What's new

Baka may makatulong.

Xael

Honorary Poster
Over thinker talaga ako sobra. Pahelp naman. May sore throat ( mild) kase ako ngayon and sinisipon. Yan lang nararamdaman ko so far, 2 days na. Possible ba na Covid 'to? Natatakot na ako eh. Ayoko muna mag assume at sabihin sa mother ko kase naaawa ako dahil mas over thinker pa sa'ken 'yon.
Sana may makatulong. Dito ako nag post because I felt safer na dito mag rant kase walang mang jujudge and discrimination.
Maraming salamat!
 
Dahil sa panahon nga siguro yan ts. Gawin mo mag pakulo ka ng luya inumin mo yun 3x a day.

or Kung meron ka namang Honey. Haluan mo ito ng Lemon inumin mo Umaga at Gabi lang.Tanggal yan for sure.

Agapan muna agad ☺️ Godbless
 
ganyan rin ako sa tuwing lumalabas ng bahay kahit minsan nag bibike lang ako then may panahon talaga na nilalagnat ako panay aching pero nangyayari sakin yan halos mag 6months na wala naman covid . Siguro anxious lang ako na baka magka covid ako kahit wala naman ako ginagawa na masama ( nag pro proper social distancing din naman kse ako pag lumalabas ) . So ikaw alam mo na sa sarili mo yun if may chance na mahawa ka kase alam mo naman yung ginagawa mo those day na before lumabas yang mga nararamdaman mo .. BDW get well ! inom lang maraming tubig then get enough sleep . Kase katawan lang natin na malusog yung panlaban sa covid .
 
dahil over thinker ka naman, isipin mo na rin, saan ka ba galing nung mga nakaraang araw?
madalas ka bang lumabas? naghugas ka ba agad ng kamay mo pagdating sa bahay?
dumistansya ka ba sa ibang tao nung ikaw ay lumabas?
nag suot ka ba ng face mask? kung nagsuot ka, tama ba ang iyong pagkakasuot?

kung hindi mo nasunod yung mga minimum health standards to prevent covid, maaring covid na yan.
napansin mo bang nawalan ka ng panglasa o pang-amoy?
ikaw ba ay nilalagnat?

ito ang mga simpleng tanong na masasagot mo
 
First and foremost safe ka talaga dito kasi naka-hide naman ang identity natin. To be a good citizen, your health and big help on stopping the spread of virus you must take swab test and if pwede mo ilihim sa magulang mo ang gagawin mo why not? but if it's you know what i mean 😟. Must undergo quarantine and sabihin mo ang totoo kung sino ang mga nakasalamuha mo.
 
Kadalasan pag ka wala ng panlasa at pang amoy ang sintomas ng covid19. Mas ok kung mag papa flu vacine kayo ng family niyo. Malaking tulong din kasi yun. Kami mg family ko mg pa flu vacine.
 
Inom ka TS ng maligamgam na tubig yung kaya mo yung init. Sumakit yung lalamunan ko last week and yan lang ginawa ko, nag gurgle din ng mouth wash para matangal bacteria.
 
Maraming salamat sa lahat ng response. Appreciated po.haha nag lemon honey na 'ko then luya. Salamat po ulet, baka nga dahil sa panahon lang, thanks to God may panglasa at pang amoy pa ko. 😅
 
Back
Top