What's new

[Artikulo] Bakit Pinahihintulutan ng Diyos na Apihin ng Malalakas ang Mahihina?

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423
Bakit Pinahihintulutan ng Diyos na Apihin ng Malalakas ang Mahihina?

Ang Bibliya ay nag-uulat ng ilang malulungkot na pangyayari kung saan inaapi ng malalakas ang mahihina. Maaalaala natin ang kaso ni Nabot. Pinahintulutan ni Ahab, ang hari ng Israel noong ikasampung siglo B.C.E., ang kaniyang asawang si Jezebel na ipapatay si Nabot at ang mga anak nitong lalaki upang makuha ng hari ang ubasan nito. (1 Hari 21:1-16; 2 Hari 9:26) Bakit kaya pinahihintulutan ng Diyos ang labis na pag-abuso sa kapangyarihan?

Tingnan natin ang isang mahalagang dahilan: Hindi makapagsisinungaling ang Diyos. (Tito 1:2) Ano naman ang kaugnayan niyan sa pang-aapi? Sa pasimula pa lang, binabalaan na ng Diyos ang mga tao na ang paghihimagsik sa kaniya ay may malagim na resulta—ang kamatayan. Gaya ng sinabi ng Diyos, naging bahagi ng buhay ng tao ang kamatayan mula nang maghimagsik sila sa hardin ng Eden. Sa katunayan, ang unang kamatayan ay nangyari dahil sa pang-aapi—nang patayin ni Cain ang kapatid niyang si Abel.—Genesis 2:16, 17; 4:8.

Tungkol sa kasaysayan ng tao mula noon, ganito ang sinasabi ng Salita ng Diyos: “Ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.” (Eclesiastes 8:9) Nagkatotoo ba ito? Binabalaan ni Jehova ang kaniyang bayang Israel na magiging mapang-api ang kanilang mga hari, anupat daraing sila sa Diyos. (1 Samuel 8:11-18) Kahit ang matalinong hari na si Solomon ay nagpataw ng labis-labis na buwis sa bayan. (1 Hari 11:43; 12:3, 4) Mas mapang-api pa ang masasamang haring gaya ni Ahab. Isipin ito: Kung hinadlangan ng Diyos ang lahat ng gayong pang-aapi, hindi kaya lilitaw na nagsisinungaling siya?

Alalahanin din na pinararatangan ni Satanas na naglilingkod lamang sa Diyos ang mga tao dahil sa sakim na mga pakinabang. (Job 1:9, 10; 2:4) Kung pinoprotektahan ng Diyos ang lahat ng kaniyang mga lingkod mula sa lahat ng pang-aapi, hindi ba parang pinatototohanan niya ang mga paratang ni Satanas? At kung hinahadlangan naman ng Diyos ang lahat ng pang-aapi, hindi kaya lalabas na mas malaking kasinungalingan ito? Kung may gayong proteksiyon, maaaring isipin ng marami na matagumpay na mapamamahalaan ng mga tao ang kanilang sarili nang wala ang Diyos. Pero kabaligtaran iyan ng sinasabi ng Salita ng Diyos—na hindi kayang pamahalaan ng tao ang kaniyang sarili. (Jeremias 10:23) Kailangang dumating ang Kaharian ng Diyos; sa panahong iyon lamang magwawakas ang kawalang-katarungan.

Nangangahulugan ba iyan na walang ginagawa ang Diyos tungkol sa pang-aapi? Hindi. Pansinin ang dalawang bagay na ginagawa niya: Una, inilalantad niya kung ano talaga ito. Halimbawa, isinisiwalat ng kaniyang Salita ang bawat aspekto ng pakana ni Jezebel laban kay Nabot. Sinasabi pa ng Bibliya na ang gayong mga kasamaan ay kagagawan ng isang makapangyarihang tagapamahala na itinatago ang kaniyang pagkakakilanlan. (Juan 14:30; 2 Corinto 11:14) Sinasabi ng Bibliya na siya ay si Satanas na Diyablo. Sa pagsisiwalat ng kasamaan at pang-aapi, pati na ang tunay na may kagagawan nito, tinutulungan tayo ng Diyos na layuan mismo ang masasamang gawa. Kaya pinoprotektahan niya ang ating walang-hanggang kinabukasan.

Ikalawa, ang Diyos ay naglalaan ng matibay na pag-asa na wawakasan niya ang pang-aapi. Ang paglalantad, paghatol, at pagpaparusa kina Ahab at Jezebel—pati na sa maraming gaya nila—ay tumitiyak sa atin na matutupad ang mga pangako ng Diyos na parurusahan niya balang-araw ang lahat ng gumagawa ng masama. (Awit 52:1-5) Nagbibigay rin ang Diyos ng maaasahang pag-asa para sa mga umiibig sa kaniya na malapit na niyang ituwid ang epekto ng labis na kasamaan. Kung gayon, makikita ng tapat na si Nabot ang panahon kapag siya at ang mga anak niyang lalaki ay mamumuhay nang may katarungan sa isang paraisong lupa magpakailanman.—Awit 37:34.
 
Naaapi naman talaga ang weak, they are intended to not suvive, before pa nagkaroon ng god thinking ay ganyan na talaga ang setup or else meron pang dinosaur na pagala gala ngayon hehe
 
observable and reproducible, bakit hinde?
So based sa reasoning mo, wala palang problema sa claim ng Bible na ang tao ay nagmula kay Adan at Eva, at na namamatay sila dahil sa minanang kasalanan mula sa unang magulang na ito, kasi observable naman yan ngayon, nagkakaanak ang mga tao at namamatay. That's the current phenomenon. So, bakit hindi ico-consider yung claim ng Bible sa bagay na yan?
 
death lang ang observable, pero yung death due to sin isn't
 
death lang ang observable, pero yung death due to sin isn't
So tama pa rin ang Bible sa bagay na yan ..

at kung ibabatay ko sa reasoning mo yung iba pang claim ng Bible, eh walang magiging problema .. kasi observable din naman yung mga yon ..

Like yung claim na ang mundo ay nasa ilalim ng pamamahala/impluwensiya ni Satanas; na nabubuhay na tayo sa mga huling araw (2 Tim. 3:1-5) dahil nakikita na din naman yung mga pag-uugaling iyan ngayon na binalangkas sa Bible noon;

at marami pang iba ..
 
So tama pa rin ang Bible sa bagay na yan ..
death pa rin ang observable and not death due to sin hehe
at kung ibabatay ko sa reasoning mo yung iba pang claim ng Bible, eh walang magiging problema .. kasi observable din naman yung mga yon ..

Like yung claim na ang mundo ay nasa ilalim ng pamamahala/impluwensiya ni Satanas; na nabubuhay na tayo sa mga huling araw (2 Tim. 3:1-5) dahil nakikita na din naman yung mga pag-uugaling iyan ngayon na binalangkas sa Bible noon;

at marami pang iba ..
masamang ugali lang din ang observable and not the masamang ugali due to satanas hehe
 
death pa rin ang observable and not death due to sin hehe

masamang ugali lang din ang observable and not the masamang ugali due to satanas hehe
For us na naniniwalang nag-eexist si Satan eh matibay na evidence yung masamang ugali ng mga tao as influenced ni Satan ..

At least we do have things to observe para patunayan yung claim ng Bible, though some/most people eh hindi naniniwala dito ..

Kaya kung may mga nagsasabing "basta" lang kami naniniwala without evidence na observable, eh nagkakamali sila/kayo 🤭😉 Nakikita namin yung ebidensiya ..
 
ayan naman pala, for theist only hehe as long as not imposed to non-theists ok lang talaga iyan
 
Similar threads

Back
Top