What's new

Trivia Bakit Hindi Ka Jowable?

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,936
Solutions
6
Reaction
66,352
Points
16,620
Natanong mo na sa sarili minsan kung bakit hindi nga ba?
baka ilan sa mga ito ang rason at sagot sa mga tanong mo


1. Nasa counter pa lang kinakain mo na agad yung french fries para makadami ka. Tapos ikaw pa yung mega suggest na ibubo yung lahat ng fries sa tray kasi gusto mong makalamang.

2. Flirtationship ang habol mo hindi relationship.

3. Kasi gutom na gutom na yung mga kasama mo panay picture mo pa ng pagkain. You’re not jowable. You’re Instagrammable.

4. Kapag may nagchat sa’yo ng “Uyy. Ingat ka ha.” ang reply mo, sanay naman ako.

5. Nag-eenglish ka pag lasing. Pero wala namang nakakaintindi ng sinasabi mo. Inuman lang kasi, walang i-englishan.

6. Handa kang mapasubo… sa kahit anong problema at sitwasyon. Pero ayaw mong lunukin…. ang mataas mong pride.

7. Kasi kapag may nakacrushan ka, nakikipagbreak ka na din agad. Advance ka kasing mag-isip.

8. Kapag nagyaya yung kadate mo sa department store, ang lagi mong sagot, “Next time na lang hindi ko kasi dala ang advantage card ko. Sayang yung points.”

9. Kasi may mas malandi kesa satin. Nauubusan tayo ng slot. Naaagawan tayo ng moment.

10. Kapag may nagregalo sa’yo ang palagi mong sinasabi, “Sana pinera mo na lang.”

11..Ang hilig mo sa mga Korean Skin care products tapos ang motto mo, “Magpapaganda ako para mapansin nila ako. Tapos hindi ko sila papansinin.” ( Luh. Nu kaya yun.)

15. Panay post ka ng ‘Relationship Goals’ pero yung ‘Life Goals’ mo nganga.

16. Ang hilig mong mag 1-2-3 sa jeep. Magpapanggap kang tulog buong biyahe pero bigla kang magigising pag malapit ka ng bumaba.

17. Once ka lang nasaktan sa buong buhay mo pero ang palaging linya mo, “Lahat ng lalaki/babae manloloko."



Pero ang totoo, kahit na ano ka pa,darating din ang taong para sa’yo hindi dahil sa jowable ka, kundi dahil totoong mahal ka.Yung tatanggapin ka niya ng walang halong panghuhusga.

The right one will come along at tatanggapin ka niya at yayakapin ka niya ng buo even at your worst version of yourself. Yung wala siyang ipapabago dahil lang sa gusto ka niyang maging perpekto o ibang tao. Ang ganung kalaking pagmamahal ang kusang babago sa’yo nang hindi pinipilit.

Again Hindi ka man jowable, kamahal-mahal ka pa din.






excert and paraphrase from I.M
 
Point dito: Ang Sarap Mag Mahal ng Tunay
( with lyrics
Screenshot_tunay_com.spotify.music.jpg
😉)
 

Attachments

Back
Top