What's new

Apply ng apply, still nothing happens

if ako sayo, pag aim mo is government, wag ka mag apply sa LGU since kayo kawawaw pag magpalit ang administration, doon ka agad sa national agency. sa mga private naman, experience is the best na panglaban mo, if kunti lang experience mo, impress the interviewee,. and doon ka mag apply sa nag ma mass hiring para sure. pwede ka rin pumunta sa dole if my mga job vacant doon since nakiki coordinate rin sila sa mga companies.
 
Same TS almost 2 years din ako naging tambay at sideline sideline lang pero sinwerte din sa pang ilang apply at mahabang antayan na tawag , just pray hard at pasa lang ng pasa ng resume sa mga gusto mong trabaho makakakuha kadin . 8 months din inabot pag aapply ko afterm lumuwag ang restrictions
 
Just take time Sir, kahit nung grumadweyt ako almost 2 years ako walang trabaho apply din ako ng apply pero di matanggap (Wala kasi akong skills or special skills) nagka anxiety ako nun dahil sobrabg guilty ko na di ako makatulong sa magulang ko sa gastusin sa bahay. Halos gabi gabi umiiyak ako graduate nga ko ng polsci pero ni di ako makakuha ng trabaho. Then one time swerte chinat ako ng college friend na mag apply sa company nila(private) then 4 months resign agad hehe.. toxic eh.. then mga 2 months sinwerte na di pa nag start ang trabaho sa Set(Govt Agency), nagwork lang ako dyan for 1month(1k per day naman)
Tapo nag apply ako sa Supreme Court yun 1 year na naman ako nabakante, nag work ako sa Sc for 7months.

And now im an administrator sa small private company though maliit ang sahod happy naman ako and for permanent naman na.

Keep grinding lang may nakalaan si Lord para sa atin. God Bless!
 
darating din yung time mo.
ganyan din ako noon 20 - 21 . pandemic lockdown. ngayon lang nman 22 nag open eh.
OFW ako eksakto uwi ko dec 2019 abot na abot sa pandemic. nakapag apply pa ako noon january 2020 bigla nman lockdown noon march. huli. sayang medical at gastos ko.

ngayon nakabalik na ulit sa work.

pressure talaga yan lods lalo na kapag parents o kamag anak nagsasabi sayo pero wag ka mawalan ng tiwala sa sarili. di pa lang dumadating time mo. nag e effort ka nman eh. darating din yun time. 2022 na. ng oopen na ulit ang mga company.

goodluck kaya mo yan
 
I feel you. kahit ako dami kong inapplyan 5 years ako sa BPO kahit yung mga inaapplyan ko nakalinya sa background ko hirap pa din maghanap, work from home kasi talaga ang hanap ko, kaya ako umalis sa dating company kasi nag pa onsite na sila, sana nga makahanap na lahat ng trabaho kawawa naman pamilya natin.
 
boss pasa lang ng pasa wag ka mawalan ng pagasa, isipin mo muna, anu ba talaga gusto mo na mangyari sa buhay mo, san mo nakikita sarili mo 10yrs from now. Mahirap kasi yung bahala na jan basta makapasok lang sa trabaho paps, praying helps din :)
 
ganito rin ako , nagresign sa company nung pandemic kasi super toxic na mga manager mula nung natransfer sa ibang dept. at last year umuwi na ako sa bahay namin sa probinsya at nagtry maghanap sa online maliit nga lang pero kasama naman parents at pambayad ng mga bayarin sa bahay.
Makakaraos din tayo TS.
 
Gusto ko yung attitude mo, optimistic kahit na masalimuot ang sitwasyon ❤️. Ako din gusto ko na lang lumayas sa bahay dahil sobra na yung pressure, kaso paglumayas ka pagchichismisan ka naman ng kapitbahay mo tapos magagalit pa mga magulang mo kasi nagrereflect sa kanila lahat ng ginagawa mo hahahaha grabe na talaga this hirap maging millennial
Well lumayas ako dati when i was 18, its not because of family pressure, kundi dahil sa may pangarap ako.
And yes pinag chismisan, remember tayo may hawak sa buhay natin, kahit ano sabihin ng ibang tao proved them wrong, its a sweet revenge.
Di ko sinabisabi na lumayas ka sa bahay nio :ROFLMAO: ,but if you insisted pwede din haha(Leave your comfort zone), pero patunayan mo na tama yung desisyon mo, wag na wag ka uuwing talunan at wag na wag ka mag papadala sa envirolment mo(bawal na gamot, ******* etc?
oki?
 
Tbh ang problema sa paghahanap ng trabaho ay hinahanp nila na best fit sa position na needed nila and yung nahihire nila is mga walang alam or inexperienced sa assigned position. Ganyan nararanasan after mawalan ako ng job sa Davao at not much offer ang binigay ng employer ko(at di pa sinahod last work before end of contract) kaya nagdecide ako na umalis muna sa work(di ako pinansin at risky pa noon since wala pa vaccine).
Nowadays, dumadami na ang nangangailangan ng additional manpower sa mga companies pero yung standards nila is same parin kaya ang ibang graduate lang ng senior high di maka apply kasi lage hanap nila is college graduate. Pag college grad ka naman, hahanapin naman nila may 1 year experience and so on(GANYAN KA TOXIC ANG PINOY in terms sa paghahanap ng new employees sa kanilang company, EVEN ONLINE) and eto ang primary reason bakit tumataas unemployment rate sa Pilipinas.
 
Tbh ang problema sa paghahanap ng trabaho ay hinahanp nila na best fit sa position na needed nila and yung nahihire nila is mga walang alam or inexperienced sa assigned position. Ganyan nararanasan after mawalan ako ng job sa Davao at not much offer ang binigay ng employer ko(at di pa sinahod last work before end of contract) kaya nagdecide ako na umalis muna sa work(di ako pinansin at risky pa noon since wala pa vaccine).
Nowadays, dumadami na ang nangangailangan ng additional manpower sa mga companies pero yung standards nila is same parin kaya ang ibang graduate lang ng senior high di maka apply kasi lage hanap nila is college graduate. Pag college grad ka naman, hahanapin naman nila may 1 year experience and so on(GANYAN KA TOXIC ANG PINOY in terms sa paghahanap ng new employees sa kanilang company, EVEN ONLINE) and eto ang primary reason bakit tumataas unemployment rate sa Pilipinas.
isa sa KATOXIKAN ng ugali ng mga hiring people ng pilipinas. ano sa tingin nila satin? zombie? :mad:
1658805456417.png
 

Attachments

Kung nasa government ang work pero still casual for how many years, mas maigi private company nalang, may ala chamba ka pa. If mareregular sa government, pinaka the best kasi may retirement kang hinihintay at the end.
 
sa totoo lang ako wala naman nagsasabi sakin nang masakit. pero ako mismo ang nagagalit sa sarili ko kasi di ko kayang iangat ang sarili ko. Patuloy akong naghahanap ng paraan at ang pag abroad talaga ang target ko. currently employed ako pero parang balik taya lang nangyayari.
 

Similar threads

Back
Top