What's new

Anong gamot po sa sobrang sakit ng ngipin?

Ipabunot mo na yan kung may budget ka 500 to 1k makakapagpabunot kana sa dentista. Kesa uminom ka pa ng gamot gastos din yun. Para hindi kana mahirapan.
 
Sa may bagang po sya e. Nung una sa kabila yung sumasakit. Di ko naman sya iniinuman ng gamot kasi nawawala naman sya. Sumasakit sya kapag nakakainom ako ng malamig ng tubig. Tapos yun nawala tas dun naman sya lumipat sa kabila. Sumasakit talaga sya pag nakakainom ako ng malamig tapos yun hanggang sa tumagal yung sakit nya. Ininuman ko ng mefenamic nawala naman sya. Tapos nasakit talaga pag nakakainom ng tubig na malamig. Hahaha. Bat ganun. Dati naman akong nainom ng malamig.. Hays. Kung kelan mainit pa naman ang panahon.
 
tried and tested ko na po sa brother ko
nakita ko lang din online

Gamit po kayo cotton swab, then patakan nyo po ng Advil liquid gel ung cotton, saka i apply nyo dun sa masakit na ngipin, kung may butas, sa butas nyo po ilagay, literal po na seconds lang mawawala yung sakit
iwasan nyo nalang po malagyan yung gums
 
Ganyan din saken.
Di na natalab mefenamic/Advil idederetso sa ngipin/mumog asin/bawang/bactidol halos lahat na na try ko di nawawala yun saken bunot na talaga kailangan.
Walang maga yun saken or nana basta butas lang sumasakit na din buong tenga ko at sintindo.

VID_20210629_161112_exported_39719.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top