangang ipadala sa ibang bansa for 6 months na projects doon, nag-usap tayo at ang sabi mo
malayo pa naman ang ating kasal mahal basta mag-iingat ka don at huwag kang titingin sa iba, nagpaalam ka rin ikaw ay uuwi muna sa probinsya nyo para makasama mo ang parents at relatives mo, so pumayag naman ako.

Naging maayos naman ang ating komunikasyon sa loob ng 3 buwan ngunit bakit parang unti-unti kang nagbago ka, 4 months palang ay parang ayaw mo na akong makausap,

1 buwan nalang bago ang ating kasal, nakabalik nako dito sa pinas at ikaw ang una tao na gusto kong makita at mayakap, pero kahit anino mo hindi ko nakita.
ayaw mong sagutin ang mga tawag ko kahit ang mga magulang mo ayaw nila akong makausap. kinabukasan nagpasya ako na puntahan ka sa probinsya nyo sa cebu kasama ang nakakatanda kong kapatid. kahit pagod ay aking tiniis makita kalang at makausap.

Halos mag-hapon ang ginugol namin para mahanap ka lang, halos lahat ng mga relatives mo tinawagan ko.
Hanggang sa natagpuan namin ang tinitirhan nyo at kahit na nasa bahay nyo na ako ay ayaw mo pa din akong harapin, kahit ako'y lumuhod at magmakaawa, hindi ko inisip na ganyan pala katigas ang pagtitiis mo sa akin.

Hanggang sa ang mga magulang mo na ang humarap sakin, inamin nila lahat-lahat sakin. Ako'y nabigla alam yung pakiramdaman na halos magdilim ang paningin ko at nanlambot ang buong katawan ko saba'y ang pagpatak ng luha ko sa aking mga mata na kahit na mamatay na ako sa mga oras na yun ay handa kong tanggapin, ang pakiramdam na gusto ko ng magpakamatay, tumalon sa pinakamataas, magpasagasa sa labas, at magbigti nung nalaman kong
na BUNTIS ka ng ibang lalake,

Wala na akong lakas para igalaw ang aking mga kamay at paa. tangin ang kuya ko na lamang ang bumuhat sakin para yayain akong umalis.
pero habang nasa sasakyan ako nakita ko ang pagdungaw mo sa akin sa bintana.

Hindi ako nanghihinayang sa mga ginastos ko para preparation ng kasal natin ang tangi ko nlng hiling ay bumalik ka sakin, minsan pumasok na din sa isipan ko na tatanggapin ko ang bata at handa akong maging AMA nyan. pero ikaw pa din ang may ayaw. hindi ko rin magawang sisihin ang kompanyang pinapasukan ko ang tanging sinisisi ko ay ang aking sarili, hndi ko alam kung saan ako nagkulang. minsan iniisip ko din na naging masama ba ako sa ibang tao kung bakit nangyayari sa akin ito.

Halos 2 months akong wala sa sarili, di na ako pumapasok sa trabaho hanggang sa ako'y nagresign, nagpahinga para makalimot natutong uminom at kahit manigarilyo na hindi ko naman ginagawa dati. inabot ng isang taon bago ako makarecover at iniisip na parang bangungot nalang ang nangyari ngunit sa tuwing maiisip ko di ko mapigilang mapaluha.

it's been 10 yrs from now kahit na humingi ka na ng paumanhin ay hindi pa rin mawala ang sakit na nararamdaman ko. para akong isimunpa kasi hanggang ngayon wala paring makakahigit sayo, di ko alam o baka nagiging mapili parin ako, at umaasa na babalik ka!

Salamat

(Hindi sa akin ang istoryang nabasa mo, peo ang istorya na yan ay sa kakilala ko)
 
Last edited:
Upon reading this,ang saya nakakainlove,nakakainspire ,but in the end I felt the pain,grabeng hinapis yung pinagdadaanan.Ang hirap ng ganyan.Yung binuhos mo na lahat pero di pa pala naging sapat 😌.Ganyan talaga realidad minsan,kala natin ok na ang lahat but then may mga twist and turns na darating biglaan di natin inaasahan.Minsan the world is is so unfair.But then whatever happens,sana malagpasan lahat ng yan.Kahit ano pang bigat na nararamdam ,lahat naman ng sugat may hangganan at hihilom din at magsisilbing scars na lang ng nakaraan.
 
Kahit hindi sayo yan totoong ngyayare talaga yan. Focus na lang muna siguro sa sarili at harapin ang bagong umaga. Habang may buhay may pag asa pa ibig sabihin nyan hindi pa jan nagtatapos ang kabanata ng buhay. Laban lang kumbaga. At hindi naman talaga nasusukat ang relasyon sa kung gaanu kayo katagal. Meron nga jan 50 years o higit pa pero nagkahiwalay din. Kahit mahal nyo ang isat isa andami pa rin pwedeng magbago.
 

Similar threads

Back
Top