What's new

[Artikulo] 666 - Hindi Lamang Isang Palaisipan

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423

666—Hindi Lamang Isang Palaisipan​

“Walang sinumang makabili o makapagtinda maliban sa tao na may marka, ang pangalan ng mabangis na hayop o ang bilang ng pangalan nito. Dito pumapasok ang karunungan: Tuusin niyaong may katalinuhan ang bilang ng mabangis na hayop, sapagkat ito ay bilang ng isang tao; at ang bilang nito ay anim na raan at animnapu’t anim.”—Apocalipsis 13:17, 18.

KAKAUNTING paksa lamang sa Bibliya ang nakapukaw ng labis na interes at pagkabahala na gaya ng hula tungkol sa mahiwagang marka, o pangalan, ng “mabangis na hayop”—ang bilang na 666. Naging paksa ng walang-katapusang espekulasyon sa telebisyon at sa Internet, gayundin sa mga pelikula, aklat, at mga magasin, ang marka ng hayop.

Naniniwala ang ilan na ang 666 ay marka ng antikristo sa Bibliya. Sinasabi ng iba na kumakatawan ito sa isang anyo ng sapilitang pagkakakilanlan, gaya ng tato o inilagay na microchip na may digital code na nagpapakilala sa isang tao bilang alipin ng hayop. Ang iba naman ay naniniwala na ang 666 ang marka ng papadong Katoliko. Sa paghahalili ng mga numerong Romano sa mga letra sa isang anyo ng opisyal na titulo ng papa, Vicarius Filii Dei (Bikaryo ng Anak ng Diyos), at sa bahagyang pagmamanipula sa mga numero, nakalkula nila ang bilang na 666. Sinasabi naman ng ibang tao na ang numerong ito ay maaari ring kalkulahin mula sa pangalang Latin ng Romanong emperador na si Diocletian at mula sa saling Hebreo ng pangalang Nero Cesar.

Gayunman, ang kathang-isip at inimbentong mga interpretasyong ito ay ibang-iba sa sinasabi mismo ng Bibliya tungkol sa marka ng hayop, gaya ng makikita natin sa susunod na artikulo. Isinisiwalat ng Bibliya na mararanasan ng mga may marka ng hayop ang poot ng Diyos kapag winakasan na niya ang kasalukuyang sistema ng mga bagay. (Apocalipsis 14:9-11; 19:20) Kaya ang pag-unawa sa kahulugan ng 666 ay higit pa sa basta paglutas sa isang kawili-wiling palaisipan. Mabuti naman, hindi inilihim ng Diyos na Jehova, ang mismong personipikasyon ng pag-ibig at ang Bukal ng espirituwal na liwanag, sa kaniyang mga lingkod ang tungkol sa mahalagang bagay na ito.—2 Timoteo 3:16; 1 Juan 1:5; 4:8.

Pagkilala sa Mabangis na Hayop at sa Marka Nito

NASISIYAHAN ka ba sa paglutas ng isang palaisipan? Upang magawa ito, kailangan mong tingnan ang mga palatandaan upang masumpungan ang kasagutan. Sa kaniyang kinasihang Salita, inilalaan ng Diyos ang kinakailangang mga palatandaan tungkol sa bilang na 666, ang pangalan, o marka, ng mabangis na hayop sa Apocalipsis kabanata 13.

Sa artikulong ito, susuriin natin ang apat na pangunahing pangangatuwiran—mahahalagang palatandaan—na magsisiwalat sa kahulugan ng marka ng hayop. Isasaalang-alang natin (1) kung paano pinipili kung minsan ang mga pangalan sa Bibliya, (2) kung ano ang mabangis na hayop, (3) kung ano ang kahulugan ng 666 na “bilang ng isang tao,” at (4) ang kahulugan ng bilang na 6 at kung bakit ito inulit nang tatlong beses, samakatuwid nga, 600 dagdagan ng 60, dagdagan ng 6, o 666.—Apocalipsis 13:18.

Mga Pangalan sa Bibliya—Higit Pa sa Katawagan Lamang

Ang mga pangalan sa Bibliya ay kadalasang may pantanging kahulugan, lalo na kapag ibinigay ng Diyos. Halimbawa, sapagkat si Abram ay magiging ama ng mga bansa, binago ng Diyos ang pangalan ng patriyarka at ginawang Abraham, na nangangahulugang “Ama ng Karamihan.” (Genesis 17:5) Sinabi ng Diyos kina Jose at Maria na tatawaging Jesus, na nangangahulugang “si Jehova ay Kaligtasan,” ang magiging anak ni Maria. (Mateo 1:21; Lucas 1:31) Kasuwato ng makahulugang pangalan na iyan, sa pamamagitan ng ministeryo at sakripisyong kamatayan ni Jesus, ginawang posible ni Jehova ang ating kaligtasan.—Juan 3:16.

Kaya, ang bigay-Diyos na pangalang-numero na 666 ay sumasagisag sa nakikita ng Diyos na pagkakakilanlang mga katangian ng hayop. Mangyari pa, upang maunawaan ang mga katangiang ito, kailangan nating makilala ang hayop mismo at alamin ang mga gawain nito.

Ipinakilala ang Hayop

Maraming isinisiwalat ang aklat ng Bibliya na Daniel tungkol sa kahulugan ng makasagisag na mga hayop. Ang kabanata 7 ay naglalaman ng detalyadong paglalarawan ng “apat na ubod-laking hayop”—isang leon, isang oso, isang leopardo, at isang nakatatakot na hayop na may malalaking ngiping bakal. (Daniel 7:2-7) Sinasabi sa atin ni Daniel na ang mga hayop na ito ay kumakatawan sa mga “hari,” o pulitikal na mga kaharian, na sunud-sunod na namahala sa malalaking imperyo.—Daniel 7:17, 23.

May kinalaman sa hayop sa Apocalipsis 13:1, 2, binabanggit ng The Interpreter’s Dictionary of the Bible na “pinagsasama-sama [ng hayop] ang lahat ng katangian ng apat na hayop sa pangitain ni Daniel . . . Kaya, ang unang hayop na ito [ng Apocalipsis] ay kumakatawan sa pinagsama-samang puwersa ng lahat ng pulitikal na pamamahala sa daigdig na salansang sa Diyos.” Ang obserbasyong ito ay pinatutunayan ng Apocalipsis 13:7, na nagsasabi tungkol sa hayop: “Binigyan ito ng awtoridad sa bawat tribo at bayan at wika at bansa.”

Bakit ginagamit ng Bibliya ang mga hayop bilang mga sagisag ng pamamahala ng tao? Sa dalawang kadahilanan. Una, dahil sa makahayop na rekord ng pagbububo ng dugo na naisagawa ng mga pamahalaan sa nakalipas na mga dantaon. “Ang digmaan ay isa sa mga palagiang pangyayari sa buong kasaysayan,” ang sulat ng mga istoryador na sina Will at Ariel Durant, “at hindi ito nabawasan sa pagkakatatag ng sibilisasyon o demokrasya.” Totoong-totoo nga na ‘sinusupil ng tao ang tao sa kaniyang ikapipinsala’! (Eclesiastes 8:9) Ang ikalawang dahilan ay sapagkat “ibinigay ng dragon [si Satanas] sa hayop ang kaniyang kapangyarihan at ang kaniyang trono at dakilang awtoridad.” (Apocalipsis 12:9; 13:2) Kaya, ang pamamahala ng tao ay gawa ng Diyablo, sa gayo’y sinasalamin nito ang kaniyang makahayop at tulad-dragon na disposisyon.—Juan 8:44; Efeso 6:12.

Gayunman, hindi ito nangangahulugan na ang bawat tagapamahalang tao ay tuwirang minamanipula ni Satanas. Sa katunayan, sa isang paraan, ang mga pamahalaan ng tao ay nagsisilbing “lingkod ng Diyos,” anupat nagbibigay ng katatagan sa lipunan ng tao, na kung wala ang mga ito ay magkakaroon ng kaguluhan. At ipinagsanggalang ng ilang lider ang pangunahing mga karapatang pantao, lakip na ang karapatang magsagawa ng tunay na pagsamba—isang bagay na ayaw ni Satanas. (Roma 13:3, 4; Ezra 7:11-27; Gawa 13:7) Gayunman, dahil sa impluwensiya ng Diyablo, walang tao o institusyon ng tao ang kailanma’y nakapagdulot na ng namamalaging kapayapaan at katiwasayan sa tao.—Juan 12:31.

“Bilang ng Isang Tao”

Ang ikatlong palatandaan upang maunawaan ang kahulugan ng 666 ay ang pagiging “bilang ng isang tao” nito. Ang pananalitang ito ay hindi maaaring tumukoy sa isang indibiduwal na tao, sapagkat si Satanas—hindi ang sinumang tao—ang may awtoridad sa hayop. (Lucas 4:5, 6; 1 Juan 5:19; Apocalipsis 13:2, 18) Sa halip, ang pagkakaroon ng hayop ng “bilang ng isang tao,” o marka, ay nagpapahiwatig na ito ay may kakanyahan ng tao, hindi ng espiritu o ng demonyo, at ito samakatuwid ay nagpapamalas ng ilang katangian ng tao. Anu-ano ang mga katangiang ito? Ang Bibliya ay sumasagot, na nagsasabing: “Ang lahat [ng tao] ay nagkasala at nagkukulang sa kaluwalhatian ng Diyos.” (Roma 3:23) Kaya nga, ang pagkakaroon ng hayop ng “bilang ng isang tao” ay nagpapahiwatig na masasalamin sa mga pamahalaan ang makasalanang kalagayan ng tao, ang tanda ng kasalanan at di-kasakdalan.

Pinatutunayan ito ng kasaysayan. “Ang bawat sibilisasyong umiral ay bumagsak sa wakas,” sabi ng dating kalihim ng estado ng Estados Unidos na si Henry Kissinger. “Ang kasaysayan ay isang ulat ng mga pagsisikap na nabigo, ng mga ambisyon na hindi natupad . . . Kung gayon, bilang isang istoryador, kailangang tanggapin ng isa na di-maiiwasan ang sakuna.” Pinatutunayan ng matapat na kalkulasyon ni Kissinger ang mahalagang katotohanang ito sa Bibliya: “Ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.”—Jeremias 10:23.
Ngayong nakilala na natin ang hayop at naunawaan natin kung paano ito minamalas ng Diyos, maaari na nating suriin ang huling bahagi ng ating palaisipan—ang bilang na anim at kung bakit ito inulit nang tatlong beses—yaon ay 666, o 600 dagdagan ng 60, dagdagan ng 6.

Anim na Inulit Nang Tatlong Beses—Bakit?

Sa Kasulatan, ang ilang bilang ay may makasagisag na kahulugan. Halimbawa, ang bilang na pito ay kadalasang ginagamit upang sumagisag sa isang bagay na ganap, o lubusan, sa paningin ng Diyos. Bilang halimbawa, ang sanlinggong paglalang ng Diyos ay binubuo ng pitong “araw,” o pinalawig na mga yugto ng panahon, kung kailan lubusang tinapos ng Diyos ang kaniyang layunin sa paglalang may kinalaman sa lupa. (Genesis 1:3–2:3) Ang “mga pananalita” ng Diyos ay gaya ng pilak na “makapitong nilinis,” sa gayo’y lubusang dinalisay. (Awit 12:6; Kawikaan 30:5, 6) Ang ketongin na si Naaman ay sinabihang maligo nang pitong ulit sa Ilog Jordan, at pagkatapos nito’y lubusan siyang gumaling.—2 Hari 5:10, 14.

Ang anim ay kulang ng isa upang maging pito. Hindi ba’t ito ay isang angkop na sagisag ng isang bagay na di-sakdal, o may depekto, sa paningin ng Diyos? Oo, tunay nga! (1 Cronica 20:6, 7) Isa pa, ang anim na inulit nang tatlong beses, gaya ng 666, ay matinding nagdiriin sa di-kasakdalang ito. Ang katotohanan na ang 666 ay “bilang ng isang tao,” gaya ng natalakay na natin, ay nagpapatunay rin na tama ang pangmalas na iyan. Kung gayon, ang rekord ng hayop, ang ‘bilang ng tao’ nito, at ang bilang na 666 mismo ay pawang umaakay sa iisang maliwanag na konklusyon—ang labis-labis na pagkukulang at kabiguan nito sa paningin ni Jehova.
Ipinagugunita sa atin ng paglalarawan sa mga pagkukulang ng hayop ang sinabi tungkol kay Haring Belsasar ng sinaunang Babilonya. Sa pamamagitan ni Daniel, sinabi ni Jehova sa tagapamahalang iyon: “Tinimbang ka sa timbangan at nasumpungang kulang.” Nang gabi ring iyon ay napatay si Belsasar, at bumagsak ang makapangyarihang Imperyo ng Babilonya. (Daniel 5:27, 30) Sa katulad na paraan, ang hatol ng Diyos sa pulitikal na hayop at sa mga may marka nito ay nangangahulugan ng wakas ng hayop na iyon at ng mga tagapagtaguyod nito. Gayunman, sa pagkakataong ito ay lilipulin ng Diyos hindi lamang ang isang pulitikal na sistema kundi ang lahat ng bakas ng pamamahala ng tao. (Daniel 2:44; Apocalipsis 19:19, 20) Dahil dito, napakahalaga nga na iwasan nating magkaroon ng nakamamatay na marka ng hayop!

Ipinakilala ang Marka

Karaka-raka pagkatapos ibunyag ang bilang na 666, binabanggit ng Apocalipsis ang 144,000 tagasunod ng Kordero, si Jesu-Kristo, na may pangalan niya at pangalan ng kaniyang Ama, si Jehova, na nakasulat sa kanilang mga noo. Ipinakikilala ng mga pangalang ito ang mga nagtataglay nito bilang pag-aari ni Jehova at ng kaniyang Anak, na tungkol sa kanila ay buong-pagmamalaki silang nagpapatotoo. Sa gayunding paraan, ipinahahayag niyaong mga may marka ng hayop na sila’y naglilingkod sa hayop. Kung gayon, ang marka, ito man ay sa kanang kamay o sa noo, sa makasagisag na pananalita, ay isang sagisag na nagpapakilala sa mga nagtataglay nito bilang isa na nagbibigay ng mapagpitagang pagsuporta sa tulad-hayop na pulitikal na mga sistema ng sanlibutan. Ibinibigay kay “Cesar” niyaong mga may marka kung ano ang nararapat ibigay sa Diyos. (Lucas 20:25; Apocalipsis 13:4, 8; 14:1) Paano? Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mapagpitagang parangal sa pulitikal na estado, sa mga sagisag nito, at sa lakas militar nito, na doon sila tumitingin para sa pag-asa at kaligtasan. Ang anumang pagsambang iniuukol nila sa tunay na Diyos ay sa salita lamang.

Sa kabaligtaran, hinihikayat tayo ng Bibliya: “Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga taong mahal, ni sa anak man ng makalupang tao, na sa kaniya ay walang pagliligtas. Ang kaniyang espiritu ay pumapanaw, siya ay bumabalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ring iyon ay maglalaho ang kaniyang pag-iisip.” (Awit 146:3, 4) Ang mga sumusunod sa matalinong payong iyan ay hindi nasisiphayo kapag hindi tinupad ng mga pamahalaan ang kanilang mga pangako o kapag nawalan ng prominenteng posisyon ang karismatikong mga lider.—Kawikaan 1:33.

Hindi ito nangangahulugan na ang tunay na mga Kristiyano ay basta nauupo na lamang at wala nang ginagawa tungkol sa kalagayan ng sangkatauhan. Sa kabaligtaran, aktibo nilang ipinahahayag ang isang pamahalaan na lulutas sa mga suliranin ng sangkatauhan—ang Kaharian ng Diyos, na kanilang kinakatawanan.—Mateo 24:14.

Ang Kaharian ng Diyos—Tanging Pag-asa ng Sangkatauhan

Nang nasa lupa, ginawa ni Jesus na pangunahing tema ng kaniyang pangangaral ang Kaharian ng Diyos. (Lucas 4:43) Sa kaniyang modelong panalangin, na kung minsan ay tinatawag na Ama Namin, itinuro ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na ipanalanging dumating ang Kahariang iyon at mangyari ang kalooban ng Diyos dito sa lupa. (Mateo 6:9, 10) Ang Kaharian ay isang pamahalaan na magpupuno sa buong lupa, hindi mula sa isang makalupang kabisera, kundi mula sa langit. Kaya nga, tinawag ito ni Jesus na “ang kaharian ng langit.”—Mateo 11:12.

Sino ang lalo pa ngang angkop na maging Hari sa Kahariang iyon kaysa kay Jesu-Kristo, ang isa na namatay alang-alang sa kaniyang mga sakop sa hinaharap? (Isaias 9:6, 7; Juan 3:16) Malapit na, ihahagis ng sakdal na Tagapamahalang ito, na ngayon ay isa nang makapangyarihang espiritung persona, ang hayop, ang mga hari nito, at ang mga hukbo nito sa “maapoy na lawa na nagniningas sa asupre,” isang sagisag ng ganap na pagkawasak. Subalit hindi lamang iyan. Lilipulin din ni Jesus si Satanas, isang bagay na hindi kailanman magagawa ng tao.—Apocalipsis 11:15; 19:16, 19-21; 20:2, 10.

Magdudulot ng kapayapaan sa lahat ng masunuring sakop nito ang Kaharian ng Diyos. (Awit 37:11, 29; 46:8, 9) Maging ang lumbay, kirot, at kamatayan ay mawawala na. Tunay na maluwalhating pag-asa nga para sa mga nananatiling walang marka ng hayop!—Apocalipsis 21:3, 4.

[Mga talababa]
Para sa detalyadong pagtalakay sa mga talatang ito, tingnan ang kabanata 28 ng aklat na Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!, inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

Bagaman kinikilalang ang pamamahala ng tao ay kadalasang tulad-hayop, ang tunay na mga Kristiyano ay nagpapasakop sa “nakatataas na mga awtoridad” ng pamahalaan, gaya ng ipinag-uutos ng Bibliya. (Roma 13:1) Subalit kapag ang mga awtoridad ay nag-uutos sa kanila na kumilos nang salungat sa kautusan ng Diyos, sila ay ‘sumusunod sa Diyos bilang tagapamahala sa halip na sa mga tao.’—Gawa 5:29.

[Kahon sa pahina 5]

Mga Palatandaan sa Kahulugan ng 666

 1. Ang mga pangalan sa Bibliya ay kadalasang may isinisiwalat tungkol sa mga katangian o buhay ng nagtataglay ng pangalang ito, tulad sa kalagayan nina Abraham, Jesus, at ng marami pang iba. Sa katulad na paraan, ang pangalang-numero ng hayop ay sumasagisag sa mga katangian nito.

 2. Sa aklat ng Bibliya na Daniel, ang iba’t ibang hayop ay kumakatawan sa sunud-sunod na mga kaharian, o imperyo, ng tao. Ang kalipunang hayop sa Apocalipsis 13:1, 2 ay sumasagisag sa pambuong-daigdig na pulitikal na sistema, na binigyan ng kapangyarihan at kontrolado ni Satanas.

 3. Ang pagkakaroon ng hayop ng “bilang ng isang tao,” ay nagpapahiwatig na ito ay may kakanyahan ng tao, hindi ng demonyo. Kaya, masasalamin dito ang mga pagkukulang ng tao dahil sa kasalanan at di-kasakdalan.

 4. Sa paningin ng Diyos, yamang ang bilang na anim ay kulang ng isa upang maging pito, na ayon sa Bibliya ay nangangahulugan ng pagiging ganap, o lubusan, ito kung gayon ay nagpapahiwatig ng di-kasakdalan. Idiniriin ng markang 666 ang kakulangang iyan sa pamamagitan ng pag-ulit sa numero nang tatlong beses.
 
Sino naman kase ang nag embento ng mga 666 na iyan? Sabi , dahil kay Nero ba iyon? And dami kino connect as in. Meron pa nga black cat as evil kuno kung kaya mamalasin ang tao na nakakakita nito o kung sino man nag-aalaga ng black cat. Kawawa tuloy ang mga black cat na walang matirhan dahil sa mga supertitious beliefs na iyan. Wala naman ipinagkaiba ang 666 diyan sa 13th number kuno na keyso bad luck or evil daw.

Ang black cat is ang alam ko na mythology diyan is ang mga witch daw (iyan na naman ang witch na iyan na laging meron negative impression sa kanila) na nagtatransform daw kuno ang witch into black cat or keyso ang witch daw ay meron alagang black cat kung kaya diyan nagsimula ang katagang black cat is evil or keyso mamalasin ang tao kapag meron black cat o nag-alaga siya ng black cat.

Mahilig ang mga tao mag associate ng mga bagay na walang kabuluhan.

Madaming misunderstood. Ang daming misconception about sa ganyan sitwasyon o bagay but we really can not blame them dahil indoctrinate na sila sa ganyang beliefs and of course , bible is the only reliable source of truth lang daw sa kanila.

Ganyan na talaga sila. Only in Christian beliefs.

Pero alam niyo ba na sa Japan ay feared nila ang number 9 ?

Sa Afghanistan ay masama sa kanila ang number 39. Sa Italian is number 17 naman. All around the world is I believe na meron silang superstitious beliefs pagdating sa numbers. Hindi lang 666 po. Marami as in.

Ito lang ang masasabi ko. Ang 666 ay yup malas sa atin or consider evil but ang 666 sa ibang kultura o sa ibang bansa ay consider siya good at lucky number po siya.

Pati ang black cat na consider sa atin na evil o keyso mamalasin daw kuno ay sa ibang kultura o sa ibang bansa ay consider siya good at maswerte po siya.

Iyon lang naman as in.

Last edited:
panong may iba pang ibg sbhn po? 😅
Mali yata pala intindi ko dun sa unang bahagi nitong article. Akala ko isa kasama ung "tatak ng diablo" sa gustong tumbukin.
Bilang atheist kasi, malaking kalokohan yan sakin.

Pero ung bahagi na anim bilang "marka ng tao at ng hayop" goods ako jan. Dahil mga nilalang ito ng ikaanim na araw, maliligaw ito ng landas. At kung may makapagtahak man nung tamang landas, makakalapit lng ito at hnd makakarating.
 
Ito ang sabi-

"....Dito pumapasok ang karunungan: Tuusin niyaong may katalinuhan ang bilang ng mabangis na hayop, sapagkat ito ay bilang ng isang tao; at ang bilang nito ay anim na raan at animnapu’t anim... "

For me. Wala ba tayong napapansin ?

Ang itinatarget audience diyan sa sinasabi ng mismong thread topic ay ang mga matatalino at naka acquire ng karunungan ?

Just think. Think ha?

According to data information na nabasa ko na mataas ang intelligence quotient ng mga Atheist kaysa non-Atheist daw. Marami kase silang acquired information outside the bible and religion when it comes to politics , social , beliefs and so on and so fort. Mataas po kase ang critical thinking ng Atheist pagdating sa religion and bible mismo.

Then kung pagmamasdan ng mabuti o kung keen observer lang tayo as in na kung e te trace back natin ang patungkol kay Adam and Eve ay pinarusahan ng God sina Adam at Eve sa kadahilanan na kumain po silang dalawa ng " fruit of knowledge " galing sa " Tree of Knowledge " ika nga.

Meron bang fear ang God in the bible patungkol sa karunungan na edinidescribe ng mismong thread ? Kung baga for me ha? Ang pumapasok sa isip ko ay parang gusto ng God in the bible na hindi tayo maging matalino na kailangan walang pumapasok na karunungan sa atin mga tao na tipong ganun ang dating as in. As a result , ang tree of knowledge ay finorbid nito na ipakain kina Adam and Eve.

Pagmasdan , e ang mga Atheist ay outside bible and religion ang mga iyan and so Theist would think na ang mga Atheist ang hindi kalugod-lugod sa Diyos mismo dahil ang ilan Atheist ay sila itong nag kri criticize kung ano ang tama at mali sa mismong nilalaman ng biblia. Matatalino po kase sila. Hindi lang Atheist pati na rin ang mga ilan taga non-religion sect na nakakapag criticize sa mismong nilalaman ng biblia na for them , well , para sa kanila na the bible is not really the realiable source of truth.

Alam niyo iyon? It is like a country na sinakop ang isang bansa at naghari-harian sa bansang sinakop. Then ang mga tao na under sa pananakop is kahit gusto nilang magkaroon ng new knowledge sa ano man bagay na gusto nila matutunan ay sinusuppress ng government ang mga tao kung kaya hindi ito binibigyan ng tamang edukasyon dahil sa takot na kapag tumalino kuno sila or kapag marami ng alam ay baka ma overthrown na ang government or sa maikling salita na baka mamulat ang mga tao at magrebelde sila sa government.

Parang ganyan ang dating ng God in the bible kung kaya pagdating sa katalinuhan at karunugan ay keyso ipinalalabas ay somewhat a beast or keyso mark of the devil or mark of the beast or whatever?

Parang ganyan. Parang........ yeah....... ayaw lang ng God siguro na magkaroon tayo ng angkin talino o angkin karunungan dahil baka ma overthrown din natin si God or I mean maging rebelde din tayo sa kanya. Ganun.

But why? Gusto ba ni God na manatili tayong walang alam or manatiling maging inosente pang habang buhay or ano?

Never mind.

Let's put it another way.
"God" warns us to not be complacent with the knowledge we hold. We should be aware that we are prone to human errors and limitations.
Im sure you heard this before, (rephrased)

Ignorant people dont realize that they are ignorant because they think they know everything. "Ignorance is a bliss"
Intelligent people on the other hand knows that there is a lot more they do not know.
And are aware that their life is never enough to find all the answers.
 
Let's put it another way.
"God" warns us to not be complacent with the knowledge we hold. We should be aware that we are prone to human errors and limitations.
Im sure you heard this before, (rephrased)​

Ang ibig sabihin ng complacent with the knowledge is self-satisfied. Kung baga huwag mag self-satisfied sa knowledge na pinahahawakan natin. Tama naman na humans are prone to errors and limitations po siya. Tama pero at least , well , as human being ay alam natin kung ano ang tama at mali , masama at mabuti so yup , let us be thankful dahil kung hindi sa fruit of knowledge na kinain ni Eve , well , malamang inosente tayo malamang. Proud ako but I am not a Satanist. Though maraming definition or maraming pagkaka define as a Satanist , well , ganyan ang alam kong concept or philosophy ng Satanist. It is all about knowledge and pride and being " I " and embracing reality and being realistic.

But ang ikinaganda lang naman ng pagkakaroon ng human errors , well , diyan na dedevelop ang ating self-aspect of human development. ( Sus me , para akong Satanist nito , haha 😅 )

Normal lang na magkaroon tayo ng human errors dahil we are imperfect but perfect daw.

Ignorant people dont realize that they are ignorant because they think they know everything. "Ignorance is a bliss"

Intelligent people on the other hand knows that there is a lot more they do not know.

And are aware that their life is never enough to find all the answers.

Self-satisfaction daw kase e. Never enough to find all the answers kung kaya they won't stop hanggang hindi masasatisfied na opposite siya ng self-denial from the bible. Tao lang din ako. Gusto ko din na ma self-satisfied as in.

Last edited:
let us be thankful dahil kung hindi sa fruit of knowledge na kinain ni Eve , well , malamang inosente tayo malamang. Proud ako but I am not a Satanist.

I disagree. It implies kasi na "god" lied to us that to fruit of knowledge was bad.
"God" did not lie. Instead "he" did not want us to suffer the consequence of intelligence. It will make us realize that we are imperfect. Then the pursuit to perfection will be suffering. Eto ung thread ko na baka may value para sayo. Alternative View to the Original Sin

"We are imperfect but perfect" makes no sense. We are imperfect but can desire to be perfect. 👍
 
I disagree. It implies kasi na "god" lied to us that to fruit of knowledge was bad. "God" did not lie. Instead "he" did not want us to suffer the consequence of intelligence. It will make us realize that we are imperfect. Then the pursuit to perfection will be suffering. Eto ung thread ko na baka may value para sayo. Alternative View to the Original Sin

Ganun ba? Disagree ka. Okay. Ganito na lang ang sasabihin ko......

"let us be thankful dahil kung hindi sa fruit of knowledge na kinain ni Eve , well , malamang inosente tayo. Proud ako except ikaw (siyempre) is not proud of having knowledge na ipinamana sa atin ni Eve nang kinain nito ang fruit of knowledge from tree of knowledge.

O-ha? Hindi ka na kasali 😁 Basta ako ay nakaka benefit ako at advantageous sa akin ang knowledge na ipinamana sa atin si Eve but if you do not value the knowledge you have now , it is fine with me too. But I have a feeling na siyempre ay araw-araw mo siya magagamit. Hindi maaaring hind mo siya magagamit as in katulad din ako at ibang tao sa buong mundo.

Okay. Sabihin natin na God did not lie. But hindi ba nakikita ng God kung ano din ang positive consequence na pwede mangyari sakaling kinain ni Eve ang fruit of knowledge galing sa tree of knowledge mismo? You see sakaling hindi kinain ni Eve ang fruit of knowledge ay malamang na wala na tayo sa planetang earth unless meron DIVINE PURPOSE or DIVINE PLAN na naka-ready para kay Eve kung saan na alam ni God na ano ang mangyayari in the future katulad na lamang sa ginawa ni Eve nang ikinain nito ang fruit of knowledge from tree of knowledge. Unless planado na po kay Eve which is ang magiging resulta ay alam ni God na ang tree of knowledge ay meron din pala positive consequence na mangyayari para kina Adam at Eve.

Ika nga , walang sexual knowledge si Eve nang finoforbid ng God na huwag kainin ang tree of knowledge. Nang ikinain ni Eve ang fruit from tree of knowledge , namulat si Adam and Eve and at the same time na.... ahem.... well.... alam na ni Adam and Eve kung how s𝑒x works. It is natural thing na meron ng sexual interaction si Adam and Eve after they ate the forbidden tree of knowledge. As a result, nag exist tayo.

Ngayon kung ipagtatanggol ng ilan Theist na keyso meron daw sexual knowledge kaagad sina Adam at Eve bago ikinain nito ang fruit from tree of knowledge , well , 100% na disagree ako dahil meron nang ibang tao na nagpopost dito about sexual immoral daw which is extremely obvious that s𝑒x is a negative connotation po siya. Dagdag kung e te trace back po siya dati-rati na meron explaination why naging forbidden na po ang katagang womens' sexuality at naging forbidden na rin po ang homosexual as a whole and so, as for me, hindi ako convince kapag sinasabi ng ilang Theist na keyso si Adam and Eve ay meron ng sexual knowledge agad na ibinigay kuno ni God.

Naniniwala ako na isiningit lang ang katagang s𝑒x is positive in the bible para ipalabas na the bible is authentic , perfect at hindi contradictory.

Well , ganyan naman ata sila na tipong noon na walang dinosaur in the bible , hindi nagtagal ay sinama na rin nila in the bible. Noon na walang evolution in the bible , hindi nagtagal ay sinama na rin nila in the bible. Ang ibig sabihin na ang interpretation from humans ay nagbabago din pala siya. So it means na depende rin pala sa tao kung papaano niya ito iinterpret mismo.

Then ito, It will make us realize that we are imperfect. Then the pursuit to perfection will be suffering. Sabi mo nga. Ito ang pumapasok sa isip ko. God is perfect diba? According to Theist. Gusto ni God na e pa realize na perfect tayo or I mean perfect sina Adam at Eve na hindi pa nakakain nang fruit of knowledge.

Ang pumapasok sa isip ko na God does not want us or I mean God does not want Adam and Eve na magkaroon ng enlightenment or sabihin natin na ayaw ng God na magkaroon ng knowledge sina Adam and Eve sapagkat naniniwala si God na kapag namulat si Adam at Eve sa pagiging imperfect nila ay magpupursue silang dalawa ng perfection.

Well.......... hindi ko alam kung the reason why ayaw ipamulat sa atin or I mean ayaw ni God na ipamulat kina Adam at Eve na imperfect being sila is dahil sa a threat or a fear from God that if Adam and Eve pursuit to perfection ay magiging cause ito as equivalent to God's perfection and it is a reason why he forbid the tree of knowledge huh? Iyon ang napeperceived ko.

Yup. Medio agree ako a little bit sa katagang suffering dahil meron din kaseng 'cons' or negative consequence katulad nang nagkaroon tayo ng knowledge ay nagkaroon na rin tayo ng guilt imbis na maging inosente at manatiling walang alam pagdating sa knowledge of right or wrong pero at the same time na there is a positive consequence katulad na because of knowledge we have now , of course na we can now rid of suffering by being perfect.

I mean para saan ba ang different religion sa buong mundo ? Ang religion diba ang pulot-dulo ng dahilan kung bakit nagpupunta ang mga tao para ma-enhance natin ang atin spirit to the highest level and to be perfect ? I believe that the God (or Goddess) is within us and we pursue perfection para if we die ay makakarating tayo in other world which is the after life na sinasabi.

Gets ko na. Parang for me na parang ayaw lang siguro ng God na si Adam at Eve ay maging perfectionist equal to a God dahil of course, ayaw niya na meron pang katulad niya na ika nga perfect.

So I was thinking na what does perfectionist ang para kay God na bakit nasabi na keyso perfect na si Adam at Eve at hindi niya ipinamulat na imperfect human being sila ? Meron different definition ata ang being perfect para kay God and well , naiintindihan ko.

"We are imperfect but perfect" makes no sense. We are imperfect but can desire to be perfect. 👍

Meron naman sense ha? Ang katagang imperfect but perfect ? Nagkakamali tayo or prone to human errors and it is fine. Ano naman masama? At least perfect pa rin tayo dahil meron tayong knowledge and desire upang gawin natin ang tama or mabuti ang ating landas para maging perfect tayo.

Tara. Magpasalamat tayo or let us acknowledge the knowledge na ipinamana sa atin ni Eve.

Ano ba ito na ipinapaliwanag ko? Hahaha :LOL: Nagmumukha akong Satanist nito. May mga Satanist ata na andito na ayaw maglantad. Mga Satanist , kayo na mag explain ? Hahaha :LOL: It is okay. Forum lang ito. Ang identity is not revealed on forum kaya safe kayo from discrimination. Hahaha :LOL:

And please , kung sino man Satanist dito if ever... well... paki correct din ako kung mali nga itong klaseng ipinapaliwanag ko. Iyon lang.

Feel ko na para sa akin na the knowledge for me was good but if you believe that the knowledge was bad , okay lang sa akin dahil siyempre na naniniwala ka doon. Tanggap ko naman.

Sabi mo nga diba na "It implies kasi na "god" lied to us that to fruit of knowledge was bad. "God" did not lie. Instead "he" did not want us to suffer the consequence of intelligence."

It seems sa akin kase na ang knowledge sa iyo is bad.

Walang good or bad kasi. It is just about the consequence.

Meron isang greek mythology kung saan isang titan ang naawa sa mga tao. Pangalan niya ay Prometheus. Nakita nya kasi mga tao na nalalamigan at nasa dilim. Ninakaw ni prometheus ang apoy mula kay Zeus at binigay nya sa mga tao. Ginamit ng mga tao ang apoy pra magpainit at pra sa liwanag. Hindi nagtagal, ginamit nila ito bilang armas sa gyera. Nalaman ito ni Zeus at pinarusahan si Prometheus.

Sa storya ba na ito para sayo GOOD ba ang apoy or BAD? Pinaniniwalaang sa storya na yan na ang apoy ay simbolo ng science.

Kahit nmn sa buhay natin diba nung bata ka pa, ang saya saya ng buhay. Everything seems "perfect". Wala ka inaalala, walang problema. Excited ka na "lumaki". Pero habang tumatagal, nagkakaroon na tayo ng knowledge. Kasabay nito ay ang mga responsibilidad na kailangan natin bitbitin.
Maiisip mo nlng na sana bata nlng ulit tayo.

Ang paglaki ba ay good or bad? Pero regardless sa opinion mo jan, pag ikaw ay malaki na, at may sariling pag iisip, bubukod ka na sa iyong magulang, same way na exiled sina adan at eba.
 
Last edited:
Walang good or bad kasi. It is just about the consequence.

Meron isang greek mythology kung saan isang titan ang naawa sa mga tao. Pangalan niya ay Prometheus. Nakita nya kasi mga tao na nalalamigan at nasa dilim. Ninakaw ni prometheus ang apoy mula kay Zeus at binigay nya sa mga tao. Ginamit ng mga tao ang apoy pra magpainit at pra sa liwanag. Hindi nagtagal, ginamit nila ito bilang armas sa gyera. Nalaman ito ni Zeus at pinarusahan si Prometheus.

Sa storya ba na ito para sayo GOOD ba ang apoy or BAD? Pinaniniwalaang sa storya na yan na ang apoy ay simbolo ng science.

Kahit nmn sa buhay natin diba nung bata ka pa, ang saya saya ng buhay. Everything seems "perfect". Wala ka inaalala, walang problema. Excited ka na "lumaki". Pero habang tumatagal, nagkakaroon na tayo ng knowledge. Kasabay nito ay ang mga responsibilidad na kailangan natin bitbitin.
Maiisip mo nlng na sana bata nlng ulit tayo.

Ang paglaki ba ay good or bad? Pero regardless sa opinion mo jan, pag ikaw ay malaki na, at may sariling pag iisip, bubukod ka na sa iyong magulang, same way na exiled sina adan at eba.​

Ahhh. Given na kase sa akin ang consequence. I mean tinatanggap ko na meron consequence pero kung meron man negative consequence , well , bakit ko naman for me na tututukan ang negative consequence. Mas prefer ko tutukan ang positive consequence and tutal kung meron man negative consequence ay naniniwala ako na pwede resolbahin.

So ang ibig sabihin pala na wala kang pinapanigan kung good or bad ang knowledge na acquire natin from Eve basta na meron consequence lang. Okay.

Ang akin kase ay ina-acknowledge ko na ang knowledge na ipinamana sa atin lahat.

Pansin ko rin kase minsan na meron mga tao na they keep blaming kung ano ang ginawa ni Eve or nasa mentality na ng tao na naniniwala na si Eve ang pulot-dulo ng unang pagkakasala sapagkat kinain nga nito ang fruit from tree of knowledge.

Kung baga na established na sa idea o sa attitude ng mga tao na ang pulot-dulo ng pagkakasala ng lahat-lahat ay dahil kay Eve which is for me na nagiging resulta ng pagkakaroon ng negative impression kay Eve and ang worst is babae ang unang nagkamali o nagkasala.

Then there is some bible verse na dahil sa nagkasala si Eve ay kinakailangan nito na magpa under control sa authority ni Adam sapagkat nagkasala una si Eve. There are lot of laws din in the bible na hindi na siya realistic sa araw-araw tayo na nabubuhay na example na lang na in the bible ay sabi na kapag sinampal ka sa pisngi ay magpasampal daw sa kaliwang pisngi na in fact in real life situation ay majority of the people are looking for justice katulad ng mata sa mata at ngipin sa ngipin and most of the bible verse ay it seems na ginagawa nito na e suppressed ang naturaliza ng human being sa lahat ng mga tao. It is a reason why maraming laws in the bible na kapag hindi sinunod ng mga tao ay mapupunta ang mga tao sa hell.

Ang nakikita ko is ang mga tao ay hindi nito na a unleash kung ano at kung sino sila na I mean ang pagiging self nila as a human sapagkat suppressed ang pagiging naturaliza nito as a human being.

Ang nakikita ko kase ay meron something missing sa pinaniniwalaan ng mga tao in the bible.

Siguro na kapag in-acknowledge lang ng tao ang knowledge na galing kay Eve na imbis na they see it as negative , well , tingnan natin in other ways katulad na having knowledge in our generation ay meron naman good o positive na maidudulot nito ay I think kapag in-accept ng mga tao kung ano ang meron sa kanila , that is the time siguro na ma e a unleash ang true self nila. Andiyan ma de develop ang self-perception sa pagiging "ako".

Well , hindi na tayo pwede kase makabalik sa pagiging bata and it is okay na mangarap na sana maging bata uli pero kapag ganoon klase ang iniisip ay parang sising-sisi tayo na nagkaroon tayo ng knowledge na hindi natin kontrol. Hindi natin kontrol dahil hindi maiiwasan na magiging ãdül† din tayo paglaki kung saan pinaaral tayo sa school , nag graduate tayo , nag ka trabaho tayo then dagdagan pa ang mga experiences na nararanasan natin sa araw-araw tayo na nabubuhay and then ang mga nahahagilap natin knowledge from television , newspaper , religion , social media at maraming iba pa.

Unless mamatay tayo ng maaga noon child-inocent tayo ay malamang direcho agad tayo sa langit.

Ito din ang reason ko na bakit nauunawaan ko ang logic reasoning ng some Satanist dati-rati na sacrificing an inocent child is good for them although hindi lahat ng mga Satanist ay ganoon. Hindi lahat dahil alam nila ang batas ng tao.

Ang logic reasoning or ang beliefs ng Satanist kase na ang bata na walang kamuang-muang sa mundo o child-inocent like nga siya ay deserve na makarating in heaven. So instead of buhayin ang bata sa mundo ng makasalanan ( sin diba ang ginawa ni Eve nang kinain nito ang fruit of knowledge galing tree of knowledge ) at mabahiran ang bata ng angkin karunungan ay sina sacrifice nito ng maaga ang bata para hindi na siya umabot sa ãdül† life kung saan na magiging katulad natin lahat na meron ng knowledge sa bawat isa sa atin. Mababahiran kase ng kasalanan ang bata pagdating ng panahon o pagdating ng ãdül† life niya.

Sa isip ko na yeah , hindi na talaga tayo pwede makabalik sa bata uli unless mamatay tayo ng maaga na inosente tayo at walang kamuang-muang sa mundo , I think direcho tayo sa langit.

Kaya lang , hindi na tayo makabalik. Hindi na talaga.

Back
Top