What's new

Any Tips or Advice para magkaroon ng GF?

IMG_20220918_143500.jpg
 

Attachments

Dati,nagtitinda ako ng siomai sa cart kung saan saan ako nkakarating na lugar para humanap ng magandang puwesto at madaming tao.gigising ng 4am maliligo at magkakape.5am aalis na ako para pumunta sa bahay ng amo ko kung saan nandun yung cart na ginagamit ko.aayusin ko ang paninda ko.mga ginagamit sa pagtitinda.lilinisin ko yun.pag naiprepare ko na lahat ichecheck ko nman kung may gasolina pa ang motor.tpos mghahanda na ako para umalis.gaya ng nakaugalian ko.maghahanap ulet ako ng pwesto na madaming tao.at pagdataing ng 10pm mghahanda na akong umuwi.ganun lang ang daily routine ng buhay ko.sipag at tiyaga,at makalipas ang 5 taong pagttiyaga,nagbunga naman ang pagsusumikap ko.kung dati ay porsyentuhan lang ako.ngayon ay may sarili na akong 5 cart at lahat yun ay may mga tao akong nagtitinda.sa limang motor na nakakabit sa cart ay tatlo dun ang tapos ko ng bayaran.dalawang motor nalang ang hinuhulugan ko ngayon monthly.at dahil kahit papano ay meron na ako.dun nrin nagsimulang maging lapitin ako ng mga babae kahit alam nilang single dad ako.dahil kahit pano may pera na ako kaya nman yung mga babae dati na hindi ako pinapansin,ngayon ay panay na ang lapit sken.pero syempre hindi ko pinapatulan kasi noong wala pa ako hindi nila ako pinapansin kahit na nagtapat ako ng damdamin ko tapos ngayon lalapit sila sken.kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon.

Lesson learned:
 

Similar threads

Back
Top