What's new

Poems Babalik Ako

Seidloif

God's Broken Masterpiece
Contributor
Joined
Aug 16, 2015
Posts
12,358
Solutions
3
Reaction
16,584
1652676909215.png
Naaalala mo pa ba kung san tayo unang nagkita?
dito yun mahal, kung san tayo nagkakilala
sa lugar nato tayo nagtagpo at dito natin binuo
ang pagibig na walang pwedeng makapaglayo

pero di ko lahat inaasahan
ating pagmamahalan ba't parang sinusubukan
kailangan magpalaam at kelangan kong lumisan
mahirap man unawain na kailangan kang maiwan

puro bakit ang lumabas sayong bibig na katanungan
ngunit ang kasagutan ko ay walang katiyakan
kung kelan ang balik mahal di ko pa alam
bago sabihin sayo to alam ko ika'y magdaramdam

ngunit wala akong magawa sa tinakda na paglayo
ang tanging maiiwan ko sayo mahal isang pangako
pangako ng pag-ibig ko na pwede mong panghawakan
at saking pagbalik kaylanma'y di kana iiwan.
-----------------------------------------
Isang taon apat na buwan nadin ang halos na lumipas
pero sa pangungulila di parin ako makatakas
ang saya't ko'g nagnanasa, dumarating pag nasa
oras na tatawag ka para magbigay pagasa

sa pangako mo na pagbalik wala ng hinagpis
na hindi na lalayo kailanman di naalis
pakiramdam ko'y mabigat kahit hindi naman pagod
wala kong gana kumanta dahil di ka nanonood

wala sa mood na magisip, wala ring gana magsulat
naluluha pagkakain na wala ka sa harap
namimiss ko yan lahat simula nung wala ka saking tabi
pati ang iyong paglalambing bago matulog sa gabi

alam ko na alam mo na hindi ako nagbago
ang puso ko'y nilaan ang tumibok lamang sa isang tao
kahit na malayo ka at kahit di kita kasama
umasa ka mahal ikaw lang ang nagiisa.
 

Attachments

Last edited:
Top