What's new

Closed Bakit Hindi Nagdiriwang ng Birthday ang mga Saksi ni Jehova?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
  1. Mythology, and Legend, ang selebrasyong ito ay nagmula sa paniniwala na sa birthday ng isa, “maaaring salakayin ng masasamang espiritu at impluwensiya ang may kaarawan” at na “ang pagkanaroroon ng mga kaibigan at ang mga pagbati ay tumutulong para protektahan ang may kaarawan.” Sinasabi naman ng aklat na The Lore of Birthdays na noong sinaunang panahon, ang mga rekord ng birthday ay “kailangan sa paggawa ng horoscope” na batay sa “mistikong siyensiya ng astrolohiya.” Sinasabi pa ng aklat na ito na “ang mga kandila sa birthday, ayon sa alamat, ay may pantanging mahika [o, madyik] para maibigay ang mga kahilingan.”
    Gayunman, hinahatulan ng Bibliya ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., o “anumang tulad nito.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa katunayan, ang isang dahilan kung bakit hinatulan ng Diyos ang sinaunang lunsod ng Babilonya ay dahil sa ang mga nakatira dito ay nagsasagawa ng astrolohiya, na isang anyo ng panghuhula. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin ng mga Saksi ni Jehova ang pinagmulan ng bawat kaugalian; pero kapag ang Kasulatan ay nagbibigay ng malinaw na patnubay, hindi namin ito ipinagwawalang-bahala.
  2. Ang unang mga Kristiyano ay hindi nagdiwang ng birthday. Ayon sa The World Book Encyclopedia, “itinuturing nila na kaugaliang pagano ang selebrasyon ng kapanganakan ng sinuman.” Ipinakikita ng Bibliya na ang mga apostol at ang iba pa na tinuruan mismo ni Jesus ay nag-iwan ng huwaran na dapat sundin ng lahat ng Kristiyano.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  3. Ang tanging selebrasyon na iniutos na alalahanin ng mga Kristiyano ay hindi ang kapanganakan, kundi ang kamatayan ni Jesus. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi ito dapat ipagtaka, sapagkat sinasabi ng Bibliya na “mas mabuti ... ang araw ng kamatayan kaysa sa araw ng kapanganakan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa wakas ng kaniyang buhay sa lupa, si Jesus ay nakagawa ng mabuting pangalan sa Diyos, kaya ang araw ng kaniyang kamatayan ay mas mahalaga kaysa sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  4. Walang binabanggit ang Bibliya na nagdiwang ng birthday ang mga lingkod ng Diyos. Hindi ito nakaligtaan lang iulat, dahil may binabanggit sa Bibliya na dalawang pagdiriwang ng birthday na ginawa ng mga hindi lingkod ng Diyos. Pero parehong hindi maganda ang nangyari sa dalawang selebrasyong iyon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Nadarama ba ng mga anak ng Saksi na pinagkakaitan sila dahil hindi sila nagdiriwang ng birthday?
Gaya ng lahat ng maibiging magulang, ipinakikita ng mga Saksi ang pagmamahal nila sa kanilang mga anak sa lahat ng panahon, kasama na ang pagbibigay sa kanila ng regalo at pagkakaroon ng masayang salusalo. Sinisikap nilang tularan ang sakdal na halimbawa ng Diyos, na kusang nagbibigay ng mabubuting bagay sa kaniyang mga anak. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi nadarama ng mga anak ng Saksi na pinagkakaitan sila, tulad ng ipinakikita ng kanilang mga sinabi:
  • “Mas masayang makatanggap ng regalo kapag hindi mo ito inaasahan.”—Tammy, 12.
  • “Kahit wala akong natatanggap na regalo sa birthday ko, nireregaluhan pa rin naman ako ng mga magulang ko sa ibang okasyon. Mas gusto ko ’yon kasi nasosorpresa ako.”—Gregory, 11.
  • “Matatawag na bang party ang 10 minuto, ilang cupcake, at isang kanta? Pumunta kayo sa amin at nang makita n’yo kung ano talaga ang tunay na party!”—Eric, 6.
 
Ito ang masaklap na katotohanan sa mga tao
Marami ang gusto mag celebrate ng birthday pero d nila magawa kc wala clang pang celebrate
Marami din kaya mag celebrate ng birthday pero d nila gnawa kc un ang kanilang paniniwala

An unknown atheist nag sabi
"When you worship a god you also lose yourself.. As faith is the belief of god but not into yourself.."
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top