What's new

Bakit Hindi Agad Pinuksa ng Diyos si Satanas? Part 1

Mind Palace

Eternal Poster
Elite
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,135
Reaction
327
Points
329
Ang usapin na ibinangon ni Satanas sa hardin ng Eden ay hindi lang basta tungkol sa paglabag niya sa Diyos kundi may kinalaman sa karapatan ng Diyos na mamahala sa lahat.

Sa Genesis 3:1-5, isiniwalat ang mga pangyayari na bumago sa kasaysayan ng tao. Sa pamamagitan ng isang ahas, nakipag-usap kay Eva ang isang anghel, na kalaunan ay tinawag na Satanas. Sa pamamagitan ng tusong pagtatanong at pagsasabi ng kasinungalingan, nilinlang niya si Eva, at si Adan naman ay mas piniling sundin ang asawa niya na si Eva. Ngayon, ang tanong, paano nasasangkot dito ang karapatang mamahala ng Diyos?

Ang pagbabawal ng Diyos sa pagkain ng bunga ng puno ng pagkakilala ng mabuti at masama sa Eden ay nagpapakita ng awtoridad ng Diyos na mamahala at magtakda ng pamantayan ng kung ano ang mabuti at masama.

[Tingnan ang thread na ito para malaman ang dahilan kung bakit inilagay ng Diyos ang puno ng pagkakilala ng mabuti at masama sa gitna ng hardin ng Eden]

Yamang nalaman na natin sa mga naunang thread na ang puno sa hardin ay kumakatawan sa karapatan ng Diyos na mamahala at sa kaniyang karapatan na magtakda ng kung ano ang mabuti at masama, paano naman nasangkot ang pamamahala ng Diyos nang tuksuhin ni Satanas ang unang mag-asawa?

Nang tuksuhin ni Satanas ang unang mag-asawa, sa diwa, kinuwestiyon ni Satanas ang pamamahala ng Diyos. Paano? Pansinin ang mga bagay na binanggit ni Satanas nang makipag-usap siya kay Eva.

"Talaga bang sinabi ng Diyos na hindi kayo puwedeng kumain ng bunga mula sa lahat ng puno sa hardin?" (Genesis 3:1)

Kaya, sa pagbabangon niya ng ganiyang tanong, kinukuwestiyon niya ang utos ng Diyos na 'huwag kainin ang ipinagbabawal na bunga ng punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama' at ang sinabi ng Diyos na "Makakakain ka ng bunga mula sa bawat puno sa hardin hanggang sa masiyahan ka." (Genesis 2:16, 17)

Pansinin na hindi sinabi ng anghel na iyon ang pananalitang 'mula sa bawat puno sa hardin' kundi ginamit niya ang pananalitang 'mula sa lahat ng puno sa hardin'

Oo, pinapamukha niya kay Eva na may ipinagkakait ang Diyos sa kanila.

Hindi ba't, napakalinaw naman ng utos na iyon!? Bilang isang anghelikong nilalang, malamang na narinig niya ang malinaw na utos na iyan ng Diyos sa mga tao pero kinuwesityon niya pa din ito.

Nang makipagkatuwiranan si Eva sa ahas, ganito ang idinagdag ni Satanas:

"Tiyak na hindi kayo mamamatay. Dahil alam ng Diyos na sa mismong araw na kumain kayo ng bunga mula sa punong iyon, mabubuksan ang mga mata ninyo at magiging tulad kayo ng Diyos na nakaaalam ng mabuti at masama."

'Tiyak na hindi kayo mamamatay'? Hindi ba't maliwanag na pagsalungat ito sa mga pananalita ng Diyos nang sabihin ng Diyos na 'huwag kang kakain ng bunga mula sa puno ng pagkaalam ng mabuti at masama, dahil sa araw na kumain ka mula roon ay tiyak na mamamatay ka.'

Oo, pinagmukhang sinungaling ni Satanas ang Diyos sa pagsalungat sa mga sinabi nito. Kaya, ang ginawang ito ni Satanas ay isang paghamon sa pamamahala ng Diyos. Ang pagsunod nila Adan at Eva sa Diyos ay nasubok nang pagkakataong iyon, pero sino ang mas pinili nilang sundin?

Gaya ng alam natin, mas sinunod nila ang ahas, na kalaunan ay ipinakilala ng Bibliya bilang si Satanas. Oo, mas pinili nilang pamahalaan sila ni Satanas na wala pang nagagawa para sa kanila, sa halip na ang Diyos na nagbigay sa kanila ng lahat ng bagay. Kaya sa pagkakataong iyon, nasangkot ang pamamahala ng Diyos. Ito ang naging pinakamahalagang isyu na umabot hanggang sa panahon natin.

Pero, siyempre, hindi pa rin nasasagot ang tanong,

"Bakit nga hindi agad pinuksa ng Diyos si Satanas? Kung ang Diyos ang Makapangyarihan-sa-lahat, hindi ba dapat ay pinuksa niya na lang agad si Satanas?"

Mukhang makatuwiran nga naman iyan. Pero isipin ito.

Halimbawang isa kang professor, nagmasteral ka or nagdoctorate pa nga sa matematika, at nakapagtapos ka sa kursong iyan, pero isang araw habang naglelecture ka at nagtuturo, isang estudyante mo ang kumwestiyon sa paraan mo ng pagsolve sa isang mathematics problem. Ano sa tingin mo ang gagawin mo? Malamang na pahihintulutan mo ang estudyante mong iyon na maipakita ang sagot sa sarili niyang paraan. Hindi ba? Totoo, alam mong hindi niya talaga alam ang sagot dahil hindi niya pa naman naaaral ang problem na iyon pero dahil nag-insist siya na alam niya ang sagot, pinahintulutan mo siya.

003.jpg


Sa katulad na paraan, nang kuwestiyunin ni Satanas ang karapatan ng Diyos na mamahala, pinahintulutan ng Diyos si Satanas na patunayan sa sarili niyang pamamaraan na mas mahusay ang pamamahala niya kung ikukumpara sa pamamahala ng Diyos. Pero gaya ng nakikita natin ngayon, mahabang panahon na ang lumipas, at kitang-kita nga natin ang epekto ng pamamahalang ito ni Satanas sa mundong ito. Sa katunayan, sinasabi ng Bibliya na hanggang ngayon ang mundong ito ay nasa kapangyarihan ng isa na masama — si Satanas na Diyablo. (1 Juan 5:19)

Pero paano kaya kung pinuksa agad ng Diyos si Satanas?

Balikan natin ulit yung ilustrasyon tungkol sa professor at estudyante. Kung basta na lang hindi pumayag ang professor na huwag maipakita ng estudyante ang sagot nito, ano kaya ang posibleng isipin ng iba pang estudyante na nasa klase?

Oo, baka isipin nila na tama yung kaklase nila o baka isipin nila na baka sa paanuman may katuwiran yung kaklase nila. Posible ding magduda ang mga estudyante sa professor nila dahil sa hindi pagpapahintulot ng professor na pasagutin ang estudyante niya.

Sa katulad na paraan, bilyun-bilyong anghel ang nakarinig at nakakita sa mga pangyayari sa hardin ng Eden. Kung hindi pahihintulutan ng Diyos na gawin ni Satanas ang paraan nito, puwede ring maging dahilan ito para kuwestiyunin ng iba pang mga anghel ang awtoridad ng Diyos na mamahala.

Kaya may dalawang dahilan ang Diyos kung bakit hindi niya agad pinuksa si Satanas. Una, kinailangan ng panahon para mapatunayan ni Satanas na siya ang tama sa halip na ang Diyos. Pangalawa, ang pagpuksa agad kay Satanas ay magbibigay ng daan sa iba pang mga anghel na magduda din sa pamamahala Niya.

Mayroon pang ibang dahilan. Anu-ano ang mga iyon? Sasagutin iyan sa susunod na mga thread.
 

Attachments

Sa katoliko may sakristan, pero kung tinatanong mo kung "sa Christian" churches ako kabilang, iba-ibang Christian sect din kasi ang mayro'n ..
 

Similar threads

Back
Top