Apat Ba ang Naging Anak ni Noe? [Responding to Bible Contradictions]

Mind Palace

Elite
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,136
Reaction
321
Responding to Bible Contradictions | Article 1 | Apat Ba ang Naging Anak ni Noe?

Ayon sa Genesis 5:32, maliwanag na tatlo ang naging anak ni Noe - Sina Sem, Ham at Japhet.

Pero bakit sinasabi sa ulat ng Genesis 9:24, 25,

"Nang mawala na ang kalasingan ni Noe, at malaman ang ginawa ng bunsong anak, sinabi niya: “O ikaw, Canaan, ngayo'y susumpain, sa mga kapatid mo ika'y paaalipin."
Bunsong anak? Nangangahulugan ba ito na si Canaan ang pang-apat na anak ni Noe? Suriin natin ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa bagay na iyan.

PAGSUSURI SA KASULATAN

Genesis 9:24 King James Bible
And Noah awoke from his wine, and knew what his younger son had done unto him.
Suriin natin kung saan tumutukoy ang salitang Ingles na "son".

Ang salitang Hebreo na בֵּן (ben) na ginamit dito ay isinasalin din kung minsan bilang "apo", sa English, "grandson" o "grandchildren".

Pansinin ang ulat ng Genesis 29:5. Sa salin ng Magandang Balita Biblia, ang salitang Hebreo na בֵּן (ben) ay isinalin na "anak". Pero, kapansin-pansin na sa ibang salin ng Bibliya, isinasalin ang salitang Hebreo na iyan bilang "grandson."
Genesis 29:5
Magandang Balita Biblia
At sinabi niya sa kanila, Nakikilala ba ninyo si Laban na anak ni Nachor? At kanilang sinabi, Nakikilala namin siya.
Contemporary English Version
Then he asked, "Do you know Nahor's grandson Laban?" "Yes we do," they replied.
Good News Translation
He asked, "Do you know Laban, grandson of Nahor?" "Yes, we do," they answered.
GOD'S WORD® Translation
He asked them, "Do you know Laban, Nahor's grandson?" They answered, "We do."
New Heart English Bible
He said to them, "Do you know Laban, the grandson of Nahor?" They said, "We know him."
Ganoon din ang pagkakasalin sa Genesis 31:55, sa salin ng Magandang Balita Biblia, kung saan "anak" din ang pagkakagamit sa salitang Hebreo na iyon. Pero, sa ibang salin ng Bibliya, isinalin ito na "grandchildren".
Genesis 31:55
Magandang Balita Biblia
At bumangong maaga sa kinaumagahan si Laban, at hinagkan ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at pinagbabasbasan: at yumaon at umuwi si Laban.
New International Version
Early the next morning Laban kissed his grandchildren and his daughters and blessed them. Then he left and returned home.
New Living Translation
Laban got up early the next morning, and he kissed his grandchildren and his daughters and blessed them. Then he left and returned home.

Kaya, maliwanag na ang salitang "anak" sa Genesis 9:24 kung saan sinabi ni Noe ang tungkol sa kaniyang "bunsong anak", ang tinutukoy nito ay walang iba kundi si Canaan, na anak ni Ham, na siyang apo mismo ni Noe.

Isa lamang ito sa napakaraming ulat ng Bibliya na nagpapakitang hindi sinasalungat ng Bibliya ang sarili nito. Sa susunod na labas ng mga artikulo ng seryeng Responding to Bible Contradictions, ipapaliwanag ang iba pang mga ulat ng Bibliya na inaakala ng iba na sumasalungat sa salita ng Diyos.

- End of the article -

[Hindi layunin ng thread na ito na siraan ang paniniwala ng ibang relihiyon o siraan ang ibang relihiyon, o ang ibang mga tao. Ang layunin lamang ng thread na ito ay upang ipaliwanag ang itinuturo ng Bibliya. Kung ang turong ito ng Bibliya ay sumasalungat sa inyong paniniwala at sa turo ng inyong relihiyon, puwede ninyong suriin ang thread na ito at ikumpara ito sa inyong pinaniniwalaan. Hindi namin layunin na baguhin ang inyong paniniwala o kumbertihin kayo sa relihiyon namin. Ang aming layunin ay ang mangaral at magturo, at magpatotoo tungkol sa Kaharian ng Diyos, gaya ng maliwanag na sinabi ni Jesu-Kristo na gagawin ng kaniyang mga tagasunod bago dumating ang wakas. (Mateo 24:14)]

Ang inyong pag-unawa at pagrespeto sa mga Thread Starter, sa mga nagkokomento at sa mga nagtatanong ay lubos na pinahahalagahan.

"Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo." (Mateo 7:12)

Maraming salamat sa pagbabasa ng thread na ito!
 
Hi! Thank you sa pagkokomento. :)

Hindi ko pa sya naaral, pero sige, subukan kong i-research ulit yung tungkol diya'n. Pero kung makapagbibigay ka ng higit na info about diya'n, okay din yun.

Salamat.
 
Top