What's new

Ano po side effects after niyo matamaan ng covid?

Hihina ang baga kaya kelangan palakasin ulit by exercise at vitamin C. Vitamin C pampalakas ng lungs yan dahil naresearch ko noon before covid pa, naghahanap ako ng supplement pampalakas ng baga tapos vit c ang nadiscover ko. Yun non-acidic sodium ascorbate mas ok dahil naaabsorb daw ito agad ng katawan.
yes very well said paps vitamins and eating healthy foods and pinaka importante is regular excercise yan kasi sabi ng doctors samin.
 
1st symptoms ko, parang pagod
then nung gabi, nilagnat na ako.
2nd day, may sipon na, then gabi start na ng ubo
3rd day, lumala na yung ubo peeo di na nilalagnat
4th day ubo at body pains, lalo na joints,sipon pa din
5th , sipon,ubo body pains
6th, sipon ubo, body pains, diarrhea, wala ng pang amoy at panlasa

ika 10th day ko, nag improve na yung ubo ko at sipon. then yung may pang amoy ka na kakaiba.
11th day to 13th day, improve na yung pang amoy, pero makulit pa din sipon at ubo, pero konti na lang
14th-17th day, same pa din, yung ubo medyo makulit na ulit nung ika 17th day ko.

sakto medical ko nung ika 17th day. may medical ako. may antigen test na nag positive pa din ako kahit ika 17th day ko na since first onset ng symptoms ko. balik quarantine at nag pa confirm ng rt-pcr which is positive pa din. nag pareseta na ko ng gamot nun sa doctor.

sabi ng doctor, hindi na naman daw ako nakakahawa, pero posibleng dumami ulit covid virus ko kasi hindi ko ginagamot symptoms.

ngayun matatapos na ulit ako sa 14 days quarantine. nag take na ko ng gamot, result is improved na yung ubo ko. sa maghapon, parang isang beses lang ako umubo.

nag antibiotics din ako kasi nagkaron ako ng sinusitis. also para sa iba pang posibleng impection.

after antibiotics, hindi nawala ubo ko. reseta naman sakin is inhaler at antiviral. yun ang nakatulong talaga sakin.
 
sa mga kakarecover lang sa covid, wag nyo ipush lungs nyo. pinag bawalan ako ng doctor mag exercise. para daw yung sugat na gagaking pa lang tapos timanggal mo yung langib. kaya lalo tatagal recovery ng lungs.
 
Critical ako sa Covid nung September.
Critical meaning naka ICU ako saka intubated.

5 days akong may sakit before ako pumunta sa hospital.
Hindi ako nawalan totally ng panglasa o pang-amoy kaya akala ko hindi covid.
I was diagnosed with covid after swab test sa hospital.
Discharged ako after 22 days sa hospital.

Side effects post-covid:

1. Mas naging sensitive ako sa pang-amoy at pang-lasa. Mas sensitive na ako sa alat, asim saka anghang. Sa amoy, so far, mas sensitive na ako sa usok and pabango na flowers yung amoy.

2. Sabi sa akin, I will recover 70-90% of my lung capacity after 6 months - 1 year. Meaning hingal na hingal ako. Paglabas ko ng hospital, naka oxygen tank ako kasi di talaga kaya. 4L yung level. Hingal kahit magsalita.

3. Increased heart rate. After one week sa bahay, nakakatayo na ako. Tatayo lang, aabot sa 120bpm yung heart rate.

4. Mild PTSD. Hindi ako diagnosed, just for reference lang. Affected yung mental state ko. First few days nung tinanggal ang tubo sa akin, parang nafefeel ko pa rin na andyan especially pag nagigising ako sa madaling-araw.

5. UBO. Hindi daw talaga mawawala until after a few months. Clear na yung lungs ko pero andyan pa rin. Mahirap pag inatake ng "cough fits" kasi nawawalan ng hininga, masakit sa katawan and minsan susuka na.

More than one month na ako discharged - Observations:

1. Hindi na ako nakaoxygen tank pero hingal pa rin. Nakakalakad na ako. Bawal magbuhat ng mabigat kasi bababa ang oxygen level. Increased pa rin ang heartbeat. Naghugas ako ng pinggan 3 days ago tapos parang mahihilo na ako sa sobrang lakas ng kabog ng ******.

2. Hindi na gaano ka sensitive pero alam ko may changes sa panlasa at pang-amoy.
 

Similar threads

Back
Top