Nicolandia15
Eternal Poster
- Joined
- Jan 12, 2016
- Posts
- 581
- Reaction
- 506
- Points
- 270
Introduction to OSI Model
Let's begin. Hindi ba astig kung makaka connect ka sa wifi ng kapitbahay mo at nakikita mo lahat ng ginagawa nila? What if ganun lang kadali yun. Isa sa mga tools na ginagamit like Wireshark ang pinakamabisa since ang majority ng LAN or Local Internet Network is based sa shared Ethernet.
Visualize natin, lahat ng computer at devices sa iisang LAN na naka plug sa iisang wire at lahat ng traffic na dumadaan dito ay pwede nating makita at kunin. Ang Wireshark ay isa sa mga packet sniffer or network analyzer na pwede nating gamitin if you have Kali.
Anong traffic pinag uusapan natin dito? Actually lahat. Give na yung encrypted data is hindi mo mababasa pero makikita mo pa din at lahat ng hindi encrypted ay mas madali mong kunin. Kasama na dito yung password, logins, email pati pag uusap nila sa messenger. So technically lahat.
Example, let's say yung wireless card mo may na capture na na packet galing sa ibang network. Normally bago pa lumipad yung packet na yun, alam na dapat ng OS na pinanggalingan niya kung anong klaseng packet ito. To do so, tatanggalin niya yung Ethernet header ng packet at titingnan kung ano next na layer, if IP packet ito, tatanggalin niya ulit yung IP header at check niya ulit kung anong klaseng IP Packet ito. Lastly kunyari nalaman niyang UDP Packet pala ito. Tatanggalin niya ulit yung UDP header at matitira dito ay ang data na ipapasa naman ngayon sa application na nagrequest nito. Magulo ba?
Yun yung pinaka simple na idea kung ano nangyayari everytime na magrtravel yung packet sa network. Ang point is everytime na ma capture natin yung packet na yun gamit ang packet sniffer like Wireshark, buong buo ito, kasama lahat ng headers and all. Regardless pa kung anong port yan pupunta or kung kaninong device or computer papasok.
Before naman tayo mag umpisa mag grab ng mga data at silipin ang sekretong buhay ng kapitbahay natin, kailangan natin maintindihan kung ano ang packet at ang concept sa likod nito. Para sakin kasi, mas maganda pa din na alam natin how things work compare dun sa alam lang natin pano gawin.
Networking Baby!
Open Source Interconnection (OSI) Model
I know, pasensya na sa diagram
Visualize natin ulit, simula tayo sa Application layer pababa, pagdating nito sa next layer, it will be processed then dagdagan ng information particular dun sa layer na kung saan siya. Pasa ulit sa baba, dagdag na naman ng info, paulit ulit hanggang makarating ito sa target niya.
Basta tandaan niyo lang na bawat layer ay pwedeng mag dagdag or magbawas ng info depende sa kung saang layer.
Layer 1: Physical
Ito yung literal na physical stuff na dinadaanan ng data. Ethernet cable, router, Network Interface Controller etc.
Layer 2: Data Link
Dito naman ang layer kung saan ang packets mo ay ittranslate as bits (11000100) papunta sa Physical Layer. Ito din ang layer na responsible maglagay ng address sa packets, like MAC Address tsaka yung IP address mo.
Layer 1 and 2 : Once maka receive ang network mo ng data, galing ito sa wire, wifi basta physical (Layer 1) papunta sa second layer at iintindihin niya yung 1s and 0s. Yung second layer ang mag ccheck kung tama ba ang MAC na naka assign dito at kung para ba talaga sa computer na iyon. Pag tama ang lahat, tuloy tuloy na iyon.
Layer 3: Network Layer Network layer naman ang responsable sa pag check kung paano i ttransmit yung data sa dalawang computer. Dito rin nangyayari ang translation from your Computer name para maging (MAC Address). Siya din bahala kung saan yung route, taga manage ng network issues etc.
Note lang sa Layer 3, nakasalalay sa layer na to ang gagawin ng router mo. Depende ito sa information na ginawa from Layer 3. Routers diba are their para mag transmit ng data papunta sa isa pang router. Dito nagagawa ng router sumunod sa tamang protocol and other decisions gamit ang info ng Layer 3.
Layer 4: Transport
Transport layer naman ay tumatanggap ng info from Session Layer at hahati hatiin ito sa mga packets para ipasa sa Network Layer. Responsibility ng Transport Layer na makakarating ang mga packets na ito ng buo sa destination device or target.
Layer 5: Session
Ang Session Layer naman ang buhay nito ay gawing maayos ang connection or di kaya i-terminate ang connection between sa dalawang device. As long na nag ccomunicate ang dalawang device back and forth, meron tayong connection.
Imagine your computer, tapos nag bbrowse ka ng web or nag download ng mga files, nanonood ng YøùTùbé or kung ano ano pa. Lahat ng data pumapasok sa computer mo, pero mali naman siguro pag yung YøùTùbé na data ay dun napunta sa Facebook mo. Dito sa layer na to ginagamitan ng port at sinisigurado na tama ang napupuntahang data.
Layer 6: Presentation
Presentation layer naman ang bahala mag convert ng data para sa Application at mag convert ng data para sa transmission and vice versa. Kunyari mag ssend ka ng message sa Facebook, sa presentation layer, coconvert niya yung data para sa transmission, kung makaka receive ka naman ng message, coconvert niya yung data na maiintindihan ng Messenger mo. Sa Presentation layer din nangyayari ang encryption ng data para i transmit sa network.
Layer 7: Application
Application Layer ang pinaka top ng OSI Model. Dito mo na makikita ang data na na receive mo, data na maiintindihan mo kasi gumagamit ka ng application. Like Facebook for example, email, browser or even Word Processor. Para mas madali, sa application layer, gumagamit ka ng application.
Boring as hell. Pero trust me pag seryoso ka sa ginagawa mo like häçking. This will be very useful in the future. Stay tune for more tutorials.
Last edited: