Ang hinuhulahan ng manghuhula ay ang future lang dahil binibased ng manghuhula kung ano ang past na nagpapahula. Ang pagkaunawa ko na kung ano ang past ay meron connection sa future pero hindi nila huhulahan kung malalalo o matatalo sa lotto. Wala na kilalaman ang manghuhula sa lotto pero ikaw at ikaw pa rin ang magkokontrol ng destine o bawat disisyon ng tao ay siya ang meron kontrol sa magiging future niya mismo. Ang alam ko ay past at future lang pero hindi specific.
Halimbawa, hindi pwede hulahan na si Ryan (not real name) ay makakatuluyan ng babae. Ang sasabihin ng manghuhula ay meron darating na lalake at magiging asawa niya nito pero hindi malaman kung sino. Basta meron darating. Halimbawa, sasabihin na matutupad ang pangarap mo pero hindi sinasabi kung saan career ka magiging successful na kung sa fine arts ba, sa marketing ba or ano. It takes years din para malaman kung epektibo ang hinaluhan ng manghuhula.
Nagpahula ka ay pwede bumalik for how many years. Years, basta ang alam ko ay years para malaman kung nag take effect ang sinasabi sa iyo ng manghuhula. Halimbawa. Sasabihin ng manghuhula sa iyo na meron magandang mangyayari sa life mo. Hindi siya specified kung malalalo ka sa lotto or sa contest or ano. Hanggang doon lang ang makakayanan nilang hulahan.