What's new

Ano'ng Tanong Mo About sa Religion and Bible?

May proof ba na may Diyos?
Kapatid alam mo po ba ang sabi ng bibliya sa di naniniwala sa Dios?.. eto po sa talata ng awit..

Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios. Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan; walang gumawa ng mabuti.

Awit 53:1
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Kita mo po mangmang po ang tawag sa di naniniwala sa Dios.. pero ang original po na salitang ginamit eh yung salitang hebreo na naw-bawl na ibig sabihin ay stupid, fool.. isinalin lang na mangmang, di po eksakto pagkasalin eh..kasi po may mangmang pero may Dios..mga apostol pa nga sila eh..

Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan, at pagkatalastas na sila'y mga taong walang pinagaralan at mga mangmang, ay nangagtaka sila; at nangapagkilala nila, na sila'y nangakasama ni Jesus.

Gawa 4:13
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po mangmang ibig sabihin walang pinagaralan, di nakapag-aral..sa translation po sa ingles nun awit singkuentay tres mas akma po.. eto po sa kjv..

The fool hath said in his heart, There is no God. Corrupt are they, and have done abominable iniquity: there is none that doeth good.

Psalm 53:1
King James Version (KJV)


Yun po..eh talaga naman pong istupido ang di maniwala sa Dios eh..

Ganito po kapatid..halimbawa yung microphone, may gumawa ba nun o wala?.. siyempre meron..it is a common knowledge na pag nakita mo na may mic eh meron gumawa nun di naman po basta lilitaw sa harap mo na mic agad kung walang gumawa dipo ba? Ganito po, kung yung mic na wala namang buhay pinagagana lang po ng kuryente, gawa sa bakal eh kaya nagkaroon may gumawa.. eh alin po mas komplikado pagkagawa yung mic na walang buhay o ikaw na may buhay??.. sa katunayan ikaw may mic ka din po eh(bibig), may reciever ka din(tainga), may camera ka pa nga eh(mata) at may computer ka din po sa loob ng pagkatao mo.. na mas maganda sa computer po na gawa ng tao..bakit po? Kasi yung computer mo nakakaamoy eh, nakakalasa pa.. nagagawa ng tao ang computer pero di nakakaamoy at nakakalasa.. tanong ko po ulit ano po mas komplikado yung mic o ikaw? Eh kung yung mic na di gaano kakomplikado eh merong gumawa, sayo paba walang gumawa?.. siempre meron..at kung may gumawa sayo, komplikado din ang pagkagawa ng universe.. eh bilyong-bilyong galaxies ang nandon tumatakbo umiikot ng wala namang gasolina dipo ba?..hindi po pwedeng walang gumawa ng universe..meron po.. basahin po natin sa desinuebe uno ng awit..

Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.

Awit 19:1
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Kita mo po kapatid yung firmament o kalawakan po ay gawa po ng Dios.. yung bituin, araw, buwan puro gawa po ng Dios lahat yun..basahin po natin ang genesis uno desisais..

At nilikha ng Dios ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga bituin.

Genesis 1:16
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun pong malaking tanglaw ay araw po,yung maliit po ay ang buwan..

Eh itong earth po o mundo bakit dipo nahuhulog at pirming nakabitin po eh wala naman pong tali dipo ba?.. Dios din po dahilan ng pagkapirmi po niya para di mahulog.. eto sabi sa aklat ni job sa bentesais siete..

Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala.

Job 26:7
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Sa ingles po ang sabi..

He stretcheth out the north over the empty place, and hangeth the earth upon nothing.

Job 26:7
King James Version (KJV)


Oh kita mo po nakabitin wala naman pong tali, hangeth upon nothing.. eh ibig sabihin po ay may nagme-maintain nyan.. at yan po ay ang Dios.. ang Ama.. ang pinakamakapangyarihan sa lahat.. eh yung langaw lang eh hindi naman kayang gawin ng tao yun.. kahit po ang buhok na maitim at maputi di kayang gawin ng tao,wala pong siyentipiko na magsasabi na nakagawa na sila nun..wala ..eto po patunay sabi ng panginoong hesucristo sa singko trentaysais ng mateo..

Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa, sapagka't hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim.

Mateo 5:36
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Oh malinaw po dipo ba?.. yung mic po hindi mo naman nakitang may gumawa pero sure ako na sasabihin mo na may gumawa nun..tama?.. Ang mga gawa po ng Dios pagpapakita ng kanyang pagka-Dios at ng kanyang walang hanggang kapangyarihan..eto po sabi ni apostol pablo sa mga taga roma..

Sapagka't ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka't ito'y ipinahayag ng Dios sa kanila.

Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan:

Roma 1:19-20
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Sa ingles po ang sabi sa bente..

For the invisible things of him from the creation of the world are clearly seen, being understood by the things that are made, even his eternal power and Godhead; so that they are without excuse:

Romans 1:20
King James Version (KJV)

Ayun po oh..namamalas at nakikita natin ang kanyang pagka-Dios..pano ika? sa pamamagitan ng kanyang mga gawa..

Ang sabi nga dun sa spanish poem ni rizal..

Cada nota que el viento mumura
Cada rayo de luze del sol
Cada flora en la verde llanura
Es un himno la gloria de Dios

Kahalintulad po yan nun magandang himno na ginawa noong 1848..

All Things Bright and Beautiful
~Cecil Frances Alexander

All things bright and beautiful,
All creatures great and small,
All things wise and wonderful,
The Lord God made them all.

Each little flower that opens,
Each little bird that sings,
He made their glowing colors,
He made their tiny wings.

The purple-headed mountain,
The river running by,
The sunset, and the morning,
That brightens up the sky;

The cold wind in the winter,
The pleasant summer sun,
The ripe fruits in the garden,
He made them every one.

He gave us eyes to see them,
And lips that we might tell,
How great is God Almighty,
Who has made all things well.





May Dios po kapatid.. nasumpungan ko po sa puso, sa bibliya, sa buhay ko..

Ingatan at samahan ka nawa ng Dios..

To God be the glory!

Salamat po sa Dios..
 
Salamat po sa kasagutan at magandang paliwanag po ninyo sa muli kong katanungan..at nagenjoy rin naman po ako sa aking pagbabasa..

Marahil po ay namamli ako sa aking palagay na si Hesu Kristo ay natapos na ang kanyang misyon sa sanlibutan bilang nagkatawang tao.. ngunit naniniwala pa rin ako na patuloy pa rin ang kanyang misyon bilang isa na itong ispiritu upang gumabay sa mga taong naniniwala sa kanya at idulog o ipaabot sa Diyos Ama ang ating hinanaing at kahilingan.. lalo na ang pahingi ng kapatawaran sa ating mga pagkakasala hanggang sa kasalukuyan..🙏

❤️...

Madalas rin po nating nababasa at naririnig ang muling pagbabalik ni Hesu Kristo sa lupa o mundo.. At ano po kaya ang kanyang muling misyon sa atin..? Kung nakasaad man po ito sa Bibliya, sa papaanong paraan po kaya..o dili naman kaya'y nangyayari na ito subalit hindi ito nalalaman ng mga tao..?
Kapatid alam mo po ba na matapos na si cristo ay makabalik sa langit eh bumaba pa ulit siya?? Marahil nagtataka ka o di naniniwala?..pero totoo po yun nasa bibliya po eh..Non din pong panahon ng mga apostol yun..Binalikan po niya si pablo na nooy tinatawag ding saulo.. hihirangin po kasi niya si pablo.. si pablo po ay isang apostol.. eto po nangyari sa aklat ng mga gawa ng mga apostol sa nuebe uno gang singko..

Datapuwa't si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote,

At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem.

At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit:

At siya'y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?

At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig:

Gawa 9:1-5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun po oh si pablo po ay malupit noon sa mga kristiyano, pinapapatay pa po niya mga kristiyano noon,dipa po siya apostol non.. inuusig si cristo.. at habang siyay nasa daang damasco po lumiwanag po sa paligid..isang ilaw mula sa langit..sabi ni pablo sino ka baga? Panginoon?.. sumagot po si cristo..ako'y si jesus na iyong pinaguusig.. dati po kasing masama si pablo galing po siya sa relihiyon ng mga hudio.. eto po sabi ni pablo sa mga taga galacia..

Sapagka't inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:

Galacia 1:13
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun po pero kinahabagan po siya ng Dios at hinirang pa na maging apostol..eto po sabi mismo ni pablo sa sulat niya po kay timoteo.. sa uno trese..

Bagaman nang una ako'y naging mamumusong, at manguusig; at mangaalipusta: gayon ma'y kinahabagan ako, sapagka't yao'y ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya;

1 Timoteo 1:13
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun po..gusto ko lang po ipunto kapatid na bumaba po siya sa di pa kapanahunan..

Ngayon kapatid yung kapanahunan po ng kanyang muling pagparito ay wala pong nakakaalam kung kailan..huwag po ninyong paniniwalaan pag may nagsabi po ng exact date o year.. dahil marami na pong nagpredict nun at puro mga nabigo..mga bulaan po yun..sa bibliya po tayo maniwala.. eto po sabi sa lumang tipan..

Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya.

Deuteronomio 18:22
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun po..naghahambog lang ika yun.. wag ika katakutan.. eto po kasi sabi ng panginoong hesucristo sa bentekuatro trentay sais ng mateo..

Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.

Mateo 24:36
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Wala pong nakakaalam eh.. kahit mga anghel, kahit nga po ang anak na si cristo eh.. sino lang po ba? Eh yung Ama lang po.. inulit din yan ni san marcos eto po sabi..

Nguni't tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.

Marcos 13:32
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

At sa trentaysingko po ganito pa sinabi..

Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng bahay, kung sa hapon, o sa hating gabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga;

Marcos 13:35
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Mangangpuyat ika..ibig sabihin po ay maghanda dahil di natin alam kung kailan darating ang panginoon ng bahay.. yung bahay po ay ang iglesia..

Pero nagbigay po ng mga palatandaan ang panginoon noong tinanong siya ng mga alagad kung kailan..sa katunayan tatlong tanong po iyon eh..eto po sabi sa aklat ni mateo..

At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?

Mateo 24:3
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Sagot po ni cristo sa kuatro..

At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman.

Mateo 24:4
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Singko..

Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.

Mateo 24:5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Sa sais..

At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.

Mateo 24:6
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

At sa siete po..

Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.

Mateo 24:7
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po oh mga digmaan, bansa laban sa bansa..magkakagutom,lindol..mga salot..at yung mga bulaang propeta at bulaang cristo.. mga bunga din po yan ng kasamaan ng tao eh..

Eh tayo ba ay nasa mga huling araw na? Ganito po sabi ni propeta daniel.. isa po itong collateral prophecy eh.. ganito po sabi..sa dose kuatro..

Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.

Daniel 12:4
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yan po oh..sa panahon na po natin yan eh.. marami ng tatakbo ng paroot parito..at ang kaalaman po lalago.. Mga sasakyang pang-dagat, pang-lupa pati nga sa outer space eh diba ganyan na nararanasan natin.. at pati paglago ng kaalaman..knowledge shall be increased.. kaya kita naman natin sa technology ngayon talagang malago na.. eto pa po isang hula ni pablo sabi po niya kay timoteo eto po..

Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.

Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,

Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,

Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;

2 Timoteo 3:1-4
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yan po oh..sa panahon na po natin nangyayari mga yan eh..lalong sumasama ang mga tao..

Eh ano po ba mangyayari sa pagbabalik ni cristo??.. unang una po ay ililigtas po muna niya ang mga banal, yun pong mga nabuhay kay cristo at sa salita ng Dios..dito po magaganap yung unang pagkabuhay na maguli.. eto sabi sa sulat ni pablo sa mga kristiyano sa tesalonica..

Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;

Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.

1 Tesalonica 4:16-17
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yan po yung tinatawag ng mga born again na rapture..pero wala po nun rapture sa bibliya.. nandon po sa ingles yung caught up..o yung pag agaw sa mga banal.. imi-meet po ng panginoong hesukristo yung mga nakasama sa first resurrection..pati yung mga dadatnang buhay na nangatitira na sumusunod kay cristo..imi-meet po lahat sa alapaap parang imi-meeting po ni cristo yung mga banal, congregational po yun eh.. eto po sabi ni apostol pablo..

Ngayon aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, tungkol sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, at sa ating pagkakatipon sa kaniya:

2 Tesalonica 2:1
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po oh may pagkakatipon pong mangyayari..para saan po??.. Dahil po maghahari ang panginoong hesucristo kasama niyang maghahari ang mga nakasama sa first resurrection.. eto po sabi sa aklat ni juan sa apocalipsis..

At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.

Apocalipsis 20:4
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po oh..may luklukan.. eh ibig pong sabihin may mga maghahari may mga thrones eh.. at gagawing mga hukom..tuloy po sa singko..

Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli.

Apocalipsis 20:5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun po, dipo pala mabubuhay yung ibang patay gang matapos yung isang libong taon..tuloy po sa sais..

Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.

Apocalipsis 20:6
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Mapalad po pala makakasama dun.. wala ng kapangyarihan ikalawang kamatayan eh..yun pong parusa wala ng kapangyarihan sa kanila.. at magiging hari at saserdote kasama ni cristo..magiging hukom pa.. eh san po ba maghahari? Sa langit? O dito sa lupa? Basahin po natin sa apocalipsis singko otso gang dies..

At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.

At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.

At sila'y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.

Apocalipsis 5:8-10
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po oh linaw po sinabi sa dies.. dito po pala sa lupa maghahari..

Alam mo po kapatid yung pong pagparito ng panginoong hesucristo ay parang grace period po yun.. kasi pangangaralan pa yung mga di naaabot ng evanghelio ni cristo sa panahon natin ngayon..bibigyan pa sila ng pagkakataon para maging dapat..awa at pagmamahal po yun ng Dios sa tao eh.. eh bilyong bilyon pa po mga nasa huwad na relihiyon.. gaya ng budismo, hinduismo, shintoismo..at yung iba pa.. pangangaralan pa po yan.. parang ganito pa rin po, normal na nabubuhay pa rin po mga tao sa loob po nun isang libong taon.. pero mas magiging maayos po..dun na po makakaranas ng totoong world order ang mga tao.. bakit po? Kasi si cristo na po ang mamumuno sa paghahari eh..jesus christ will be king of kings sa isang libong taon na yun.. eto po sabi ni pablo sa unang corinto kinse bente kuatro gang singko..

Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.

Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway.

1 Corinto 15:24-25
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po oh lahat ng mga corrupt leaders..mga leaders na masasama lilipulin ni cristo yan..bibigyan niya ng iron rods ang mga banal na pang supil.. eto po sabi sa apocalipsis dos bente sais gang siete..

At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:

At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:

Apocalipsis 2:27
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po oh.. iron rods, panghampas na bakal.. ibig sabihin po ay bibigyan sila ng authority ng Dios para magpatupad ng isang strict ruling..

At eto pa po technology and medicine will be more good than today.. eto isang prueba sa isang hula ni propeta isaias..

Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.

Isaias 65:20
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Kita mo po.. isa po yan sa mararanasan ng tao dun sa isang libong taon.. isipin mo po hahaba ulit ang buhay.. 100 years old na eh parang sanggol parin.. ibig sabihin talagang mas magiging maayos ang kapaligiran..parang ibabalik yung orihinal na estado ng mundo.. parang restitution po..eto po sabi sa gawa ng mga apostol..sa tres bente uno..

Na siya'y kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay, na sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang una.

Gawa 3:21
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Sa ingles po ang sabi..

Whom the heaven must receive until the times of restitution of all things, which God hath spoken by the mouth of all his holy prophets since the world began.

Acts 3:21
King James Version (KJV)

Yun po oh.. ibabalik sa dating estado, restitution of all things..hmm there is a song from the 60's na sa tingin ko babagay dun isang libong taon na yun..yung kay louis armstrong..ganito yun eh..
What a Wonderful World
by Louis Armstrong

[Verse 1]
I see trees of green, red roses too
I see them bloom for me and you
And I think to myself
What a wonderful world

[Verse 2]
I see skies of blue and clouds of white
The bright blessed days, the dark sacred nights
And I think to myself
What a wonderful world

[Bridge]
The colors of the rainbow
So pretty in the sky
Are also on the faces
Of people going by
I see friends shaking hands, saying, "How do you do?"
They're really saying, "I love you"

[Verse 3]
I hear babies cry, I watch them grow
They'll learn much more
Than I'll ever know
And I think to myself
What a wonderful world
Yes, I think to myself
What a wonderful world

Ilan lang po yan sa mga mangyayari pa sa loob nun isang libong taon na paghahari ni cristo at ng mga banal..


Bago po maganap yung paghahari ni cristo eh ikukulong po muna si satanas..kukulong po para di makapangdaya sa mga bansa.. eto po sa apocalipsis bente uno gang tres..

At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay.

At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,

At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon.

Apocalipsis 20:1-3
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po..papakawalan pa po si satanas pagkatapos ng isang libong taon na paghahari ng panginoong hesucristo at ng mga banal..


Yun pong muling pagbabalik po ni cristo maghahari po muna siya kasama mga banal..hindi pa po final judgement nun..


Ingatan at samahan ka nawa at ang iyong pamilya ng Dios..

To God be the glory!

Salamat sa Dios..
 
Last edited:
May proof ba na galing tayo sa Magic? mas maniniwala tayo sa may proof na mga scientist na galing tayo sa evolution?
Kapatid yan pong mga naniniwala sa evolution eh mga di kumikilala sa Dios yan eh..nasa bibliya din po mga atheist na yan..eto po kapatid sabi sa lumang tipan..

The fool hath said in his heart, There is no God. Corrupt are they, and have done abominable iniquity: there is none that doeth good.

Psalm 53:1
King James Version (KJV)

Ayan po oh..fool kasinonimo po ng stupid..

Paniwalaan po natin ang bibliya dahil ito po'y sa Dios..

Ngayon po kapatid yung tungkol sa magic o majica, o kahit anting-anting..eh totoo po yan ayon sa bibliya.. eto po sa isang talata ng propeta mikas sa singko..

At aking ihihiwalay ang mga panghuhula sa iyong kamay; at hindi ka na magkakaroon ng mga manghuhula:

Mikas 5:12
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun pong isinalin sa tagalog na panghuhula dyan po sa talata..ang orihinal po na ginamit na salitang hebreo ay ke-shéf na isang kahulugan ay magic.. pero kapatid bawal po ng Dios na ipraktis ng tao yan eh..bakit po?.. eto po sabi sa aklat ni moises sa deuteronomio desi otso dies gang dose..eto po mababasa..

Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway,

Deuteronomio 18:10
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Sa onse..

O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay.

Deuteronomio 18:11
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

At sa dose..

Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.

Deuteronomio 18:12
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po oh mahiko, espiritista, mga enkantador magkakahawig po yan eh.. aba eh karumaldumal po pala sa Dios yan.. kaya bawal po eh..

Ngayon kapatid yun pong konsepto ng evolution yan po ay masasabi kong kaistupiduhan din..

Ganito po isang konsepto niyang evolution..basahin mo pong mabuti kapatid..

Given enough time, these changes mount up and lead to the appearance of new species and new types of organism, one small change at a time. Step by step, worms became fish, fish came onto land and developed four legs, those four-legged animals grew hair and – eventually – some of them started walking around on two legs, called themselves "humans" and discovered evolution.<

Ano daw po? Eh mula daw po sa isang organism kagaya ng uod eh nagkakaroon daw po ng maliit na pagbabago through time..uod gang naging isda tapos napunta sa lupa naging hayop na may apat na paa at nagkabuhok and eventually yung iba daw naglakad na may dalawa na lang na paa at tinawag nilang tao sarili nila?!.. ha?! ano yun? san ka nakakita ng uod sa simula na nagka-paa tapos natutong magsalita?!..wala po nun.. at kung totoo ang evolution bakit gang ngayon may uod pa rin??.. at bakit gang ngayon may unggoy pa rin??.. dipo ba?.. at bakit nun naging tao na tumigil na sa pag evolve..dipo ba?..

Ayun po kapatid.. ang bawat nilalang po ng Dios kung nilalang na hayop non..hayop pa rin yan gang ngayon.. at kung tao non tao pa rin yan ngayon..kung isda non isda pa rin po yan ngayon..kung uod non gang ngayon uod pa rin yan.. ang punto po kapatid magkahiwalay pong nilikha ng Dios ang bawat hayop at tao..
Basahin po natin sa genesis uno bente kuatro gang singko..

At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon.

At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.

Genesis 1:24-25
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905)

Sa bente uno..

At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa't may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.

Genesis 1:21
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Kita mo po sa naunang talata mga umuusad.. kasama po mga uod dun.. at sa bente uno..mga hayop po sa dagat.. kita mo po magkabukod po..dipo sinabing.. ----->at ang uod ay naging isda matapos ang ilang panahon at nawala na uod.. dipo ganun..wala pong ganun.. eh ang tao po..basahin po natin sa uno bente sais ng genesis..

At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.

Genesis 1:26
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Edi hiwalay din po pala paglalang sa tao..dipo ba? .. kapatid magkakaiba po ang laman ng tao at mga hayop..dipo pwedeng nag evolve yan.. eto po sabi ni apostol pablo sa mga taga corinto..

Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman: kundi may laman sa mga tao, at ibang laman sa mga hayop, at ibang laman sa mga ibon, at ibang laman sa mga isda.

1 Corinto 15:39
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po malinaw po sabi ni apostol pablo hindi lahat ng laman ay magkasing-isang laman.. kaya nga scientifically ang tao may 46 chromosomes samantalang ang chimpanzee may 48.. dalawa lang ang difference niyan pero malawak na pagkakaiba niyan sa DNA proteins.. eh kaya magkaiba nga laman..

Eto pa po sabi ni solomon sa aklat ng eclesiastes tres katorse..

Nalalaman ko, na anomang ginagawa ng Dios, magiging magpakailan pa man: walang bagay na maidadagdag, o anomang bagay na maaalis: at ginawa ng Dios, upang ang tao ay matakot sa harap niya.

Eclesiastes 3:14
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun po oh..ano po ibig sabihin ni haring solomon..yun pong nilikha ng Dios non likhain po, yun na yun dipo pwedeng madagdagan o mabawasan.. halimbawa yung ostrich eh hindi nakakalipad yun dipo ba?.. kita mo po gang ngayon di nakakalipad..kasi nilikha yun ng Dios na ganun.. aba eh kung makakalipad yun malaking disgrasya sa himpapawid lalo sa mga eroplano eh pagkalaki-laki din ng ostrich dipo ba?.. ganun po kapatid..


Eh yung paglalang po ng Dios sa tao magic po ba? Alam mo po kapatid nun lalangin po ng Dios ang tao hindi naman po lumitaw po na tao agad.. may pinanggalingan pong bagay na umiiral na eh.. basahin po natin sa genesis dos siete..

At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.

Genesis 2:7
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun po oh galing po pala sa lupa.. sa alabok o dust..Ginamit pong orihinal na salitang hebreo ay aw-fawr na ibig sabihin po ay dust, earth..mud.. alam mo po ba na ang earth crust po o yung ibabaw po ng lupa ay binubuo ng maraming elements? at ang pinakamarami dun ay ang oxygen na may 46.6 percent.. kaya po ang katawan natin punong puno ng oxygen eh.. tanong bakit po naging kaluluwang may buhay? Galing po sa Dios yun..

Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay, at ang hininga ng lahat ng mga tao.

Job 12:10
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po..ang Dios po ,ang Ama ay pinakamakapangyarihan sa lahat..at si cristo po ay makapangyarihang Dios.. kaya pong gawin ng Dios ang hindi kaya ng tao.. at isa po dun ang paglalang.. wala pong tao ang makakaalam ngayon ng whole being ng kanyang pagka-Dios at ng eternal power niya.. sabi nga po ni solomon ay ganito..

Namasdan ko nga ang lahat ng gawa ng Dios, na hindi matalastas ng tao ang gawa na ginagawa sa ilalim ng araw: sapagka't sikaping mainam man ng tao na hanapin, ay hindi rin masusumpungan; oo, bukod dito, bagaman isipin ng pantas na maalaman hindi rin niya masusumpungan.

Eclesiastes 8:17
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Kita mo po wala tayong sapat na kaisipan para malaman natin lahat..as in lahat ng kanyang paggawa..sa ilalim pa lang ng araw yan what more beyond that.. sapagkat higit ang kanyang pag iisip keysa satin..

eto po sabi sa aklat ni propeta isaias..

Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.

Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.

Isaias 55:8-9
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po oh..sarado po salita ng Dios, wala pong makakatutol dyan.. we cannot fathom the vastness of God's wisdom and eternal power..Dios po ang nakakaalam ng lahat ng bagay..

Ingatan at samahan po kayo at inyong pamilya ng Dios..

To God be the glory!
Salamat sa Dios..
 
Back
Top