What's new

Closed AVENGERS: ENDGAME | Pano nga ba nabuhat ni Captain America ung Mjolnir? Ang sagot!

Status
Not open for further replies.

Dabboyyano

Honorary Poster
Joined
Jan 9, 2019
Posts
363
Reaction
240
Points
164
Hello again!


Tunkol ito sa kung pano nabuhat ni Capt ung Mjolnir.



So this is my 2nd post/article regarding sa End Game, kung di mo pa nababasa ung regarding sa timetravel at kay Steve eto ung link.
https://phcorner.net/threads/714192



Again! Kung nakarinig kalang ng tsimis tunkol dito at hindi mo pa napapanood ung Endgame. Wag kana tumuloy please hehe

So eto na nga, since marami ng nagtatanong tunkol sa kung pano nabuhat ni Captain America ung Hammer ni Thor A.K.A Mjolnir (Myol-neer) nung last thread ko https://phcorner.net/threads/714192. So I decided na gumawa ng separate Thread regarding dito

Again!! Kung di mo pa napapanood ung ENDGAME please umalis kana BABY!

Kung nalilito ka sa timetravel nila, or sa pag tanda ni Steve at kung pano sya nakabalik, meron akong Thread dyan https://phcorner.net/threads/714192 (paulit ulit) hahaha




Eto na!

WARNING SPOILERS AHEAD!




Bago tayo mag proceed....

Pano nga ba nagawa ang Mjolnir?

Ang "Mjolnir" ay Pinagawa ni "Odin" (Papa Ni Thor) sa mga "Dwarves" (Mga malulupit na panday) sa "Nidavellir" (isang planeta ng mga unano kung saan nag hinaharian "Eitri" ung higanteng unano na sinumpa ni Thanos, ginawang bakal ang dalawa nyang kamay) gamit nila ang Uru (Isang malupit na klase ng metal).

Ayon sa kwento, na malamang nakalimutan nyo na. :D

Nung mga panahon na Si "Odin" ay nakikipaglaban pa sa 9 realms kasama si "Hela" panganay na anak ni Odin at sya ang may hawak ng "Mjolnir" at kasama ang malaki nyang aso na si "Fenris"

Nine Realms
Asgard, Midgard, Jotunheim, Svartalfheim, Vanaheim, Nidavellir, "Niflheim", Muspelheim, Alfheim




So ayun lumaban sila sa 9 realms tapos na realize ni Odin na ang tunay na paraan lamang para makuha ang pagkakaisa ng bawat realms ay ang pag bibigay ng "Kapayapaan", pero ayaw ni Hellamasyado syang naging gutom sa kapangyarihan na kahit mismo ang kanyang sariling Ama ay sinubukan nyang pabaksakin, ngunit natalo sya at nilagay sa "Hel" (isang "L" lang) na isang land of the dead.Nakulong sya ng isang Millennia.

Pagkatapos noon ay ipinamana na ni Odin ang kanyang Throne sa isa sa mga anak nya, at iyon ay si "Thor" ngunit habang nasa kalagitnaan na ng proseso, umeksena ang mga Frost Giants mula sa isa sa mga 9 realms; ang Jotunheim. Pero hindi pumayag noon si Thor at gusto nyang mag higanti sa mga HIGANTE (hehehe) Para hindi na maulit ang kalokohan ng mga kupal.

Ayun nga nagpunta sila kasama ng mga tropa nya upang rumesbak, tinodo nya ang kanyang kapangyarihan, pumatay sya ng madaming mga halimaw hangang sa kaya nya. Ngunit nagalit si Odin at itinapon sya sa Earth bilang parusa.

Nang mga panahon nayon pag bagsak ng Mjolnir sa Earth (papaiksiin ko na masyado nang mahaba) at si Thor, nang matagpuan nya muli ang Mjolnir hindi na nya ito mabuhat dahil hind na sya "Worthy" or "karapat-dapat" dahil sinumpa na sya ng kanyang Ama dahil sa maling pag gamit nito. So ayun pinatunayan nya na sya ang karapat dapat kaya nya nabuhat ulit ung Mjolnir.

Nag cast ng spell si Odin bago nya parusahan si Thor papunta sa Earth na ang "karapat-dapat" (WORTHY) lang ang tanging makakabuhat ng Mjolnir. Cinast nya ung spell na yon para mapigilan pag gamit ng Mjolnir sa walang kwenta or sa ikasasama ng iba or in short sa MASAMA kaya ng ginawa ni Thor sa Jotunheim na halos patayin nya lahat ng Jotun.




So ayon na moving on....

*Pano nga ba nagawang mabuhat at masira ng Hela ang Mjolnir?
Una hindi nya talaga kayang buhatin un dahil hindi sya worthy, kung nakita nyo pinigilan lang nya ang Mjolnir gamit ang kanyang lakas at sinira din ito dahil sa sobrang lakas nya.

*Pano naman nabuhat ni Groot ung Strombreaker?
Ang Stormbreaker ay walang spell ni Odin kaya kahit si Rocket or kahit sino man pwede itong mabuhat.

*Pano nabuhat ni Vision ung Mjolnir? Ito ay dahil hinatulan sya ng Mjolnir na karapatdapat, dahil all he wanted is the good for everyone.

*Pano nabuhat ni Captain America ang Mjolnir? Dahil sya ay "Karapat dapat"! Nung nag hamunan sila kung sino ang makakabuhat ng Mjolnir bukod kay Thor, Si Captain America napagalaw nya ung Mjolnir. Remember dalawa lang ang pinagpipilian at ang hatol ng Mjolnir, ang karapat dapat at hindi. walang HALF WORTHY walang QUARTER WORTHY.

So I can say na kaya nya talagang buhatin ung Mjolnir ayaw nya lang mag pasikat at mapahiya si Thor that time. At alam nya din ni Steve sa sarili nya na kaya nya kaya kung mapapanood nyo ung part na yon makikita nyo na dinahan dahan nya at kontrolado ung pagbuhat. Then Thor was really shocked deep inside.

So let's jump sa EndGame, nakita nyo naman siguro ung one of the best scenes that makes the crowd gone wild, when Capt finally wields Mjolnir! WHOOOO napasigaw talaga ako ng very LOUD! HAHAHA LOL. Isipin nyo to, hindi bubuhatin ni Capt ung Mjolnir kung alam nya na hindi talaga nya mabubuhat, di nya sasayangin ung oras na malapit nang mapatay ni Thanos si Thor that time diba? Pwede nyang ibato nalang ung Shield nya para ma destruct si Thanos at para ma pigilan ung pangayayari. Tska isipin nyo ung sinabe ni Thor after mabuhat ni Capt ung Mjolnir He said; "I knew it!" Ibig sabihin kahit sya may hinalang nabuhat nya talaga ung Mjolnir sa party that time. Diba it makes sense? hehehe



Again, I hope it makes sense talaga.

maraming salamat sa pag babasa I hope nakatulong ako sainyo

Kung may opinion kayo or suggestion malaya kayong mag comment down below! mabuti man o masama, willin ako makipag kwentuhan hehehehe


So kung di mo pa nababasa ung unang ginawa ko about kay Capt please click this link https://phcorner.net/threads/714192


Sana nag enjoy kayo at nasagot ko ung mga tanong nyo.

PEACE!

I love you 3000.

Wag naman hit and run, hit the like if you think I deserve it hehe



-yano
 
Last edited:
Naisip ko rin yan ts na kunwari lang na hindi mabuhat ni cpt murika yung mjölnir. Kaso mas detailed yung sayo hehe :D
 
Maganda pag aralan ang time travel lalo na kung totoo, hahaha. kaso sakit lang talaga sa ulo intindihin. fan ako ng mga gantong movie, anime, series concept.
 
"Worthiness" pala dahilan kaya ganun....
Yep, un ung spell ni Odin dun sa Mjolnir, kase ginamit ni Thor sa kalokohan ung Mjolnir noon. Para maiwasan ung possible major destruction, imagine after non si Thor mismo di mabuhat ung Mjolnir. It was just a yes or no answer from the Mjolnir walang maybe
Kaya yes lang ang sagot kay capt nung napagalaw nya yun ayaw nya lang mag pasikat haha hindi sya kase showey hahahaha
 
Hindi nag iincrease ung mass nya, kase kung ganon dapat bunagsak na ung ship kung saan nag laban si Thor at Hulk, binuhat ni Hulk ung Mjolnir pero ung paa nya ung lumubog hehehe
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top