What's new

Trivia Bakit ginawang makipot ng Diyos ang daan sa kaligtasan?

blame it on me

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 27, 2018
Posts
1,005
Reaction
2,880
Points
752
Age
27
Ganito ang sinasabi ni Jesus sa Mateo 7: 13-14, “Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nagdaraan doon.” Ang mga talatang ito ay naguudyok sa marami upang magkaroon ng katanungan tungkol sa kabutihan ng Diyos. Kung tunay ngang nais ng Diyos na maligtas ang lahat, bakit hindi na lamang niya ginawang madali para sa sinuman ang daan upang maligtas? Bakit hindi na lamang niya hayaang lahat ay mapunta sa langit?
Kapag ating nabasa ang salitang "makipot," madalas na iniuugnay natin ito sa pagtatangi o natatanging pagpili. Sa ating pangunawa, tila ba sinusukat ng Diyos ang antas ng ating pagiging katanggap-tanggap at pumipili lamang Siya ng iilan upang makapasok sa Kanyang presensya. Gayun pa man, sinasabi rin ni Jesus sa mga naunang talata, sa kaparehong tagapakinig niya na, “Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan" (Mateo 7:7-8). Binibigyang linaw ni Jesus sa mga talatang ito na ang daan patungo sa buhay na walang hanggan ay bukas para sa sinumang humahanap.
🚩💦 Gayunman, makipot ang daan patungo sa langit sapagkat may mga partikular itong kundisyon upang makapasok at iyon ay ang pananampalataya kay Jesu- Cristo; Siya lamang ang tanging daan (Juan 14:6). Ang "maluwang" na pintuan ay walang pinipili; pinahihintulutan nito ang mga pagsisikap ng tao, at ang mga paraan ng iba pang relihiyon sa mundo. Sinabi ni Jesus na ang "makipot" na pintuan ay patungo sa "mahirap" na daan, isang landas na magdadala sa atin tungo sa kahirapan at mahirap na pagpapasya.
 
Back
Top