What's new

Ano'ng Tanong Mo About sa Religion and Bible?

Mind Palace

Elite
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,136
Reaction
303
Alam kong marami sa inyo ang may mga tanong about sa iba-ibang paniniwala ng mga tao, relihiyon at iba pa. Susubukan kong sagutin ang inyong mga katanungan sa pamamagitan ng Bible at ng iba pang mga mapagkakatiwalaang reference na puwedeng gamitin.

Hindi po ako napakatalinong tao para masagot ang inyong mga tanong. Limitado lamang po ang aking nalalaman, pero sisikapin ko pong masagot ang inyong mga tanong gamit ang Bible.

Gusto ko lang sabihin din, (1) Alam kong may iba kayong paniniwala, kaugalian at mga tradisyon. Ang mga sagot na babanggitin ko ay hindi upang i-criticize ang inyong paniniwala kundi upang ipaalam lamang po sa inyo ang sinasabi ng Bible hinggil sa inyong mga katanungan. Nirerespeto ko po ang paniniwala ng bawat isa po dito. (2) Maaaring may ibang magkomento dito hinggil sa inyong mga katanungan, kaya, may mga specific person lang po na sasagot sa inyong mga tanong, kasama na po ako doon sa sasagot. Kung wala o kung hindi ang tao na iyon ang sumagot sa iyong tanong, maaaring iba po ito sa aming pinaniniwalaan, or maaaring ito ay salungat sa aming magiging kasagutan at maguguluhan lamang po kayo. Kaya, ang mga taong babanggitin lamang ang siyang sasagot sa inyong katanungan.
(3) Sa paanuman, maaaring magtanong din kami upang mas mabigyang liwanag ang mga kasagutan sa inyong katanungan, kaya, pakisuyo na lang din, na sumagot nang tama at malinaw.

Maraming salamat po sa inyong pagsali sa thread na ito.

Mga sasagot sa tanong:
Ace106
Gentleman007
Yortz
jrnievas
 
Last edited:
Nice one .. Sana makatulong sa mga tao ang mga matutuklasan mo at magbigay sana ng pag-asa sa mga tao sa hinaharap 🙂

Salamat sa pagkomento
 
Tomsline screamer

Honorary Poster
Noong panahon ni Kristo may papel na ba noon.? Saan ba talaga galing ang mga naisulat sa Bible..? At tama kaya ang pagkakatranslate nila?
 
ginaya nila yan sa pagan religions example yung great flood plagarized nila yon sa epic of gilgamesh as for the translations marami kasing versions yan like king james and new english version for reasons like iyon yung version na sa tingin nila na mas makaka- control sa tao ng panahon na yon
 
Yortz

Elite
"Noong panahon ni Kristo may papel na ba noon.?" - Meron na po. Ang ginagamit na papel dati ay gawa sa papiro. Kung paano ginagawa yon dati, di ko sure. Pero etong video na to, gumawa siya ng papel gamit yung papiro na halaman. Kilala ang mga Egyptians na sinasabing unang nakagawa ng papel gamit ang halamang papiro, kaya kung ang tanong mo ay kung may papel na ba noong panahon ni Jesus, yes, meron na.

Papel na papiro ang ginamit ng unang mga Kristiyano para sa kanilang mga liham, mga balumbon, at mga codex. Nagkaroon din ito ng mahalagang bahagi sa paggawa ng mga manuskrito ng Bibliya, hanggang sa halinhan ito ng vellum (balat ng hayop na pino ang hilatsa) noong ikaapat na siglo C.E. Sa 2 Juan 12, isinulat ng apostol na mas gusto sana niyang ihatid ang kaniyang mensahe “nang mukhaan” kaysa sa pamamagitan ng “papel at tinta.” Ang salitang “papel” ay isinalin mula sa salitang Griego na kharʹtes, na sinasabing nangangahulugang isang pilyego ng papel na gawa sa papiro.
 
Tomsline screamer

Honorary Poster
ginaya nila yan sa pagan religions example yung great flood plagarized nila yon sa epic of gilgamesh as for the translations marami kasing versions yan like king james and new english version for reasons like iyon yung version na sa tingin nila na mas makaka- control sa tao ng panahon na yon
"Noong panahon ni Kristo may papel na ba noon.?" - Meron na po. Ang ginagamit na papel dati ay gawa sa papiro. Kung paano ginagawa yon dati, di ko sure. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., gumawa siya ng papel gamit yung papiro na halaman. Kilala ang mga Egyptians na sinasabing unang nakagawa ng papel gamit ang halamang papiro, kaya kung ang tanong mo ay kung may papel na ba noong panahon ni Jesus, yes, meron na.

Papel na papiro ang ginamit ng unang mga Kristiyano para sa kanilang mga liham, mga balumbon, at mga codex. Nagkaroon din ito ng mahalagang bahagi sa paggawa ng mga manuskrito ng Bibliya, hanggang sa halinhan ito ng vellum (balat ng hayop na pino ang hilatsa) noong ikaapat na siglo C.E. Sa 2 Juan 12, isinulat ng apostol na mas gusto sana niyang ihatid ang kaniyang mensahe “nang mukhaan” kaysa sa pamamagitan ng “papel at tinta.” Ang salitang “papel” ay isinalin mula sa salitang Griego na kharʹtes, na sinasabing nangangahulugang isang pilyego ng papel na gawa sa papiro.

Nakatanggap tanggap ang inyong mga kasagutan mga brader.. 🙏

” Ang salitang “papel” ay isinalin mula sa salitang Griego na kharʹtes"

Ang Griego po ba ang unang Wika sa mundo brader? 😍
 
Yortz

Elite
Nakatanggap tanggap ang inyong mga kasagutan mga brader.. 🙏

Ang Griego po ba ang unang Wika sa mundo brader? 😍

Dati ay hebreo sir. Isa lang wika noon (Genesis 11:1), pero ng magtayo sila Nimrod ng tore ng babel, ginulo ng Diyos yung wika nila. (Genesis 11:2-4 / Genesis 11:7-8)

Yung mga nagkakaintindihan na tao dahil pareho sila ng wika/salita e natural lang isipin na nagsama-sama sila. :)
 
Tomsline screamer

Honorary Poster
Dati ay hebreo sir. Isa lang wika noon (Genesis 11:1), pero ng magtayo sila Nimrod ng tore ng babel, ginulo ng Diyos yung wika nila. (Genesis 11:2-4 / Genesis 11:7-8)

Yung mga nagkakaintindihan na tao dahil pareho sila ng wika/salita e natural lang isipin na nagsama-sama sila. :)

ginulo ng Diyos yung wika nila. (Genesis 11:2-4 / Genesis 11:7-8)

Okay po.. Hindi ko na rin po itatanong kung tama nga ba ang pagkakasalin ng Hebrew, Greigo to English.. Siguro diyos na nga ang gumawa ng paraan para maisalin sa ibang wika..

Pero paano kaya nila napagtagpi tagpi ang mga naisulat nila.. di ba hiwa-hiwalay po yan? At kelan po kaya lumabas ang Bible matapos nilang mabuo.. meron din kayang orihinal na Bible..?
 
Mahabang paliwanag yan, sikapin kong gumawa ng thread kung paano nakarating sa atin ang bible. Pero oo, tama naman ang pagkaka-salin nila noon hanggang makarating sa wika natin ngayon. Guided ng Diyos ang mga sumulat ng bible (2 Pedro 1:21), kaya natural lang na iingatan din niya na maisalin yan hanggang sa panahon natin. Kung talagang pag-aaralan mo yan ng walang bias at magiging sincere ka sa pag-aaral, makikita mong tumpak parin na naisalin ang bible hanggang sa panahon natin. Wala ng original kasi yung mga papel noon na papiro ay nasisira, kaya kailangan nilang gumawa ng kopya pana-panahon para ma-preserve yung record

Nagkakaroon lang ng kalituhan jan sa bible yung ibang tao dahil sa "dami" ng religion ngayon, parang puro "contradiction" tuloy yung bible. PERO kapag pinag-aralan mabuti, wala naman palang contradiction.

Isipin mo to: WALANG IBANG AKLAT sa buong mundo ang dumanas ng napakaraming pagtatangka na mabura o maalis ng tuluyan ang bible. Pinapatay noon ng mga pari yung nagsasalin ng bible sa wika na maiintindihan ng mga tao. Gusto ng ibang nasa authority noon na itago sa tao ang bible para hindi malaman ng mga tao kung ano ang totoo, PERO hindi sila nagtagumpay. Kaya hanggang ngayon ay may bible parin tayo :)
 
Sang ayon ako dito bro.. 👇

‐---------------------------------------

Kung ganun po baka sila ang mga tao na napasama sa paglaho noong panahon ni Noah kung totoo man ang kasaysayan ni Noah hehe..

Di ko gets yung sinabi mo sir yung naka bold hehe. Paki clarify po sir Tom :)

Speaking of Noah. Actually, bagaman iniisip ng iba na yung bible account daw tungkol kay Noah and the great flood ay kinopya lang daw sa ibang mythology ng ibang bansa, pwede mong tignan ito sa ibang angle.

Yes, sa dami ng record ng ibang mga bansa sa "history" nila or mga tipong "kwento" na patungkol sa great flood, at yung mga record na yun ay sinasabing mas nauna pa kesa sa pagsulat ni Moises sa aklat ng Genesis gaya ng Epic of Gilgamesh, mas reliable parin ang bible. Gagawa nalang ako ng thread tungkol jan pag nakaluwag luwag ako ng schedule sa work/business ko para ma research ko din bago ko i-share sayo. Quick notes you might consider too:

1. Binanggit ang great flood sa bible. Bagaman may mga nagsasabing hindi raw trusted ang bible, pero kapag pinag-aralan talaga mabuti yan, makikitang legit ito, mapa history man, archeology, science, math, mga natupad na hula, at marami pang iba.

2. Si Moises ang sumulat ng Genesis. Kinilala si Moises sa bibliya. Ni-quote sa bible yung sulat niya sa great flood.

3. The fact na "madaming bansa" ang nag ulat ng tungkol sa nangyari sa great flood, although iba-iba ang lahat ng detalye ng mga ito, isa na jan yung kay Gilgamesh, meron pa yung sa China, pero kung iisipin, sa pinakabuod ng mga "stories" na yun, bakit lahat sila nag ulat ng ganon, na tila iyon ay nangyari sa pang globong level?

Try ko makagawa ng thread nalang this week tas send ko dito yung link para makita mo :)
 
Tomsline screamer

Honorary Poster
Di ko gets yung sinabi mo sir yung naka bold hehe. Paki clarify po sir Tom :)

Bale sang ayon po ako sa binanggit nyo na kaya nagkaroon ng contradiction patungkol sa Bible dahil marami ang nagsulputang relihiyon...

Ibig sabihin po pala nito ay nawala ang pagrespeto ng mga tao don sa nilalaman ng Bible.?? Ano po ang opinyon ninyo dito brader.. ??😍
 
Online statistics

Members online
1,520
Guests online
1,237
Total visitors
2,757

Forum statistics

Threads
1,230,996
Posts
21,621,251
Members
1,615,500
Attachments
1,734,118
Profile posts
100,276
Top