What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia Bakit Dapat Kuwestiyunin ang Ebolusyon?

Gentleman007

Elite
Joined
Sep 19, 2016
Messages
1,326
Reaction
1,309
Nalilito si Alex. Noon pa man ay naniniwala na siya sa Diyos at sa paglalang. Pero tahasang sinabi ng biology teacher niya na totoo ang ebolusyon, at na salig ito sa maaasahang pagsasaliksik ng siyensiya. Ayaw ni Alex na magmukha siyang ignorante. ‘Tutal,’ ang sabi niya sa sarili, ‘kung napatunayan na ng mga scientist ang ebolusyon, sino naman ako para kuwestiyunin sila?’

Nalagay ka na rin ba sa ganiyang sitwasyon? Baka buong buhay mo, naniniwala ka sa sinasabi ng Bibliya: “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.” (Genesis 1:1) Pero ngayon, kinukumbinsi ka ng mga tao na alamat lang ang paglalang at totoo ang ebolusyon. Dapat ka bang maniwala sa kanila? Bakit dapat kuwestiyunin ang ebolusyon?

Dalawang dahilan para kuwestiyunin ang ebolusyon

Mga tanong na dapat pag-isipan

Ang sinasabi ng ibang kabataan

Dalawang dahilan para kuwestiyunin ang ebolusyon
Hindi nagkakasundo ang mga siyentipiko tungkol sa ebolusyon. Sa kabila ng maraming taóng pananaliksik, ang mga siyentipiko ay wala pa ring mapagkasunduang paliwanag tungkol sa ebolusyon.

Pag-isipan: Kung hindi nagkakasundo tungkol sa ebolusyon ang mga siyentipiko—na itinuturing na mga eksperto—mali bang kuwestiyunin mo ang teoriyang ito?—Awit 10:4.

Mahalaga kung ano ang pinaniniwalaan mo. “Kung nagkataon lang ang buhay, ibig sabihin, ang buhay natin—at ang lahat ng nasa uniberso—ay walang kabuluhan,” ang sabi ni Zachary. May katuwiran siya. Dahil kung totoo ang ebolusyon, parang walang tunay na layunin ang buhay. (1 Corinto 15:32) Pero kung totoo ang paglalang, makakakita tayo ng kasiya-siyang sagot sa mga tanong tungkol sa layunin ng buhay at sa mga mangyayari sa hinaharap.—Jeremias 29:11.

Pag-isipan: Bakit mahalagang malaman mo ang katotohanan tungkol sa ebolusyon at paglalang?—Hebreo 11:1.

Mga tanong na dapat pag-isipan
SINASABI NG IBA: ‘Lahat ng bagay sa uniberso ay resulta ng big bang.’

Sino o ano ang sanhi ng big bang?

Alin ang mas makatuwiran—ang lahat ay nagmula sa wala o ang lahat ng bagay ay may pinagmulan o may nagpasimula?

SINASABI NG IBA: ‘Ang tao ay nag-evolve mula sa hayop.’

Kung ang tao ay nag-evolve mula sa hayop—halimbawa, mula sa unggoy—bakit napakalaki ng agwat ng intelektuwal na kakayahan ng mga tao at ng mga unggoy? *

Bakit napakasalimuot kahit ang mga “pinakasimpleng” anyo ng buhay? *

SINASABI NG IBA: ‘Ang ebolusyon ay totoong-totoo.’

Nasuri ba ng taong nagsasabi nito ang mga katibayan?

Gaano karami ang naniniwala sa ebolusyon dahil lang sa may nagsabi sa kanila na naniniwala rito ang lahat ng matatalinong tao?

ANG SINASABI NG IBANG KABATAAN

Gwen


“Halimbawang may nagsabi sa ’yo na may sumabog sa isang imprentahan at na ang tinta ay tumilamsik sa mga dingding at kisame at nakabuo ng isang buong dictionary. Paniniwalaan mo ba ’yon? Lalong hindi kapani-paniwala na ang lahat ng bagay sa ating napakaayos na uniberso ay resulta ng isang big bang!”

Jessica

“Ang tao ay may mga katangiang higit sa kailangan para mabuhay. Sa katunayan, inaalagaan natin ang mga maysakit at tinutulungan ang mga kapos-palad. Bakit natin gagawin ’yan kung ang ebolusyon—na may kasabihang ‘matira ang matibay’—ay totoo?”

Julia

“Kung naglalakad ka sa kagubatan at nakakita ka ng magandang bahay, iisipin mo ba: ‘Wow! Tiyak na tamang-tama ang pagbagsak ng mga puno para mabuo ang bahay na ito.’ Siyempre hindi! Hindi makatuwiran iyan. Kaya bakit tayo maniniwalang nagkataon lang ang lahat ng bagay sa uniberso?”
 
Same logic applies to your belief...

Bat di nagkakasundo ang mga religious people about kay god?? Even further bat hindi nagkakasundo ang christians about kay god?
 
Comment
Same logic applies to your belief...

Bat di nagkakasundo ang mga religious people about kay god?? Even further bat hindi nagkakasundo ang christians about kay god?
Dahil hindi lahat ng relihiyosong tao ay nagtuturo at sumusunod sa katotohanan na nasa bibliya.
 
1 Comment
E
Eseru
Dahil hindi lahat ng binaggit na siyentipiko at eksperto (sa brochures ng JW) sa siyensya ay nagtuturo at sumusunod sa katotohanan na nagpapatungkol sa ebolusyon.

At, tingin talaga ng mga nananampalataya sa Watchtower pagka rami raming siyentipiko at eksperto yung taliwas ang paniniwala at di nagkakasundo sa ebolusyon, sapagkat iniba ng watchtower yung mga statements nung mga nasabing eksperto.

Kung ang pagbabatayan ng ebolusyon ay ang watchtower at yung misquoted and manipulated statements na nakasulat sa brochures nila, talagang ku-kwestyunin ng mga panatikong nagbabasa ng Watchtower brochures ang ebolusyon.

Payo ko sa iyo, mag fact check. dahil kung di kung walang fact checking, ibig sabihin, hoax lang yung nabasa mo, tulad nalang ng nung nabasa ko kung saan dito, wag basta basta maniniwala sa nababasa sa social media at Internet, di mo alam kung saan nanggaling yoon (malay mo, minanipula lang pala para ilayo ka sa katotohanan at ang payo pa nila, wag ka magcheck sa ibang source, sa amin lang, dahil lahat ng sinabi namin ay 100% accurate, maniwala ka lang), mahalagang imbestigahan kung ang nilalaman ng mga nabasa mo ay totoo at kaparehas sa iba't ibang lathalain/artikulo/publications at galing sa trusted sources. Mainam din na makikita mo yung ORIHINAL na statement nung mga taong nagsabi ng mga nabasa mo.

uulitin ko, FACT CHECKING.
 

Online statistics

Members online
869
Guests online
1,939
Total visitors
2,808

Forum statistics

Threads
843,521
Messages
16,679,305
Members
1,466,256
Top