What's new

Artificial IntelligencePagpapala o Sumpa?Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
Nito lang, nagkomento ang mga lider ng bansa, scientist, at technologist tungkol sa kakayahan ng artificial intelligence (AI). Inamin nila na nakakatulong ito, pero nag-aalala rin sila na puwede itong gamitin sa maling paraan.
  • “Ang AI ang isa sa teknolohiyang may pinakamalaking epekto sa ngayon dahil kaya nitong pagandahin ang buhay ng tao . . . Pero dahil sa AI, posible rin na madagdagan ang mga banta sa kaligtasan at seguridad, mawala ang mga karapatang pantao at privacy, pati na ang tiwala ng publiko sa demokratikong paraan ng pamamahala.”—Kamala Harris, vice president ng United States, Mayo 4, 2023.
  • “Kahit parang makakatulong ang artificial intelligence (AI) sa pangangalaga sa kalusugan, posible rin itong makasama sa pisikal at emosyonal na kalusugan ng tao,” ang isinulat ng isang internasyonal na grupo ng mga doktor at health-care expert na pinangungunahan ni Dr. Frederik Federspiel, sa isang artikulo sa BMJ Global Health You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. noong Mayo 9, 2023.
  • “Ginagamit na ang AI para magbigay ng maling impormasyon. At sa hinaharap, posible ring mawalan ng trabaho ang mga tao dahil dito. Nag-aalala ang ilang technologist na darating ang panahon, ipapahamak ng AI ang mga tao.”—The New York Times, Mayo 1, 2023.
Hindi pa natin alam sa ngayon kung makakabuti ba o makakasama sa hinaharap ang AI. Ano ang sinasabi ng Bibliya?

Kung bakit hindi siguradong makakabuti ang mga gawa ng tao​

Sinasabi ng Bibliya kung bakit hindi masisigurado ng mga tao na gagamitin lang sa mabuti ang teknolohiyang ginagawa nila.
  1. 1. Kahit maganda ang intensiyon ng mga tao, hindi nila laging malalaman ang negatibong mga epekto ng mga ginagawa nila.
    • “May daan na matuwid sa tingin ng isang tao, pero kamatayan ang dulo nito.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  2. 2. Hindi makokontrol ng isang tao kung paano gagamitin ng iba ang mga ginawa niya.
    • “Maiiwan ko lang din [ang mga ginawa ko] sa kasunod ko. At sino ang nakaaalam kung magiging marunong siya o mangmang? Pero siya ang mamamahala sa lahat ng bagay na pinagbuhusan ko ng lakas at karunungan sa ilalim ng araw.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ipinapakita ng mga ito kung bakit napakahalagang magpagabay sa ating Maylalang.

Kung kanino tayo makakapagtiwala​

Nangangako ang ating Maylalang na hindi niya hahayaan ang mga tao o anumang teknolohiyang gawa ng tao na sirain ang lupa.
  • “Ang lupa ay mananatili magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at titira sila roon magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Mababasa sa Bibliya ang mga payo sa atin ng Maylalang para mabuhay tayo sa hinaharap nang payapa at walang kinakatakutan. Para malaman ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito, basahin ang mga artikulong “You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.” at “You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..”
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Mula sa artikulong “Threats by Artificial Intelligence to Human Health and Human Existence,” na isinulat nina Frederik Federspiel, Ruth Mitchell, Asha Asokan, Carlos Umana, at David McCoy.
 
Iba mag isip kapag ang ikinalakihan bansa ay Christian country or any Abrahamic beliefs or any na meron kilalaman sa deity.

Sa Japan kase diba? Yung idea ay nakaka innovate sila na kahit ano basta meron kilalaman sa technology. Less percentage lang ang fear ng mga tao patungkol sa AI from Japan. Then ang U.S.A. and UK ata ay ang pagkakaalam ko ay trending na sa kanila ang AI unlike sa Pilipinas ay parang... parang hindi ganun ka open minded. Mga ilan-ilan lang ang nakakaalam.

Yung U.S.A. ay non-religious country kase iyon though Christian siya. Liberated country kaya pagdating sa innovation at improvement ng AI, pasok sila.

Sa Japan kase, ito lang ang pagkakaintindi ko ha? Ang major belief system nila is Buddhism and Shintoism. Ang Christianism sa Japan is less than. Ang pagkakaalam ko sa Shintoism , naniniwala ang tao sa spirit na nagrereside sa inanimate object. For example, namatay si tatay o nanay, magrereside sa isang lugar or meron mga spirit na magrereside sa bundok, sa puno at maraming iba pa.

Kung nakapanood ang tao ng Jigoko Shoujo na anime , yung sword ay according sa story , meron spirit and then , after ng pagkalipas ng maraming episode ay nagtransition siya into human being. So yung lalake na iyon which is a human galing sa sword , marami na raw siyang karanasan dahil ginagamit daw siya bilang pagpaslang ng mga tao so marami daw siya nakikitang dugo. Yung ganyan concept of story sa Jigoku Shoujo ay I see it na associated siya sa Shintoism.

And so when it comes to AI invented from Japan , hindi sila bothered pagdating sa ganyan. Less fear lang kung baga. Parang normal lang. Ang nakikita ko kase sa kanila is meron buhay ang AI na ini embento ng taga Japanese or some Japanese people believe na meron spirit ang AI na ginawa nila like human robot. Katulad na lang na napapanood sa anime where human and a.i. fall in love to each other pagkatapos meron pang-mecha anime, e malakas ang influence ng Japan movies or teleserye or anime nila pagdating sa ibang bansa.

Japan kase, non-Abrahamic po siya unlike sa atin o sa ibang bansa na predominant ang Abrahamic beliefs po , ayun , magbubukas sila ng bible dahil iyon gagawin nila guide kung kalugod-lugod ba sa Diyos ang AI or hindi or sisilipin pa nila ang bible para matanto kung ano sinasabi ng Diyos patunkol sa AI po.

Ganun sila. Lahat ay nirerely in bible dahil naniniwala sila na ang God ay taga supervise ng lahat. Meron free will pero hindi naman free. Its like God is always watching kahit saan magpunta o kung ano ang gawin ng tao.​
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top