What's new

Ayuda

iamariestotle

Addict
Joined
Jun 3, 2018
Posts
120
Reaction
23
Points
92
Survey lang. Naggoogle ako sa total population sa Pilipinas. 110M+ sabi sa google. Tapos naririnig ko sa news at sa socmed na merong trillion na pondo ang gobyerno para sa covid pandemic. Kung totoo man yung trillion na pondo. Tig magkakano dapat sa tingin nyo ang dapat matanggap ng isang indibidwal kung hahatiin sa tama ang pondong ito. 1k per family ang ayudang ibibigay sabi din sa news. Curious lang. Nakakaumay na kase yung news puro covid pandemic na lang.

Salamat po.
 
Wag pong magpa linlang sa sandamukal na fake news sa social media. Ang pondo ng bansa (kung magkano man) para sa pagsugpo sa Covid-19 ay hindi lang para sa ayuda at lalong hindi para lang sa isang bagsakang gastos. Parang pagluluto lang po ng ulam yan. Di naman lahat ng budget ay para sa rekado lamang.
 
Kung bibigyan individual ang 110M+ na population nasa 9k pero kung per family more or less 25k. Pero sabi nga sa taas naka budget po ang pondo by parts.
 
Di po ako umaasa sa nasabing ayuda. Pero alam natin na di naman sapat ang 1k-4k pesos na ibibigay sa bawat pamilya para sa isa hanggang dalawang linggong tigil trabaho sa mga naapektuhan. Di ko sinasabi na tustusan yun lahat ng gobyerno pero pano na sila? Pano na yung mga gaya ng nagtitinda sa daan na naapektuhan. Di makapaghanapbuhay. Alam natin na yung mga nakikita natin sa daan na nagbebenta ng kung ano-ano e karamihan dun sila umaasa sa pangaraw araw nilang pantustos sa kani-kanilang mga pamilya.. Nakakahabag lang na yung iba e hinuhuli pa at pinagmumulta. Oo matatawag natin silang matitigas ang ulo pero nagagawang sumuway ng iilan dahil may mga bibig na umaasa sa kanila.
 

Similar threads

Back
Top