What's new

Babala sa lahat.

T O J i

Nöté Deóbfuscâte♎
Elite
Joined
Jul 21, 2016
Posts
11,660
Solutions
8
Reaction
46,032
Points
7,586
Kung may makita man kayo, na nag aalok ng produkto bahay bahay, Huwag po kayo mahikayat na bumili sa kanila dahil ang kanilang gawain ay 4x presyo ang ibibigay sa inyo.

Ito ay matagal na nangyari samin, May nag aalok kasi sa lugar namin na may produkto na may kaugnayan sa GAS kumbaga ang produkto nila tungkol sa ANTI LEAK ng gas may Hose at Safety measure sa kabitan ng Tangke.

Noong makita niya na luma at may ngatngat kunti ang hose namin pero di baon agad agad niya sinabi na Ma'am delikado po ito maaaring mag cause po ito ng sunog, Dahil may posibilidad na mag leak, Pero never naman nag leak yung gas namin, pag naiwan lang sya na bukas doon lang nangyayari yung sinasabi niya.

Agad agad siyang nagdemo samin kung ano yung tungkol sa produkto niya may kakayahan daw ito magpigil ng gas leak kahit na bukas yung gas, tapos may pasabi pa siya na Huwag daw maingay sa labasan na Bibigyan kami ng Discount kaya 4000 na lang ibibigay samin, Nagtaka ako Whatt? Bakit ang laki tapos senearch ko sa Shopee nasa 600 lang yun, tapos napasabi kami wala kami ganun kalaking pera, tapos parang may ginawa sya para masegway dun, Nagkukwento siya na taga probinsya daw namin siya maganda na daw dun. Tapos napakwento pa siya tunkol sa presyo babaan pa daw niya dahil naintindihan niya sitwasyon namin kaya 3500 na lang Tapos biglang kabit ng Hose na produkto niya sa Tangke namin, Wala kami sinabing Oo ikabit mo na, Sinabi parin namin kuya wala kami ganyan kalaking pera tapos hanggang sa mapilitan siya gawing 2000 na lang, Napasabi na lang ako Ma, Abunuhan mo na lang ako na mag aabuno sayo pag sumahod na ko.


Obloks ako nun, Kasi wala ako pa ko Exp. sa shopee kasi baka sa shopee Fake lang kaya mura. Tapos mga isang taon lang bumigay na yung Safety ng Gas na benenta samin Di na nagana pag bukas yung gas di na naglolock yung safety measure parang normal equipment yung dating niya


Fault ko naman yung desisyon ko, Pero sana wag maulit ito sa mga mabibiktima niya.
 
Nagbabahay bahay, modus pa ng mga yan, galing daw sila BFP, nadali nyan asawa ng kuya ko, nung nakita ko talaga, pinabalik ko yung dating hose, ang pangit nung quality eh
 
May nag alok nadin nyan samin dati pa ts galing din daw sila sa BFP nagpropromote nang safety tungkol sa tangke nang mga Gas pero di namin pinapasok nang bahay, ang uutak talaga nang mga kawatan nayan master na master na pangloloko.
 
Mahirap talagang tumanggi kaya napapabayad ka nalang para matapos at tumigil nalang sila. Kung pasok sa budget ko okey lang naman. Which means 100 lang budget ko sa mga nagba-bahay HAHA.
Kung lagpas dyan sorry pero hindi mo ako mapipilit kahit ano pang sales talk gawin mo. Huwag kang magpakita ng hesistasyon. Kung ma-sense naman nila na hindi ka talaga makumbinsi, sila na mismo kusang aalis. Tapos yun rin hindi ako nagpapasok ng kung sino sa bahay, doon lang sila sa gate. Mahirap na baka may ibang pakay yan.
 
Pagkapasok na pagkapasok sa bahay namin, Iba na yung kutob ko eh Nakatiwangwang pa naman CP ko sabay nilagay ko na lang sa garter mg brief ko.
 
Yung binili kong Caha De Oro, binili ko sa pahulugan way back 2017 for 3500. Nung nalaman ko 1200 lang pala sa Divisoria yun. Wla na nakuha ko na eh wala balikan. Naloko ako. Ang laki ng binayaran ko tas 3 gives lang
 
nangyari na po yan samin one time, bumili kami ng salamin na medyo maganda nga po talaga yung design worth 10k+, kala naman sulit na pero nalaman namin sa isang kakilala namin na 7k lang pala talaga yun huhu grabe
 
naku di uubra sa bahay ganyan estilo ung tatay ko prang hitler un bka tumakbo pa yan kung sa tatay ko tatakutin yan🤣
 
[XX='mscindymae, c: 1393549, m: 1439550'][/XX] oo nga eh hahaha kayabdapat suriin nyo mabuti bago bumili
 
Najengggoy din ako ng mga tao na yan yung m gas ko medyo luma na eh d nman ako engot para madala ng magic charisma nila taga bfp pa daw sila hahaha.
 
Back
Top