What's new

Bakit Hindi Kayo Naniniwala sa Bible or sa Diyos?

Mind Palace

Eternal Poster
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,135
Reaction
327
Points
310
Gusto ko lang malaman ang inyong mga dahilan kung bakit may ilan sa inyo dito na hindi naniniwala na may Diyos or kung hindi man, ano po kaya ang mga dahilan kung bakit ang ilan sa inyo ay nawalan na ng interes na pag-usapan ang relihiyon, maging ang Bibliya.

Rerespetuhin ko po ang inyong kasagutan.

Hindi po ako magbibigay ng kasagutan sa inyong mga katanungan kung mayroon man po kayong ibabangon na mga tanong.

Gagawa na lang po siguro ako ng panibagong thread kapag may pumukaw ng interes ko sa inyong magiging mga kasagutan at katanungan.

Bibigyan ko na lang din kayo ng link ng mga article kung sakali man na ang inyong sagot or tanong ay may kaugnayan sa article na iyon.

Salamat po.
 
dati, religious ako, peru growing,, nawalan nako ng faith if god really exist

more on science nako, (to see, is to believe)

wala naman kasing scientific explanation yung mga gods bible etc.

di na ako naniniwala sa god, hell or anu paman na mga belief, pati pamahiin or kung anu anu pa,

peru i respect there beliefs naman... 🤗
 
Yung religion ng isang tao ay naka depende kung saan sya pinanganak, sa kanyang environment, therefore parents ng isang tao ang nag desisyon ng religion nya, hindi sya mismo. Except kung magcoconvert sya pag laki nya.

Maraming wars na ang root ay religious conflict. Napaka ironic.

AND, evidence. Evidence.

Edit: i have no reason to believe
 
Last edited:
Naniniwala ako ngunit may doubt. Ayoko din mag simba at ayoko din ng argument na galing sa bible. Kasi sa dami nang mga religion sa mundo, pano natin masasabi na yung pinaniniwalaan natin or ang religion natin ang talagang totoo? Hindi naman natin masasabi na mali ang religion ng iba dahil maski tayo hindi natin sure. Kaya nga para sakin hindi dapat dinadala or pinipilit magsimba ang mga minor. Halos nawawalan na sila ng chance na i try or maging open sa ibang faith kapag naging ãdül† sila dahil bias na sila sa kinalakihan nila na religion.
 
Back
Top