Dati akong Roman Catholic , nag try din ako sa mga Bible Study sa Born Again, Ang daming kong tanong na di nasasagot ang daming besyon ang biblia , sino ba talaga ang Dyos, bat may Felix Manalo , may Quiboloy , may Soriano , hanggang sa wala na wala na ko religion bahala na pag namatay ka edi patay live your life to the fullest habang buhay ka pa.tapos naintroduce sakin ang Islam sa totoo isa din ako sa mga nanghusga sa mga muslim pag muslim para sakin terorista , mainitin ang ulo hanggang sa umuwi papa ko pinakilala sakin ang Islam nag shahada ako naging isang balik Islam . mahirap hanggang ngayon unti unti ko binabago sarili ko . sobrang hirap mahilig ako uminom ng alak noon , mahilig kumain ng baboy , mahilig sa musika , mahilig umattend ng mga party lahat yun unti unti ko tinatangal (baby steps) lagi si papa naglelecture dun ko napagtanto na katuruan sa Islam ay puro kapayapaan , pagsamba sa iisang Dyos ang Allah , pagmamahal sa magulang marami pang iba na puro kabutihan lamang hindi tulad noong paghusga ko na terorismo at pagiging mainitin ng ulo. Sabi ko sayo lahat ng katanongan mo masasagot ng Banal na Quran