- Joined
- Sep 11, 2020
- Posts
- 1,135
- Reaction
- 327
- Points
- 329
Ang simpleng sagot ay dahil sa ibinigay ng Diyos na kalayaang magpasiya sa kaniyang mga nilalang. dapat nating tandaan na ang kalayaang magpasiya ay ibinigay ng Diyos kapuwa sa mga tao at mga anghel sa layuning gamitin nila ito sa tamang paraan sa abot ng kanilang makakaya. Nang likhain ng Diyos ang mga anghel, hindi pa umiiral ang isa na masama, o ang anghel na kalaunan ay tinawag ng Bibliya bilang Satanas na Diyablo. (Apoc. 12:9)
Bakit mahalagang malaman ang tungkol sa kalayaang magpasiya? Ang dahilan ay upang malaman ang layunin nito—kung bakit ito ipinagkaloob ng Diyos sa mga tao at sa mga anghel. Totoo, nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at na Siya ang Makapangyarihan-sa-lahat, perpekto Siya, at lahat ng kaluwalhatian ay nauukol sa kaniya. (Apoc. 4:11) Kaya wala ng iba pang kailangan ang Diyos. Pero, sa kahanga-hangang paraan, nagbigay ang Diyos ng isang bagay na magbibigay kasiyahan sa mga tao at sa mga anghel. Ito ay ang kalayaang magpasiya. Bakit ito ibinigay ng Diyos sa mga tao at mga anghel? Ang dahilan ay na may isang bagay na hindi makukuha si Jehova, o ang Diyos, kapuwa sa mga tao at mga anghel. Ano ito? Ang pagkamasunurin salig sa pag-ibig sa Diyos.
Ang pagkamasunurin ay nauugnay sa pag-ibig. Dahil sa pag-ibig ng isa, ginagawa niya ang mga bagay na nagpapasaya sa minamahal niya at hindi ginagawa ang mga bagay na magpapalungkot dito. Sa katulad na paraan, hindi nilikha ng Diyos ang mga tao at mga anghel na parang robot anupat nakaprogram na lang para gawin kung ano ang nakaprogram sa kanila. Ibinigay ng Diyos ang kalayaang magpasiya sa kanila dahil nagtitiwala ang Diyos sa kanila na magpapakita din sila ng pag-ibig gaya ng pag-ibig na ipinakita at ipinakikita ng Diyos sa atin, at na susunod sila sa Kaniya salig sa pag-ibig at magbibigay galang sa kaniya, kung paanong ang isang mabait at mapagmahal na magulang ay lubos na nagtitiwala sa kaniyang anak na nasa tamang edad na, na gagawa ito ng tamang mga pagpapasiya. (Genesis 1:27; Efeso 5:1; 1 Juan 4:19) Oo, dahil sa pag-ibig, hindi pinigilan ng Diyos ang anghel na kalaunan ay tinawag na Satanas, sa pagtukso kina Adan at Eva.
Pero baka masabi at maitanong mo, "Masasabi bang pag-ibig 'yon? Eh, kung pinigilan sana ng Diyos si Satanas, hindi sana tayo ganito. Wala sanang sakit, kamatayan, o pagkamatay ng mga inosenteng bata. Sa tingin ko, Diyos talaga ang may kasalanan at may plano sa lahat ng ito."
Ang totoo, napakaganda ng layunin ng Diyos para sa mga tao at para sa lupa. Sinasabi ng Bibliya na nang likhain ng Diyos ang mga tao, inilagay niya sila sa hardin ng Eden upang sakahin iyon hanggang sa masiyahan. (Gen. 2:16) Oo, sa pasimula pa lang ng kasaysayan ng tao, layunin na ng Diyos na masiyahan ang mga tao sa buhay, hindi ang magdusa, o ang magkaroon ng problema, o mamatay. Binigyan niya sila ng kasiya-siyang gawain, ang pagsasaka at pag-aalaga sa mga hayop. Binigyan din niya sila ng mga bagay na magpapasaya sa kanila, ang pagkakaroon ng kakayahang magpamilya at magpalaki ng mga anak. Binigyan din niya ang unang mag-asawa ng mga pangunahing kailangan nila, pagkain at maiinom, at matitirahan. Kaya, nagkulang ba ang Diyos sa kanila? Hinding-hindi! Lahat ng bagay ay inilaan sa kanila ng Diyos. Ano lang ang ipinagbawal ng Diyos sa kanila? Ito ay ang utos na 'huwag kainin ang bunga ng punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.' (Genesis 2:17) Isang puno lang iyon. Masasabi bang nagkakait ang Diyos sa kanila? Hinding-hindi! Kung sa dinami-dami ng puno noon at isa lang ang ipinag-utos ng Diyos na pagkuhaan nila ng makakain at isang hayop lang ang aalagaan nila at na sinabi ng Diyos na ang hardin ng Eden lang ang magiging tirahan nila, masasabing talagang nagkakait ang Diyos sa kanila. Pero, hindi eh. Lahat ng bagay ay ibinigay ng Diyos sa kanila. Wika nga eh, provided ng Diyos lahat sa kanila.
Ngayon, ano ang nais kong ipunto dito? Na hindi plano ng Diyos na magkasala sina Adan at Eva, o na pinlano ng Diyos na tuksuhin ng Diyablo sina Adan at Eva sa pasimula pa lang. Hindi! Ang totoo, Napakaganda ng layunin ng Diyos para sa mga tao. Kaya ang pagbibigay sa kanila ng simpleng utos na 'huwag kainin o hipuin man lang' ang bunga na ipinagbawal Diyos ay hindi isang mabigat na utos na mahirap sundin. Ano lang ang kailangang gawin ng unang mag-asawa? Ang sumunod. Ang sumunod salig sa pag-ibig, at ang pag-ibig na iyon ang dapat na magpakilos sa kanilang kalayaang magpasiya na sundin ang lahat ng iniuutos ng Diyos. Oo, ang pagkamasunurin na iyon ay hindi awtomatikong makukuha ng Diyos. Kaya, sa kahanga-hangang paraan, ibinigay ng Diyos ang kalayaang magpasiya.
Kumusta si Satanas? Hindi nilikha ng Diyos ang Satanas na ito, kundi, ginawa ng dating mabuting anghel na iyon ang kaniyang sarili bilang Satanas, o Mananalansang (isa na laban sa Diyos) kung paanong ang isang mabuting tao ay puwedeng maging isang mamamatay-tao o magnanakaw dahil sa pagpapadala sa maling pagnanasa at mga hangarin. Kaya, bago siya maging Satanas na Diyablo, isa siyang mabuting anghel noon. Pero dahil sa paghahangad niya na siya ang sambahin imbes na ang Diyos na si Jehova, kung kaya, nagpadala siya sa kaniyang maling pagnanasa at kumilos upang linlangin at tuksuhin ang unang mag-asawa. (Santiago 1:14, 15)
[Tingnan ang thread na ito kung paano naging Satanas ang isang dating mabuting anghel]
Pero, baka maitanong mo pa rin, "Eh, di'ba may kakayahan nga ang Diyos na pigilan si Satanas, bakit hindi niya ginawa iyon? Di'ba, Siya ang Makapangyarihan-sa-lahat, at nakikita din niya kung ano ang mangyayari sa hinaharap, kaya malamang na alam niya na magiging gano'n ang anghel na iyon?"
Una, magiging mali para sa Diyos na gamitin ang kaniyang kapangyarihan para kontrolin o maniobrahin ang kalayaang magpasiya ng kaniyang mga nilikha. Sa ibang salita, magiging parang robot na lang ang kaniyang mga nilikha kung sa bawat pagpapasiya na gagawin ng mga ito ay lagi na lang mamaniobrahin ng Diyos.
Pangalawa, totoo na may kakayahan ang Diyos na alamin ang hinaharap, pero, sa pagkakataong iyon, hindi iyon ginawa ng Diyos. Uulitin ko, dahil sa pagbibigay dangal ng Diyos kapuwa sa mga tao at mga anghel, kung kaya hindi niya inalam kung ano ang mangyayari sa kanila sa hinaharap. Nagtitiwala ang Diyos na gagamitin nila ang kanilang kalayaan magpasiya sa tamang paraan. Pagpapakita lamang ito na talagang iniibig at binibigyang dangal ng Diyos ang kaniyang mga nilikha.
Ang kakayahan ng Diyos na alamin ang hinaharap ay parang baterya sa remote, hindi mo naman pipindutin ng pipindutin ang remote para lang magamit nang husto ang battery at sabihing kaya mong maglipat ng channel, sa katulad na paraan, hindi laging ginagamit ng Diyos ang kakayahang malaman ang mangyayari sa hinaharap para lang sabihing Siya ang Makapangyarihan-sa-lahat. May mga pagkakataon na hindi niya ito ginagamit.
Pero, baka maitanong mo pa rin, "Para naman 'yon sa ikabubuti natin ah, ikaw ba, kung makita mong madidisgrasya ang isang tao, hindi mo ba siya pipigilan para hindi siya mapahamak?"
Mukha namang makatuwiran iyan. Baka nga naman ang taong iyon ay hindi nakatingin sa kalsada at gumagamit pa nga ng phone habang tumatawid sa kalsada. Kapaha-pahamak nga iyon! Pero ang pinag-uusapan dito ay hindi menor de edad o walang kamalayan na mga nilalang. Sila ay mga intelihente at matatalinong mga nilikha. Sila ay perpekto at walang kapintasan. Kilala nila ang Diyos at ang mga batas niya. Kaya hindi sila maihahalintulad sa isang tao na gumagamit ng phone habang tumatawid sa kalsada. Hindi sila walang alam o walang kamalay-malay sa kanilang ginagawang mga pagpapasiya.
Katunayan, sa Bibliya, ang isang taong perpekto ay napakadaling sumunod kung gugustuhin niya. Bakit? Dahil hindi sila katulad ng di-perpektong mga tao na kadalasan ng nagtatalo ang isip at puso may kinalaman sa kung anong pasiya ang dapat na gawin.
Ganito inilarawan ng Bibliya ang isang taong perpekto:
"Kung ang sinuman ay hindi nagkakamali sa pagsasalita, siya ay perpekto, na kaya ring rendahan ang buong katawan niya. Kapag nilalagyan natin ng renda ang bibig ng kabayo para sundin tayo nito, nakokontrol din natin ang buong katawan nito. Tingnan din ninyo ang mga barko: kahit napakalaki ng mga ito at itinutulak ng malalaking hangin, kinokontrol ito ng isang napakaliit na timon papunta sa kung saan ito gustong dalhin ng timonero." (San. 3:2, 3)
Kaya, ang isang tao na perpekto ay madaling mapapasunod ang kaniyang sarili basta gugustuhin nito kung paanong ang isang kabayo na may renda ay madaling napapasunod at nakokontrol dahil sa renda nito at kung paanong ang isang napakalaking barko ay nakokontrol sa pamamagitan ng napakaliit na timon.
Ano ang gusto kong ipunto dito? Ang pagkaperpekto ng tao ay katulad din ng pagkaperpekto ng mga anghel, bagaman, nilalang ang mga anghel na mas mataas kaysa sa mga tao. (Hebreo 2:6, 7) Ang punto, kung gugustuhin lang ng anghel na iyon na huwag magpadala sa maling pagnanasa, talagang maiiwasan niya iyon, at hindi siya magiging Satanas o isa na laban sa Diyos. Makokontrol niya ang kaniyang kaisipan kung gugustuhin niya lang. Ganoon din sina Adan at Eva, kung gugustuhin lang nila na tanggihan ang alok ni Satanas, malamang na hindi sila nakagawa ng napakalaking kasalanan sa Diyos.
Kung kapuwa sila Satanas, Adan at Eva ay kumontrol sa kanilang kaisipan at hindi nagpadala sa maling pagnanasa, o sa kanilang makasariling hangarin, nasunod sana nila ang Diyos at hindi nagkasala. Kaya, nang hindi pigilan ng Diyos si Satanas, si Adan at si Eva sa paggawa ng kasalanan, naipakita lang nito kung gaano katalino ang Diyos. Bakit? Dahil hindi magiging katalinuhan para sa isang Diyos na marunong na pigilan ang kapaha-pahamak na landasin ng kaniyang sakdal o perpektong mga nilalang na kusang sumuway sa kaniya, kung paanong hindi magiging katalinuhan para sa isang marunong na guro na ipasa pa rin ang kaniyang estudyante sa kabila ng pagwawalang bahala nito sa klase at hindi pakikinig sa itinuturo ng kaniyang guro. Masasabing pagkunsinti sa masama ang gayong pagpigil sa kasalanan ng mga masuwaying nilalang na iyon ng Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit hindi pinigilan ng Diyos si Satanas sa pagtukso kay Eva sa hardin ng Eden.
Bagaman, hindi pinigilan ng Diyos ang mga bagay na iyon, hindi naman ito nangangahulugan na wala na siyang gagawin. Ang totoo, nang pagkakataong iyon, may binanggit ang Diyos na isang hula na makakaapekto sa lahat ng kaniyang matatalinong mga nilalang. (Genesis 3:15) Ang hula ay may kinalaman sa pagbabalik ng orihinal na layunin ng Diyos dito sa lupa, kung paanong ipagbabangong puri ng Diyos ang kaniyang pamamahala, at kung paano muli magiging Paraiso ang planetang Lupa.
Pero baka maitanong mo pa rin:
• Bakit sinasabi ng Bible na 'God create evil'? (Isaias 45:7) Does it mean na ang Diyos ang gumawa sa masama, at sa masasamang nangyayari sa mundo?
• Bakit pa inilagay ng Diyos ang puno ng pagkakilala ng mabuti at masama sa hardin ng Eden?
• Bakit hindi na lang agad pinuksa ng Diyos si Satanas, para tapos na agad, wala ng problema?
• Bakit hanggang ngayon hindi pa rin kumikilos ang Diyos?
Sasagutin ang mga iyan sa susunod na mga thread.

Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Last edited: