What's new

Apoc.6:2 Si Cristo ba o ang anticristo ang sakay ng kabayong maputi?

Status
Not open for further replies.

Vanch1018

Eternal Poster
Joined
Feb 12, 2019
Posts
673
Reaction
289
Points
394
Kung aktibo po tayo sa pagsusuri sa mga paniniwalang kristyano lalo na sa panahon nating ito ang aral pong ito ay karaniwan na po nating maririnig na ang panginoong jesucristo ika ang nakasakay sa kabayong maputi mayron naman ngayon inaangkin na siya mismo ang nakasakay sa maputing kabayong ito pero sino nga ba ang nakasakay sa kabayong ito?si Cristo nga ba o ang anticristo?

Apoc.6:2
At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay.


Kung babasahin po natin ang kasunod nitong mga talata hindi po nagiisa ang kabayong ito may mga kasama po ito,una po yong maputi,mapula,maitim at maputla.lahat pong ito ay representasyon ng mga lagim na mangyayari sa hinaharap pagkatapos maisulat ni Juan ang aklat ng apocalipsis

Apoc.1:1
Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan;

Ang manyayaring madali po ay hindi ang nakalipas na sa panahon ni Juan kundi ang mangyayari pagkatapos ng kanyang panahon samakatuwid ay ang hinaharap na mangyayari pagkatapos maisulat ang aklat.una po itong ipinahayag ng Dios sa panginoong jesukristo,sa mga anghel at kay Juan at ngayon sa kanyang mga alipin.

Bakit po tayo naniniwala na ang nakasakay sa kabayong maputi ay hindi ang panginoong Jesukristo?tulad po ng nauna na nating sinabi ang apocalipsis po ay mga hula ng mga mangyayari sa hinaharap pagkatapos ni Juan.sa apat po na mangangabayo o 'four horsemen" pansinin niyo po na unang ipinakita sa kanya sa pangitain ang kabayong maputi at kasunod na lamang ang iba pang mangangabayo.alam naman po natin ang lagim na dala nito sa hinaharap nila katunayan mayron na nito sa panahon nila.

1 Jn.2:18
Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.

samakatuwid sino po ang nakasakay sa kabayong maputi?anong lagim ang naunang dumating noong panahon ng mga unang kristyano?
Maliwanag po na ang nakasakay sa kabayong maputi sa apoc.6:2 ay tumutukoy o nererepresenta ang pagdating ng unang lagim...ang anticristo.nag-aanyong maputi ngunit mga bulaan palang propeta na nagsisilalapit na may damit tupa pero ang loob mga lobong maninila pala na dapat nating pagingatan.

Mat.7:15
Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.

Di nakapagtataka si satanas man nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan bagay na di dapat pagtakhan pa kung ito ang unang pangitaing napakita kay Juan....ang pagdating ng anticristo

2 cor.11:14
At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.

Ano nga ba ang kaibahan ng pagkakakilanlan ng anti-cristo sa ating panginoong Jesucristo?sa paanong senaryo ba makikita ang cristo?nakasakay din ba siya sa isang kabayo?anong kulay at may mga kasama rin ba siyang mangangabayo?

Apoc.19:11
At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka.

May binabanggit din po ritong kabayong maputi pero sa pagkakataong ito ang nakasakay po naman ay yong tinatawag na "Tapat at Totoo" sino ba itong "Tapat at Totoo"kung susundan natin ang kasunod na mga talata tinutukoy po ritong maliwanag ang ating panginoong jesukristo at kung ang anticristo na nakasakay din sa kabayong maputi sa Apoc.6:2 ay may mga kasama ganon din ang pagdating noong nakasakay sa kabayong maputi kung saan nakasakay ang"Tapat at Totoo",may mga kasama din siya.sino po ang mga kasama ng cristo?

Apoc.19:14
At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay.

Maliwanag pong mga hukbo mula sa langit ang kasama ng panginoong Jesucristo pagparito niya na nararamtan ng linong maputi at dalisay sakay ng mga mapuputi ring kabayo.
Ano pa po ang katunayang hindi ang cristo ang tinutukoy sa Apoc.6:2?

Apoc.19:12
At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin.

Apoc.19:15

At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.

Kung ihahambing po natin ang nakasakay sa kabayong maputi sa Apocalisis 6:2 binigyan lamang siya ng isang putong samantalang ang panginoong jesucristo maraming diadema o putong sa kanyang ulo.magkaiba din po sila ng sandata,ang dala ng anticristo ay isang busog gamit ang kanyang mga kamay upang lumupig o "conquer"para dalhin ang lagim na dala niya samantalang ang cristo matalas na tabak na lumalabas sa kanyang bibig.ano ba ang tabak na ito?

Efe.6:17
At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:

Heb.4:12

Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.

Salita pala ng Dios ang dalang tabak ng panginoong jesucristo,mabisa at matalas na may dalawang talim,bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu.

Samantalang ang pagdating ng anticristo dala nito ang paglupig o "to conquer"sa english marami ang mapapahamak at mapapatay sa lagim na dala nito maging mga banal at iisiping baguhin pati ang panahon at ang kautusan

Dan.7:25
At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.

Apoc.6:2 Ang Bagong Ang Biblia

Tumingin ako at nakita ko ang isang kabayong puti, at ang nakasakay doon ay may isang pana; binigyan siya ng isang korona at siya'y humayong lumulupig, at upang lumupig.

Maliwanag po na ang misyon nitong anticristo ay upang lumupig o manglupig,manligaw at mandaya.tandaan po natin ang "four horsemen"hindi buhay ang dala kundi kamatayan,mga lagim na dadanasin ng mundo pagkatapos maisulat ang aklat ni Juan Apocaliptico.walang lugar po ang panginoong Jesucristo sa grupo na lagim ang mga dala-dala maliwanag pong salot ang ibibigay niyang "four horsemen" sa sangkatauhan.

Hanggang diyan po muna sana nakatulong.

God bless.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top