Actually, yung mga ganyang tanong kasi, may sagot naman talaga jan. Ang nakakatawa lang po kasi, since sa tingin niyo kayo ang tama at absolute na ang alam niyo sa isang bagay eh hindi na kasi kayo open sa ibang sagot
Example ha. Hindi naman talaga tinuturo ng bible ang 'Hell'. Malinaw yan. Pero ang gagawin niyo, pupuntiryahin niyo parin yung mga tao na naniniwala sa hell tapos iko-konekta niyo sila sa bible at Diyos, na tipong dahil sa naniniwala yung mga tao/religion na yon sa hell pero nonsense naman kung iisipin yung belief ng hell, THEREFORE, hindi totoo ang bible at hindi totoo ang Diyos.
Sorry sa example pero example lang yan. Madami pa akong topic na nakikita dito na PAULIT ULIT nalang ganon, na malinaw namang hindi itinuturo yung bagay na yon, pero ang pupuntiryahin niyo ay yung mga ganyang topic, tapos pag sinagot kayo nung mga taong naniniwala sa beliefs na yun sa mga tanong niyo na pakagat, BOOOOM, yun na, huli niyo na. Hahahaha
Anyway, sinagot ko naman yung tanong ni simpson. So ano ang connect ng tanong niya? Ano ang point ng tanong niya?