What's new

Poll Ano reaksyon mo sa Mandatory Military Service?

Pabor ka ba sa Mandatory Military Service?

  • YES to MMS

  • No!


Results are only viewable after voting.
oo naman. pabor ako sa mandatory rotc. para magkaroon ng disiplina mga kabataan na puro reklamo lang ang ginagawa. mas ok na ako na may mandatory military service kesa maging communist country tayo
 
Wala ding saysay ang ROTC nung kami, puro martsa-martsa lang, yung disiplina ng tao ay nasa kanya pa rin yun, may ROTC man o wala. Yung mandatory military service baka malabo yan, kulang sa pondo, may issue ng abuses, at may potential na "negative" ang reaction ng China dahil sila lang naman ang puwede nating paghandaan para sa giyera, wala namang ibang bansang nambubully sa atin.
 
Oras na talaga para ibalik ito dahil sa panahon ngayon hindi na imposibleng may mangyaring gyera ng biglaan. Ano magiging laban ng isang sibilyan sa sundalo ng sumasakop na bansa? Marami naman matutunan doon lalong lalo na survival skills.

Natatakot sila dahil daw sa hazing. Marahil noon nung wala pang masyadong batas tungkol sa hazing pwede kang mangamba. Pero ngayon madame ng batas na poprotekta kaninuman laban sa hazing.
 
Last edited:
May house bill na po ata na iaaply ang ROTC sa Grade 11 and 12 pero di pa naaprove, with Sara Duterte in DepEd, then possible this time na maintegrate sa curiculum.

For me, di na po dapat, may NSTP na po sa college, mas okay para sa akin to kaysa ROTC, maglalaan pa ng pondo ang gobyerno para dito. Mas magandang pagtuunan ang pagbubuti at pagrecruite sa PMA para mas maraming mga propesyonal na sundalo ,quality over quantity ikanga.
 
Tama yan ng maranasan nyo din narananasan namin mula elementary(boyscout) hanggang high school(CAT)

Sama nyo na pati college(CAT, OR community service)
 
pabor ako dyan, nung nag college ako may rotc kami kase kasama sa course na kinuha ko yan. enjoy naman, maraming akong natutunan nun tym na yun way back 2009 pa yon.
 
ano ba magagawa mo
YES
at
NO
pag sinabi mong NO anu naman dahil YES parin ang sagot mandatory nga diba parang forced conscription lang ng ukraine isa lang choice mo YES lang

maganda magkaron ng Mandatory Military Service ang dami ng pabebeng kabataan ngayon at pag kaaarte.

dapat madisiplina yang mga yan
kala mo ba manunuod ka lang sa kanila hindi no pati ikaw didisciplinahin
sabit karin sa mandatory military service

based sa mandatory military service ng ibang bansa meron silang sweldo ito kaya meron din
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top